bc

I'm Falling With The CEO's Secretary(completed)

book_age18+
3.8K
FOLLOW
17.1K
READ
CEO
heir/heiress
comedy
gxg
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

It was an unexpected love story between the two. She wasn't exactly sure when it happened or even when it started. Knowing she already had that PERFECTIONIST boyfriend that every woman's dream. He is extremely handsome. But why did she fall to someone that is not even her type??

"Angel, are you being possessed?"her one and only alalay s***h ugly duckling bestfriend.

"Girl, maybe we should find a magtatawas!"her gay stylist.

"Anak, you should seek medical help." Mother.

When Angela introduced her other half to her family and friends, they all come up with one question. How did that happened??? Yeah! How did she fall to a clumsy, nerdy, shunga WOMAN and not to a MAN with an ABS?

chap-preview
Free preview
Teaser
Ahem!! Ako ang inyong lingkod si Monina Reyes. Ang babaeng may kakambal na ang pangalan ay Malas. Ako din ang babaeng pinagkalooban ng madaming talento. Paano ba naman buwan buwan paiba iba ang trabaho ko. Oh di ba ang saya saya! Yung kaibigan ko nga eh nagtataka bakit palagi akong tinatanggal ng mga boss ko? Kung sa pagandahan hindi ako patatalo. Sa talino? Well, wag na nating pag usapan iyan. Dahil sawang sawa na ang beastie ko sa kakangawa ko every day na ginawa ng diyos, hinanapan niya ako ng work. Excited pa nga ako that day when she told me na director ang magiging new job ko kaya YES agad ang Ate niyo. "Oh my gosh!!! D-director?! Agad agad? H-Hindi ka ba nagkakamali ng pandinig Chena? Yan ang tawag ko sa kanya kasi ayaw niya na tawagin ko siyang Ligaya. "Baka janitorial yan ha. Yan na lang ang hindi ko napasukan na trabaho eh Or maybe...?" Pangbibitin ko at nag puppy eyes pa... "Hindi no. Ano akala mo sa akin bingi? Yan talaga ang sinabi sa akin dahil biglaang umalis yung kanilang director kasi kinuha na siya ng husband niyang Japanese blah blah blah!" Hindi ko na narinig yung iba pa niyang sinasabi kasi Iniimagine ko na ang sarili kong maging isang director na naka pang corporate attire kagaya ng parang mga nakikita ko sa mga dati kong boss yun sa kakaimagine ko nakalimutan kong itanong kung anong klaseng trabaho pala ang papasukan ko. Kinabukasan maaga pa lamang naka business suit na ako and getting ready for my interview. Dinala na ako ng beastie ko sa lugar kung saan ako magtatrabaho and this time I'll make sure magtatagal na ako. Wala na yung isang linggong paninilbihan. Nevah!Hahaha!! Director men!! Pagdating sa lugar buong pagkatao ko at kaluluwa ay nagtataka sa aking nakikita. Saan ba ako magtatrabaho bilang director? Kasi ang mga nakahilirang mga establishments eh ganito... "Butcher  Family Funeral Homes." basa ko sa pangalan ng karatola. "Holy Names Funeral Homes  and Memorial Plans." kunot noo kong basa sa mga karatula. "Looking for make up artist ‍➿apply inside➿"Hindi yan for sure...at no way na jan ako magtatrabaho! Sumunod na pinuntahan namin... "Naghahanap ng embalmer- submit resume.."Mas lalong di pwede.. Embalmer?? Sa ganda kong ito???! Anak ng pitong gatang, bakit ganito ang lugar na pinuntahan namin? Sabi na eh, nabingi nga talaga ang babae na to. Hmm! Binigyan ko ng nakakadurog butong tingin ang nakangiwing babae sa tabi ko habang isa isang binabasa ang mga pangalan ng mga maliliit na building. Then merong flower shop... wala namang nakasulat na hiring sila. Iba naman nakasulat sa labas. (Jade's Flowers for order please call #9876543210) dahan dahan kong nilingon ang kasama ko. Sa totoo lang ang makapal kong kilay pakiramdam ko lalong kumapal at nakipag sagupaan na sa isa kong kilay. Siningkit ko ang aking mga mata. "Babae, saan ako magtatrabaho?"matalim ang tingin ko sa kanya at nakapamewang. "Eeii...dito kasi ang address na narinig ko pero diko alam kung alin sa kanila ang naghahanap ng director daw." Sagot niya sa akin. At kamot sa ulo na akala mo madaming kuto.. Mabagal kaming naglalakad sa kahabaan ng Mcdonald Avenue corner Mang Binakol habang nakatingala sa pangalan ng mga building hanggang sa may natanaw siya sa may bandang dulo. "Baka iyon? Sigurado yun na talaga ang hinahanap natin."turo niya at kitang kita ang galak sa kanyang mukha. Lakad takbo ang ginawa namin. Hingal pa akong nakasunod sa kanya. Syempre idagdag mo pa ang rumaragasang mga butil kong pawis dahil sa init ng suot ko. Then nakanganga kami habang binabasa na naman ang pangalan. Alam kong hindi ako biniyayaan ng katalinuhan pero slight hindi naman ako ganun ka tanga. Alam kong mali talaga ang napuntahan naming lugar. At muli, dahan dahan akong napatingin kay Chena na napatingin din siya sa akin at binalik ang mga mata ko sa aking nakita. "Slaughter and Son Funeral Directors." "Besh maganda ang pangalan oh Slaughter. Hehehehe siguro mga pamilya ng mga gwapo ang mga ito, Tingin mo besh? Hehe. Peace ✌" "Gwapo? Sure ka?  At lahat dito sila nagtatrabaho? Eh punerarya ito eh." "Eh anong masama doon?"nagkibit balikat ako sa tanong niya. "Tsaka ano ngayon kung gwapo?" "Jusko besh, gaganda ang araw mo kapag may kasama ka sa trabaho na gwapo, may abs, tall dark and handsome." "Hello? Kahit kasing mukha sila ni Lee Min Ho at yung mga Kpop na yan never ako magtatrabaho dito!!" "Kahit ang maging director pa? Di ba pangarap mong magsuot ng kagaya diyan sa suot mo?"sabay nguso niya sa attire ko. "Besh kung ang kapalit ng pagiging director ko eh ang magkaron ako ng sakit sa puso wag na lang no!" "Ah sige. Pero besh basahin mo oh." "Wanted female director- please come and see the owner together with your cv." "So ito nga???" Kinakabahan kong tanong sa isipan ko. "Potek ka talaga Ligaya! Sinasabi ko na nga ba na nabingi ka na naman! Yang tenga mo kasi nakakarinig lang kapag pera ang pinag usapan. Humanda ka talaga sa akin mamaya."usal ko sa aking sarili. May lumabas na babae na payat na parang naubusan ng dugo sa katawan. Hinarap niya si Chena at ako naman pasimple nang umiskapo nang mabasa Ko ang kanilang sign sa may pintuan na made of glass. "Ikaw ang nakausap ko sa phone?"tanong ng babae. Nagtago ako sa may nakaparadang sasakyan at dala ng takot ko sa lugar hindi ko napansin na hearse na pala ang pinagsasandalan ko at saktong pagsilip ko sa loob ng sasakyan may laman itong kabaong. Napahawak ako sa dibdib kong flat at napalunok ng laway. "Mapapatay talaga kitang babae kaaa! Humanda ka mamaya pag uwi natin." Ngitngit ko sa sarili. Patuloy silang nag uusap ng babaeng parang zombie. Ako naman, pinipigilan ko ang sarili ko dahil sa tindi ng kabang nararamdaman ko. Yun bang baka biglang may magpakita na multo. O kaya babangon ang kung anuman ang laman ng kabaong na nasa loob ng sasakyan. Tinatawag ni Chena ang pangalan ko ngunit hindi ako nagpakita hanggang sa magpaalam na siya sa babae. Mabilis kong hinatak ang beastie ko pauwi ng walang imikan. Kahit anong pilit niya, hindi talaga ako pumayag. Over my sexy body. Kaya ayun tambay na naman si Monina. Para sa akin, malas talaga ako pagdating sa pag hahanap ng trabaho. Pero dumating ang araw ng may isang malaking kompanya na naghahanap ng secretary s***h PA para sa isang CEO ng company. Sa ubod ng sungit at perfectionist walang tumatagal na kahit sino. Yung iba daw kasi nilalandi ang boss pero hindi tinatablan. Kailangan din daw on time palagi at laging tama ang gagawin. Kunting pagkakamali, tanggal agad. Dahil sumasakit na ang likod ko sa kakahilata nag isip ako ng mga limang beses. Kahit nag aalangan ako sinubukan ko pa rin at hindi ako nagkamali dahil tanggap agad ako. Hindi ko nga alam kung swerte talaga ako. Baka nga finally naalis na ang malas ko sa katawan. Kung swerte ako sa boss ko, masasabi ko namang ang Malas ko na naman dahil sa pagkakaron ko ng isa pang boss ang kanyang napaka maldita at mata pobreng girlfriend. Naku sarap saksakin ng tinidor. Nuknukan sa kasungitan! Ilang beses niya na akong pilit pinapaalis sa position ko at hiniling kay boss chase na paalisin na ako pero neknek niya nanatili pa rin ako. Huh! Nahumaling kasi si Sir sa ganda ko. Lahat na lang ng paraan ginawa na niya. Kung ano anong paratang pinagbabato niya. Pero hindi siya nagtagumpay. May araw din siya... Karma is a.... karma is... lintik bakit ba kasi ang hirap ng english eh ugh! Alam ko yun eh, basta karkarmahin ka din, magiging mabait ka din sa akin. Ako yata si Monina Reyes... Ang magandang babae sa aming kalye!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook