➿➿➿➿➿➿ MONTECARLO OFFICE (first day of work with Miss Angela) Maagang dumating sa office ang dalaga. Medyo puyat pa ito dahil sa kakagawan ng kanyang best friend na si Ligaya na panay ngawa dahil sa boyfriend nitong well boyfriend ng buong bayan. Iyon nga ang pinagtataka ni Monina kung anong meron sa lakaki dahil hindi naman siya mukhang artista, hindi din basketball player, not even that tall, bilog naman ang kanyang abs. Pagdating ng dalaga mula sa camping with her boss, nadatnan niyang umiiyak ang beshy at may hawak na papel at kandila. Flashback "Hay kapagod. Mabuti na lang at hinatid ako nina Sir Chase. Ugh! Sakit sa likod. Ano ba naman kasi ang pwesto ng tent medyo mabato. Tsk! Malamang tulog na si beshy. Leche din kasi ang pinuntahan namin wala akong signal. May antenna na nga

