Chapter 3

2217 Words
"Its okay. YOU'RE HIRED!" You're HIRED! You're Hired! You're hired! You're hired! Parang sirang plaka na paulit ulit na nagplay sa isipan ni Monina ang salitang you're hired. Iyon na lamang ang naintindihan at ang tanging salitang narinig niya. Gusto na niyang kumaripas ng takbo upang i share ang magandang balita sa kaibigan ngunit pinili niya ang maging mahinahon at sarilinin muna ang nararamdamang excitement at kilig sa katawan. "Talaga po!? Tanggap na ako!?"ang hindi makapaniwalang reaksyon ng dalaga. Pasimple siyang tumalikod at nagkagat ng labi. "K-kung ganun sir Chase. I need to show Monina the rest of the building para mamemorya niya."ang hindi makapaniwalang ninang ni Chase dahil sa pagtanggap niya sa dalaga dahil kung siya lang ang masusunod hinding hindi niya ito tatanggapin. Pero dahil sa isang pangyayari sa araw ng interview kaya andito ngayon ang ating bida. (Balikan ang kaganapan) Interview Day Prenteng nakaupo sa labas ang dalagang si Monina yakap ang documents na pinapadala sa kanila kasama ng ibang applicants. Habang naghihintay na tawagin ang pangalan niya, nagawa niyang tingnan isa isa ang mga kagaya niyang naghahanap ng trabaho. "Maganda sana, makapal naman ang make up." Sambit sa isipan at nasa babae ang mga mata. "Naku, ilang pomada kaya ang nilagay sa buhok nito. Siguro hindi ito naligo, inayos lang ang buhok. " puna niya sa lalaking kumikinang ang buhok sa dami ng pomade na nilagay. "Ito namang katabi ko na babae, kanina pa parang sinisilihan ang puwet. Hindi ko alam kung iihi o tatae.."inis niyang reklamo sa babaeng katabi. "Mga taga saan kaya sila? Kagaya ko din ba silang every month nawawalan ng trabaho?" "Monina Reyes!" Dahil nasa ibang bagay ang kanyang atensyon hindi narinig ang pagtawag sa kanya. "Sino si Monina Reyes?" Tanungan ng iba at napapalingon sa mga katabi kasama si Monina. "Uy, Monina Reyes daw!!"sambit ng isang applicant din. "Baka nag washroom..."sambit ng isang girl. "Sino ba yun?! Pwede ba tumayo na kung sino si Monina Reyes dahil gutom na kami!" ekstraheradang wika ni MONINA  at tumayo at nagkandahaba pa ang leeg. "HOY MONINAA!!" Sigaw pa niya hanggang sa..'Wait... ako yun ah..' muling tinawag ang pangalan niya. "Monina Rey-" "Im here na po."sagot nito at tumayo sa mismong harapan ng tumawag. Nakita niyang nagbulungan ang mga tao sa paligid at tinaasan niya lamang ito ng kilay. "My gosh.."malditang wika ng nasabing tumawag sa pangalan niya at masamang tiningnan niya si Monina na parang walang pakialam at nakangising sumunod papasok sa loob. Agad na umupo sa isang table at binasa ang mga pangalan ng mga tabahante na nakasulat sa isang kahoy. 'Chelsea Rogers- head HR department. Tingin sa kabilang table. Binasa niya ang may ari ng nasabing cubicle. 'Pete marlo Loyola. Secretary ?‍? Then nagulat siya ng umupo ang nasabing mag interview sa kanya. Si Chelsea Rogers. Nasa mukha ang pagiging strict niya. Maganda nga sinapian naman ng kamalditahan sa katawan. Sa isip isip ni Monina. Sinigang ang ulam at sinamahan pa ng ampalayang may itlog. Huh!? Tawag dun better siya. The interview started kaya nag focus ang ating bida. ➿➿ "Describe yourself in three words." Asked by the head of the HR miss Chelsea Rogers. "Thank you for your question. Beautiful, cheerful, friendly." Proud na sagot niya. She copied from the girl next to her. May nakasulat na kasi sa papel niya na mga questionnaires at nabasa ni Monina ang mga iyon and she memorized word for word. Napangiti si Chelsea sa sagot ni Monina. "Why are you leaving your current job?"Miss C Rogers asked. Monina smiled and looked around and answered the question. "Because...because... they don't need me anymore.." sagot nito. "Sumusunod lang naman ako sa utos. Eh sobra lang talaga sa kaartehan yung matanda na iyon."shes referring to her previous boss. "Alright, what if we will hire you and we ask you to make an invitation to a certain person, can you give me a sample of your written or email invitations? Heres the paper you can write it here." Utos sa kanya ng nasabing head. "Patay. Sana mamemorize ko pa yun.."sambit sa kanyang sarili. "Susubukan ko mam." Kinopya na naman niya ito sa katabi niyang lalaki. "Ahem! "Dear Sir, tonight i am graduation, i invitation you all to eat our house