Chapter 2

1901 Words
cont. "Halos sumakit nga ang tiyan ko sa kakatawa sayo nung nanigas ka. Kulang nalang itabi kita dun sa patay hahaha." "Best friend ba talaga kita? Dapat nga sinalo mo pa ako tapos mouth to mouth deportation(resuscitation).." "Ano sabi mo besh diko narinig... deportation?"nakalagay ang kamay sa tenga at naghihintay sa sasabihin ng kaibigan. "Oo. Mouth to mouth deportation." ulit ni Muning. "Resuscitation siguro.hehehe"pangungurek sa kaibigan na umikot lang ang mata ni Muning. "Sige nga spell mo yung sinabi mo..."sambit nito at ngumisi. "Ahm.. Bes malelate na pala tayo. Remember unang araw mo sa malaking company. Wow dapat bes kilos maangas ka yung parang boss na boss kasi palagi mong kasama ang boss mo daw..." excited na wika ng kaibigan. "Oo nga Bes no?, lagyan mo ako ng lipstick at dapat mapulang mapula."at nginuso ang labi. Nilagyan naman ito ng kaibigan. "Ayan bes, mukha kang si Betty La Fea." turan nito na ikinaasim ng mukha ni Moning. "So sinasabi mong panget ako?" "Uy bes hindi ah. Halika na nga. Magsisimula ka na naman magdrama diyan eh. Naku, ipagdasal ko talaga na magtatagal ka na sa work na ito. Yung lifetime na. Malay mo besh, diyan pala sa company na iyan nagtatrabaho ang taong magpapatibok diyan sa pihikan at virgin mong puso."wika ni Ligaya saka napangisi na labas ang gilagid nito. Napangisi naman ang babaeng akala mo liparin na dahil sa nakabuhaghag na buhok. Agad kinuha ang LV bag na binili nila sa UK(ukay ukay) at nilisan ang kanilang bahay. Dahil ang nasabing trabaho ay nasa 16th floor of Montecarlo building plaza Makati nag feeling city girl din ang Monina. taga Batangas kasi siya at nakikitira sa kaibigan niya sa may Pasay. Lagi kasi niyang naririnig na taas noo daw kung maglakad ang mga taga Manila. Back to the story. Suot ang mataas na heels at akala mo rumarampa sa kalsada sa ganun kaaga. Nagtatawanan pa sila ng kaibigan niya dahil tinuturuan niya ang kaibigan kung paano makipag sabayan sa mga taga Makati. Kumikembot ang balakang at ginagaya ang mga kasabay na kababaihan kung paano bitbitin ang mga bag. Nagtatawanan naman sila sa kanilang pinaggagawa. "Naku bes, narinig ko sa mga katrabaho ko na ang mga nagtatrabaho daw  diyan akala mo kung sino. Tapos nung sumama ako sa kaibigan ko diyan sa may RBC plaza, biruin mo na napaubo ako sa usok ng mga babaeng nagyoyosi at ang suot grabe bes kinulang sa tela." litanya ni Ligaya. "Kinulang sa tela? Tanga talaga sila. Bakit nila binayaran yung damit nila kung kulang pala ang tela?" Napakamot sa ulo si Ligaya naguluhan bigla sa sinabi ni Muning. Oo nga bakit nila binili kung kulang pala sa tela? sa isipan niya. "At saka englisera sila bes." "English? Yung parang ganito...Hi how are you? Fine thank you.."at tatango tango saka ngumisi ng nakakaloko. "Oo at hindi lang ganyan. Paano kung hindi na ganun ang sasabihin nila pala sayo? Paano kung pinag usapan niyo tungkol sa trabaho mo dati..." Napaisip naman si Monina. "Ano nahirapan ka no? Paano kung halimbawa nasa labas kayo at nagpapahinga tapos gusto  mo silang yayain na pumasok sa loob, ano ang sasabihin mo?" Muningning nag iisip at nilagay pa ang daliri niya sa may ulo then light bulb TING! "Suss.. ang dali ganito lang yun.." nakangisi pa niyang sabi. "OMG! Let's make pasok na to our office.." sumagot si Ligaya. "Wait! Wait! I'm making yosi pa!" at kunwari naghitit ng cigarette at bumuga. "Oh come on na girls, I can't make hintay anymore! It's so mainit outside, you know." "Ay ang galing mo besss!!!" pumapalakpak na reaction ni Ligaya sabay high five sa kaibigang si Monina na proud na proud sa kanyang english na baon. Pagdating sa nasabing lugar hinanap nila ang Montecarlo Building. Kaya halos sumakit ang mga leeg