Rich tried to come to Rosie's apartment again para sana humingi ng tawad sa ginawa ni Celestine pero ni-ban na siya ng tita ni Marco dahil sa gulo na ginawa nito. Hindi na mapapadali ang paglapit niya sa dalaga except for one way. Puwede pa siyang pumunta sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Rosie. Nilakasan niya ang loob niya na puntahan ito sa coffee shop kahit na alam niyang puwedeng hindi siya pansinin ng dalaga. Alam niya sa sarili niyang puwede siyang ipagtabuyan siya nito palayo. Bago pa man siya makapasok ay nakasalubong na agad niya si Marco na papasok rin ng coffee shop. Galit itong tumingin sa kanya. Hindi pa ni Marco nakakalimutan kung anong klaseng pagpapahiya ang ginawa ni Celestine kay Rosie no'ng nakaraan. Bumalik na naman ito sa isip niya. "Hindi ka pa rin ba nakuku