because i know someday i will eat your house too. i will die five chickens, three girls and two boys to eat you all and i will ask my father to cook my mother.. thank you!! Love ❤️ Monina Reyes After niya magsulat inabot niya ito sababae. At ng basahin ni Chelsea ang kanyang sinulat, halos matawa ito. At para hindi na siya magsayang ng oras agad niya sinabi na tatawagan na lamang ito. "Thank you for coming, we will just give you a call." "My gosh. Salamat po! Salamat. Magkikita din tayo soon. Bye!" "In your dreams." Sa isip isip ni Rogers. Pumasok ang isang staff. "Great! Madami pa ba ang pila?" "Yep! Why?" Petmalo "Ito ang pabalikin mo dito ha..."abot niya sa mga papel. "at iyang mga nasa side na yan na mga applicants just shred their papers." Utos niya sa lalaking mahinhin kung kumilos. Sila ang mga hindi pinalad kasama si Monina. Hawak na niya ang mga papers na kailangan tawagan para sa orientations at binasa ito. "Hmm... sa dami ng nag apply ito lang ang pumasa sayo?" "Hay naku. Sa wala akong mapili. Yan lang talaga ang medyo pwede magtrabaho dito. Sumakit nga ang ulo ko doon sa anong pangalan nun? Gosh! I dont wanna see her face in this building ever again. Baka dito ako magkaron ng cancer sa throat." "Sobra ka." Sagot nito at inisa isa ang mga hindi pinalad. "Naku ang dami nila ha. Itong si Reyes ang ganda ng mata pero ang buhok bongga, kailangan ng pison para maging straight." Umirap na lamang si Rogers. "Just shred those papers ha. We dont need them in this company."dagdag pa niya at umalis. Naiwan ang baklita sa loob at inaayos ang mga papers ng Biglang bumukas ang pintuan at saktong nakatayo si Bakla doon at nabitawan ang hawak na mga papel. "AYYY!! Oh my gosh, sino na sa kanila ang natanggap at ang hindi pinalad? Patay na talaga! Ganito na lang. Eeny, meeny, miny, moe" ang ginawa niya sa pagpili ng mga pabalikin. Inulit niya na naman sa isang applicant. "Eeny, meeny, miny, moe! Ay ito. Tapos na...sana tumama ako sa mga pinagpipili ko." ........... "Okay ninang. Ikaw na ang bahala sa kanya." At binalingan ang business partner na nagkunwaring busy sa cellphone. "Ahem! So would you like to invite her for a movie?" "Huh? Ahm, probably not this time bro. Got lots of meetings to do." "Bro Hahaha! Shes not exactly your type. Does she?Hmm dont me brother.!"pagbibiro niya sa kaibigan. "And uhm I guess my charms isn't affecting her. Did you heard what she said inside that lift earlier? Or maybe you dont. You pay more attentions to your mobile every time i look at you." "Psh. Anyway, anong sinabi nung babaeng...gosh...what's wrong with you bro?" "Nothing is wrong with me. Its just that..." hindi niya masabi sa kaibigan na maging siya ay nabigla din sa naging sagot niya at sa takot na mapunta sa kamay niya ang ginamit na kamay ni Monina na pinunas sa basang kilikili. "Anyway, I'll ask ninang later why she chose her. So about dun sa sinasabi ko Well, parang sinasabi niya na madaming gwapo sa kanilang lugar at nagsasawa na siya sa pagmumukhang ito."saka tinuro ang mukha niya. Napahawak sa kanyang baba ang lalaki at tiningnan ang kaibigan mula ulo hanggang paa. "You mean to say bro, kahit maghubad ka sa harapan niya wala kang makukuhang pagnanasa mula sa kanya?" "Exactly! Thats what i like. Maybe i can ask her to do something for me like, magligpit sa condo ko. You know i dont have someone who can do such kind of job." "But shes your PA and not your maid." Steven poured some whisky and gave the glass to Chase. "You should ask Angela to come home and you two can live together. Para naman may mag aasikaso na sayo brother." "Hahaha! I dont think so bro. Tsk. Minsan naisip ko mas mahal pa niya ang career niya kesa sa akin eh." "Ikaw naman kasi bakit mo siya pinayagan rumampa ng katawan niya para lang magkapera? Kayang kaya mo siyang buhayin eh. Palagi pa sila magkasama nung bakla niyang alalay right? Paano kung dahil kay Angela mawala pagkabakla nun at maging sila? At saka yung maarte na kaibigan ni Angela, cant remember her name. What's her name again?" "Hmm, si Sam? Ligawan mo kaya yun bro." "Im fully awake now brother hahahaha! Its a big no for her." He leaned over to him and whispered. "She might be boring in bed dude!" "The heck! Gosh. Alam ko na mga tipo mo eh. Naku, sino ba sa company