"Ang tagal naman ni Marco," inaantok na sabi ni Silva habang nakaharap sa computer niya. "Nag-message sa 'kin si Marco na ako na lang muna ang magbantay dito sa counter so you can go home. He can't leave Rosie. May lagnat pa daw at walang kasama." Pormal na bungad ni Cavin sa dalaga. Tumaas agad ang kilay ni Silva dito. "No, I'll wait for him here." Pilit na giit ni Silva. It's hurting her thinking that Marco is with her best friend, Rosie but she tried to understand dahil sinabi na rin ni Cavin na may lagnat nito. "But you look sleepy. Umuwi ka na nang makatulog ka. O, baka gusto mo matulog sa tabi ko?" Pang-aasar ni Cavin. Okay na sana, e. Good shot na sana siya kay Silva dahil kahit papaano ay nakausap na siya nito ng matino pero humirit pa rin talaga siya. Silva rolled her ey