nila dahil sa kakatingala sa mga nagsisitaasang building sa lungsod ng Makati. "Ayun bes, Montecarlo building..."turo ni Ligaya sa isang matayog na gusali sa kanilang harapan. "Bes, ito na ang dream come true na work ko..."kagat labing wika nito ng makita ang hinahanap. "O sige bes, magkita na lang tayo sa bahay ha at balitaan mo ako sa unang araw mo sa company na ito. Montecarlo Building. Sino kaya ang magiging boss mo bes?" "Ewan ko din. Malalaman ko mamaya bes. Naku, baka amoy lupa na naman bes." wika pa niya at napatingin sa mga babaeng biglang nagsipunta sa may elevator. "Hala bes pasok na ako ha." "Sige bes. break a leg.." napalingon pa siya sa kaibigan at kumunot ang ulo dahil sa sinabi nito. Naglalakad na siya papunta ng elevator at naguguluhan sa sinabi ni Ligaya. "Sino ang babalian ko ng paa? Bakit ko naman sila babalian?" tanong sa isipan. "Brutal talaga ang babae na ito." dahan dahan na siyang naglakad at nakisiksikan sa harapan ng elevator. "My gosh ang gwapo ni Sir Chase talaga..." girl 1 "Nakita mo nung dumaan?" girl 2 "Yes girl at ang bango at ang tigas...sarap hawakan..."girl 1 Nanlaki naman ang mga mata ni Muning dahil sa naririnig na usapan. Biglang bumukas ang elevator at pumasok na sila. Sinilip niya ang floor na pupuntahan at naka green light na ito. May kasama din siyang bababa at napangiti siya dahil hindi lang siya ang maliligaw kung sakali, marahil dalawa sila o tatlo. Habang paakyat ang elevator labas pasok ang mga tao sa bawat floor at pagdating ng 10th floor may pumasok na dalawang lalaking pang corporate ang suot. Nagtataka naman siya dahil sa reaksyon ng mga babae sa loob. Napapairap at umiikot ang mga mata niya. "Ang haharot. Maryosep. My gosh ang gwapo ni sir Chase talaga.." bubulong bulong niya sa may likuran. Nasa harapan niya ang dalawang lalaking hindi namukhaan. At ang ibang lalaki nasa kabilang side ay halos atakehin na sa puso sa sobrang kilig. Napataas ang makapal na kilay ni Monina dahil sa nakita niyang reaksyon ng mga kasabayan."Gwapo daw.. Saan banda?. Naku, baka nga mas gwapo pa yung kargador ng isda ni Aleng Neneng. Psh." sambit pa niya at pinaikot ang mga mata. Ting! Agad na napatingin sa numero ng nasabing floor ang ating bida. Nang makita ang 16th floor, naunang lumabas  ang dalawang lalaki at lumabas din siya. "Ay walang manners ang mga hinayupak. Dapat di ba nagpaka maginoo naman sila. Dapat pinauna muna akong lumabas. Tama nga si besh, ang babastos." padabog niyang wika at binaybay ang kahabaan ng hallway patungo sa kanyang pakay. Nagpalinga linga pa siya dahil parang wala siyang nakikitang tao. MEANWHILE "Bro I heard youll have another P/A s***h secretary...What happened to that hot Chloe  bro?!" "You mean that woman you made out inside your car??" Chase asked and Steven just shrugged in respond to his question. "That slut.." "Whoa! Woah! Watch your mouth there grumpy boy..." "I fired her." "Yeah. I heard from Borj man. Have you ever tried touching her before you kick her out?" ngiting aso ni Steven sa kaibigang kasing asim ng sampalok ang mukha. "f**k man! Of course no. I'd rather let that slut go than keeping her in my company. She's not doing her job man. She has beauty but no brain at all. Psh! Instead of doing the job that I asked her to do, she tried to seduce me instead. And one more thing, she wear dresses showing her front."naka frown na sabi nito. "And very short skirt? Seriously!? What is she trying to imply huh?"parang nandidiri pa ito habang nagkwekwento. "What the f**k man! It's your chance dude..."hindi makapaniwalang sabi nito at tiningnan ang kaibigan mula ulo hanggang paa. "Besides, Angel isn't always around. You need someone..."hindi niya matuloy ang sasabihin dahil nasa harap na