na ito ang hindi mo pa natabihan." "Sila nagpapakita ng motive, ako sumusunod sa utos ng katawan."turan ni Steven at napangisi. Napailing na lamang si Chase dahil sa ka prangkahan nito magsalita lalo na kung pagdating sa paggamit ng babae. Napaupo ito sa chair niya at pinatunoh ang mga kamay. Steven seated on the chair right in front of the desk. They're facing each other. "Kung nandito si Angela sigurado na bawat kilos ko at galaw babantayan nun. I really hate when someone will tell me on what to do. Like i am being monitored. Damn! Okay na sa akin na nasa ibang bansa siya at nag eenjoy sa buhay na pinili niya. At least tahimik ang buhay ko dito. Kung bumalik siya at mahal pa namin ang isat isa then ill ask her to marry me. Maybe for now mag enjoy na lang muna kami habang hindi pa kami magkasama later on if we decided to settle down then i dont have any problem with that." "What if makakita siya ng iba?" "That will never happen bro. Hahaha! Montecarlo yata ito." And they did a high five ? True. Hindi naman kasi ganun kayaman ang pamilya ni Angela kaya siya nagpursige na maging isang model. Kaya naging sila ni Chase dahil sa kani-kanilang pamilya.  Para hindi mapunta sa ibang angkan ang kani kanilang yaman, pinag match ang dalawa. Since maganda naman si Angela, hindi na nagreklamo pa si Chase. ......... "Ito ang HR department. Ang head dito si Chelsea Rogers. Makikilala mo siya mamaya pagdating niya since palaging late ang babae na yun." wika nito habang nag iikot sila sa HR department. Madami pang sinasabi ang nasabing babae kay Monina at panay tango naman nito sa kanya. "Ah excuse po. Malapit lang po ang canteen dito?" Napakurap ang babae sa kanyang tanong. "Eh gusto ko lang malaman para mamaya alam ko kung saan ako kakain sa lunch break ko ho." Tumikwas ang gilid ng labi ng nasabing babae. 'Kapapasok pa lang break na agad ang nasa utak?'sambit sa kanyang isipan. "Nasa second floor ang cafeteria dito. Malalaman mo naman yun kasi doon pumupunta ang karamihan kapag oras na ng kainan, sundan mo na lang sila mamaya." esplika nito. "Yes po." Muli na naman silang naglakad at kung ano anong pinag bibilin nito sa kanya. Mga dos and dont's sa nasabing kompanya. "Siguraduhin mo lang na maayos ang trabaho mo lalo na sa mga utos ni Sir Chase. Dahil kapag nagalit iyon lahat tayo dito madadamay." "Ano!? Bakit niya naman ako idadamay kung ang may kasalanan naman ay ikaw?" tinuro pa niya ang babaeng umasim ang mukha. Naisip niya tuloy. 'Anong nakita ni Chelsea sa babaeng ito at bakit ito ang napili niya? Kung tutuusin nga mas magaling pa sa kanya ang mga nakasabay niya during interview.' "So thats all.!" Turan ng nairitang matanda. Nagulat naman si Monina. "Im sure you take notes while im talking." "Ta-take notes? Akala ko dahil graduate na ako di ko na gagawin yan dito..."bubulong bulong ni Monina at nakaabot sa mala kuneho na taenga ng babae. "If you want to stay in this company for a long time then you better listen, follow and do your job properly. Do you understand Monina? "Yes, opo mam!" "Now You can go back to your cubicle just in case Chase will need you." Aalis na sana ang dalaga ng may maalala ito. "Ganun po ba talaga ang apo niyo parang hindi marunong ngumiti?" "Apo? Sinong apo?" "Si Sir Chase po." "Sino ba maysabi na apo ko siya?"takang tanong ng babae. "Kayo po.! Narinig ko kasi kayo sabi niyo grandmother niya kayo. Hehehe." "God mother! Anong grandmother ang pinagsasabi mo? Sige na bumalik ka na sa work mo..."utos niya dito. Pabalik na sila sa kanilang department ng dumating si Chelsea Rogers at gulat na gulat siya sa kanyang nakita. "Why are you here?!" "Dahil dito ako nagtatrabaho." Nakangising sagot ni Monina. "That's impossible!" Protests by Chelsea Rogers. Hinarap ang kasama ni Monina. "Ikaw ang tumawag sa kanya?" Umiling ito. "Okay ill fix this one. I'll ask Petmalo." "Wag na po niyo akong tawagan. Andito na po ako at saka si Sir Chase na ang nagsabi ng YOURE HIRED!" "WHAT!?"gulat na reaction ni Chelsea Rogers. May gusto pa sana siyang sabihin ngunit nakita niyang tumango tango na ang ninang ni Chase. Binalingan niya ang babaeng nakangiti sa kanya. "Sabi ko sayo eh. Magkikita tayo....soon.."at napangisi ng bonggang bongga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD