Masayang masaya na pumunta sa kusina ang dalagang si Monina at sinabayan sa pagkain ang kaibigan nitong si Ligaya. Unang araw niya kasi sa kompanyang papasukan kaya sobrang excited na ito. Si Ligaya Dela Cruz ang kanyang matalik na kaibigan. Ang may alam ng lahat ng kapalpakan niya sa buhay. Ito na ang kasama niya sa bahay na kanilang inuupahan. Isa din itong dalaga. Umupo agad ito at naglagay ng pagkain sa plato. Nakataas pa ang isang paa ni Monina habang kumakain.
"Wow sarap naman ng ulam natin.! Kamatis, hiniwang itlog na maalat, longganesa at sinangag! The best ka talaga besh, anong meron?" Wika nito at umarangkada na siya sa pagsubo na akala mo takot maubusan ng pagkain.
"Celebrating your first day of work. Gosh! Napa English tuloy ako sayo besh."
"Thank you besh ah. Pinaghanda mo pa talaga ako.Love you beshy."
"Syempre may kapalit iyan."napatigil sa pagsubo ng kamatis si Monina at napatingin sa kaibigan.
"Huh? Anong kapalit?"sabay inom ng kape niya.
"Libre mo ako sa unang sahod mo. Halleerrr!"turan nito at tumaas ang mga kilay.
"Hala! Eh last month nilibre din kita ah. Ano yun unlimited panlilibre ko sayo?" nakanguso na wika ni Monina.
"Bakit, kasalanan ko ba kung unlimited din ang pagkatanggal mo sa trabaho mo?" ganti nito sa kanya.
"Ouch naman besh. Bakit kasalanan ko ba kung mali mali sila? Naku hindi ko naman siguro kasalanan ang mga yun di ba?!"
"Pang ilan mo na itong trabaho bes?"sabay higop ng kape.
"Hmm..."napatingin sa labas ng bintana habang nagbibilang sa kanyang isipan. "Pang 11 na."proud niyang sagot kaya napaubo ang kaibigan.
"Hahahahaha!! Ikaw na ang employee ng taon!!"
"Siguro naman bes dito sa trabaho na ito dito na talaga ako magtatagal." turan ni Monina na para bang nagday dreaming.
"Uy besh, ayusin mo naman kasi. Huwag mo kasing awayin ang boss mo o kaya mga client niyo."
"Naku bes, kasi naman eh dapat ayusin din nila kung mag utos sila."
"Hay ewan ko ba sayo. Ano nga pala yung dahilan at umalis ka dun sa huling trabaho mo? Aayaw ayaw ka pa nung una eh no."pabulong niyang sambit.
"Yung pagiging director kuno?"
Tatango tango naman ang kaibigan at pinagpatuloy ang pagkain.
"Kasi ganito yun....
Flashback
Isang nakasimangot na Monina ang sumulpot sa kusina at walang kabuhay buhay na umupo sa table with her flying hair. Hindi uso ang suklay mga bes. Buhaghag at kinky ang kanyang buhok. Akala mo palaging nakuryente.
"Wow naman bes, unang araw mo sa trabaho mo tapos ganyan agad ang mukha mo?"
"Oh eh sino naman ang matutuwa sa trabaho ko?"
"Malamang ikaw. Tsk! Ito naman. Sabi nga nung may ari subukan mo lang. kung hindi mo talaga kaya eh di wag mo nang ituloy."
"Kahapon ko pa sinabi di ba?. Tapos kagabi sinabi ko din sayo na hindi ko talaga kaya."ingos niya sa kasama.
"Bes try out lang ito. Kaya sige na. Kumain ka na at ihahatid kita doon. Baka mamaya takasan mo ang may ari eh."
Padabog na kumuha ng kanyang pagkain si Monina at nagsimulang kumain. Panay irap niya sa kaibigang talak ng talak sa kanya.
"Ngayon pa lang parang hindi ko maihakbang ang paa ko. May rayuma na yata ako bes."turan ni Monina habang humihigop ng kape. Napataas ang kilay ni Ligaya.Nasa mukha ang pagdududa.
"Ang alam ko umaatake ang rayuma kapag malamig ang panahon at kung kumain ka ng mga bawal na pagkain gaya ng monggo. Huwag mo nga akong artehan diyan."nakasimangot na sagot sa kaibigan. Ilang araw na kasi sila nagdedebate tungkol sa trabaho inoooffer niya dito.
"Eh besh sa akin kasi tung rayuma ko, ka-kahit mainit umaatake.."
"Nakuu, lumang tugtugin bes, hindi papasa sa akin. Bilisan mo na at nang makaalis na tayo."
"Haysss... Kapag ako hinimatay lagot ka talaga sa akin sige ka."
"Isipin mo na lang ang malaking kapalit besh. Tumataginting na 15 thousand pesos. At makakatrabaho mo ang mga gwapong nilalang. Huwag mo nang tingnan ang lugar at ang laman nung building na iyon ha. Doon mo lang ifocus ang mga mata mo sa dibdib ng mga anak at lagi mo iisipin na kada a kinse may 7k ka."
Umikot ang mga mata ni Monina.Naiisip na niya na siya ang mag mamanage sa mga kaanak na naghahanap ng kabaong. Ang mag arrange ng funeral. Diyos ko makakita pa nga lang ng kabaong gusto na niyang himatayin, paano pa kaya kung siya mismo ang nandun para maghanap ng kabaong at of course makakakita ng patay. Nagsimulang manlamig ang mga kamay niya.
"Basta hindi ako magtatagal sa trabaho na iyon. Dapat kasi ikaw na lang eh. Bakit ako pa ang ni recommend mo doon?" Tanong niya habang nililigpit ang pinagkainan.
"Sino ba sa atin ang walang trabaho ha Muning? Ikaw na nga ang tinutulungan ko eh..." ngumuso na ang kaibigan niya.
"Eh kasi naman sa dami ng pwede kong pasukan doon pa talaga..." sabay sandal ng likod sa may pintuan at nagtaas baba ng katawan then side to side.(makati ang likod ni muning)
"Hmm, kung aayawan mo na naman yun, pang ilan mo nang trabaho yan ha aber?" Nakapamewang niyang tanong sa kaibigan..
"Pang sampu? Ewan."
"Hahahaha! Kita mo na yan. Hay naku ewan ko na lang sayo."dinala niya ang plato sa sink saka may kinuha sa may ibabaw ng refrigerator. "Oh para sayo dumating kahapon."
"Sulat?"
"Malamang. Never ka pa naman pinadalhan ng card. Ay meron pala bes galing sa akin. Hehehe."
Totoo yan. Never pa siya nakatanggap ng card mula sa mga kaanak. Dumaan na ang ilang pasko, birthday, valentines etc walang nakaalala. Mas madalas siya makatanggap ng sulat mula sa pamilya kapag malapit na ang kanyang sahod.
Kesyo walang pambili ng gamot, bigas, ulam, pambayad sa utang sa tindahan.
Matamlay niyang binuksan ang nasabing papel. At halos atakehin siya sa puso sa kanyang nabasa.
Dear Muningning,
Si Nanay mo ito. Pasensiya na anak kung sa iyo kami hihingi ng kahit kunting halaga. Binenta na namin si Daniel (rooster)para sa gamot ko. Kinatay namin si James(goat)para sa birthday ng kuya mo, at si Enrique(baboy)pambayad sa utang dun sa tindahan ni Aling Patring. Yung ibang karne, kinuha ng mga kapitbahay, babayaran daw kung may pera sila."
Anak baka meron ka diyan kahit magkano pambayad sa eskwela ni Junjun(bunso/brother).
Nagmamahal,
Nanay
Malungkot na tiniklop ang nasabing papel at napatingin sa kaibigang naka crossed arms.
"Ano, may sinabi bang kamusta ka?"
Umiling si Monina.
"Wala."
"Huh! Yan, di ba, kahit kamusta man lang wala pero kung makahingi ekstraherada! Ayun, nabenta na pala ang mga alaga niyong mga artista eh!" litanya ng kaibigang lumilipad sa hangin ang mga kamay. Ito kasi ang halos may alam tungkol sa kanyang talambuhay. Ito din ang nakikinig sa bawat hinaing at drama niya sa araw araw.
"So ano, aayawan mo pa ba ang trabaho na iyan?"
"Hindi. Alam mo naman na daming bayarin di ba?"
"Oo narinig ko."inis na sagot nito sa kanya. "Halika na nga at umiinit yata ang ulo ko doon sa pangalan ng mga alaga niyong hayop." napangiti si Monina. Totoo puro artista ang kanilang mga alagang hayop. Ang pusa nilang babae si Nadine ang kanilang aso dahil sa kakapanood ng probinsyano naging si Coca since babae ito at nung nanganak aba naging korean na ang mga anak. Lee Min, Lee Jong, Park shin, Gong Yoo, Kim tae.
Pagdating sa sakayan ng jeep, parang tulala si Monina. Tumikwas ang kilay na isa ng makita ni Ligaya ang buhok nito.
"Bes, meron naman tayong plantsa sa bahay bakit hindi mo pinadaanan iyang barbwire mo..."sabay nguso niya sa buhok ng kasama na para bang buntot ng peacock.
"Nagsuklay ako bes, sorry nga pala ha, natanggal ang isang ngipin niya..."kagat labing wika nito. "Palitan ko na lang pagkasahod ko."
"Bes, sa ganyang klaseng buhok, susuko ang suklay sayo." at ngumisi sa kaibigan.
"OHHHH YUNG PAPUNTA NG MAKATI DIYAN! KASYA PA ANG APAAATT!"
Mabilis na kumilos ang dalawa. Pumasok sa jeep at sa kasamaang palad, pagkaupo ng tatlo ang tanging naiwan kay Monina na space kunting kunti na lang. Dahil hindi pwedeng bumaba at maghintay ng susunod na jeep otherwise malelate na sila kaya nagtiis ito hanggang sa kanilang babaan.
"Manong pwede half price na lang yung pamasahe ko?" hirit nito.
"Hindi pwede!"tanggi ng driver.
"Aba manong dapat half lang, kasi half lang ng puwet ko ang nakakaupo!"
"Naku hindi ko na problema kung malaki lang talaga ang balakang mo at puwetan.."nagtawanan ang mga ibang pasahero. Sumenyas na lamang si Ligaya na tumahimik na lamang ito. Nang hindi na siya makatiis nag isip ito ng paraan, humawak ito sa hawakan at sumigaw...
'PAAARRRRAAAAA!!!'
Mabilis na umapak sa preno ang driver kaya ang ibang pasahero napaurong sa unahan. Perfect, she finally got a seat.
"Manong sorry po. Sa kabilang kanto pa pala ako bababa..."
"Makasigaw ka naman. Maaksidente tayo sa ginawa mo eh..."reklamo ng driver.
"Kaya nga po manong humihingi ng sorry.." at napasulyap sa kaibigan at napangisi. Success lang naman ang plano niya. At sa loob ng fifteen minutes, nakaupo din siya ng matiwasay.
Pagdating sa trabaho agad na hinarap siya ng may ari. Pinag usapan ang kanyang magiging trabaho, ang kanyang salary, policy ng nasabing funeral homes blah blah blah.
"Ito ang bawat silid kung saan ginagawa ang service para sa mga namatay. Meron tayong mga kwarto kwarto for viewing. Dito naman sa kwartong ito nagaganap ang pagasikaso sa mga namatay. Katunayan, meron diyang bagong dating at binibihisan ng kapatid ko."wika nito. Napakapit ng mahigpit si Monina sa kaibigan at halos namumutla na. "Ito naman ang silid kung saan nakalagay ang ating mga kabaong." binuksan ng lalaki ang pintuan at tumambad sa kanila ang nakahilirang mga kabaong na iba't ibang design.
"B-Bes, n-natatakot ako, u-umuwi na tayo bes..."bulong niya sa kaibigan. Sinaway naman ito ni Ligaya.
"Shhh... Kabaong lang eh... Natatakot ka na...susss...wala sa akin iyan..."sagot sa kasamang kumakapit sa kanyang braso.
"Dito sa likod ng kurtinang ito, ginaganap ang pagmamake up." saka hinila ang kurtina at tumambad sa kanila ang patay na nakabukas pa ang mata at saktong doon napunta ang mga mata ni Monina at ang sumunod na pangyayari....
'BLAAAGGG!!!'
Nawalan ng malay si Monina.