sila ng elevator. He leaned closer to him and he whispered. "Para mailabas ang nakaipon diyan sa loob mo." napabungisngis ang lalaki. "f**k you! Hahaha! Anyway, I'm excited to meet my new secretary s***h PA. Sana naman eh, they screened the applicants so well." "Excited to meet her as well. Bro baka pwede ko siya yayain mag movie minsan.." "Gosh man. Walang pinag bago.." Inayos ayos pa ng kasama ni Chase ang neck tie dahil gusto niyang pormahan ang nasabing secretary. Isa lang namang fuckboy ang kaibigan s***h business partner niyang si Steven. Pagbukas ng elevator may mga babae sa loob. Ang ilan sa kanila parang mga kiti kiti. Ang isa parang sinabunutan ng sampung pusa dahil sa buhok nitong maging suklay natakot na yata. Nakasiksik lang ito sa likuran at panay bulong. Kahit nag uusap sina Chase at ang kaibigan naririnig niya ang bungisngis ng mga babae at usapan. He rolled his eyes and smirk. Then may naririnig siyang nagsasalita din sa side niya. "Ang haharot. Maryosep..."rinig niyang sinasabi nito. "My gosh ang gwapo ni sir Chase talaga.."panggagaya niya sa sinabi ng isang babae at dinig na dinig ito ni Montecarlo. Napangiti siya sa babae. "Gwapo daw. Saan banda?. Naku, baka nga mas gwapo pa yung kargador ng isda ni Aleng Neneng. Psh."kagat labi pa siya ng marinig niya ito. Pasimple niya itong nilingon at tinaasan lang siya ng kilay. Pagbukas ng elevator walang lingon lingon na lumabas ito papunta sa kanyang office. "Dude, kung yung isang babae ang magiging secretary mo, hahaha I'll pay the ticket for Pacman's game man." Steven "Hahaha. Kapag hindi siya, ako ang bibili ng ticket natin." si Chase. "Deal." Umupo na si Chase sa kanyang swivel chair and nakapatong ang paa sa desk. may hawak na magnetic dart ? sa kamay at nasa may pintuan ang mga mata kung saan naka hang ang dart board. Si Steven naman nasa couch, nakahilata at nag scroll ng playboy ladies sa kanyang phone. Halata na ngang tinatablan na siya ng kakaibang init dahil sa namumukol na harapan. Buong lakas niyang hinagis ang dart at saktong bumukas ang pintuan at iniluwa si Monina Reyes at tumama sa noo ang nasabing magnetic dart. Kaya umasim ang mukha ni Monina na akala mo aatake ng kalaban. "Who are you?" Agad na tanong ni Chase. "Sir, my name is Monina Muningning Reyes your new secretary." "WHAT!?" Chase and Steven said in unison. "Are you sure about that?" Si Chase. "Yes po sir. You can ask your grandmother outside." Nagkatinginan naman sina Steven at Chase then binalik sa dalaga ang paningin. "Bro, matagal nang patay ang lola mo. Hindi kaya may third eye siya?"bulong ni Steven sa katabi. "Dude! Call my ninang. Baka nagkamali lang siya ng hinire." Bulong sa kasama at tiningnan ang babae mula ulo hanggang paa. Sa haba ng suot niya pwede na niyang lampasuhin ang sahig every time na naglalakad siya. "Sir, where is my table? My bag is so bigat kasi and its so mainit sa labas. Is your aircon sira?" diretsahang wika ni Monina Napaubo si Chase at napainom ng napakalamig na tubig. "Maybe nagkamali lang si Ninang.. Hopefully." Bulong sa sarili habang tinitingnan ang babaeng nakatayo sa may patio at panay taas ng kamay dahil basang basa ng pawis ang kilikili.. Pinahid pa niya ito at hindi man lang naghugas ng kamay. Dumating ang ninang ni Chase at pinakilala si Monina. "Monina this is Steven. Chase business partner." Buong galang na kinamayan ng dalaga ang binata gamit ang kamay na pinunas sa kilikili. Napakagat ng labi si Chase at napaubo. "And this is Chase Montecarlo our boss in this company. Hes the only one who can decide whether you're hire or not." Akmang makipag kamay ang dalaga ng biglang nagsalita si Chase. "Its okay. YOU ARE HIRED.!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD