LUNCH BREAK SA CAFETERIA
Dahil madaming pinagawa ang supladong boss sa dalaga dahilan kaya late ito pumunta ng cafeteria at punuan na ang mga tables. Yakap ni Monina ang bag na may lamang baon habang nililibot ang mga mata sa paligid. Inisa isa ang bawat mesa ngunit wala talagang bakante. Pumunta sa may gilid at sinandal ang nangangalay na likod sa wall. Biglang nag vibrate ang kanyang pinakamamahal na cellphone na may antenna.
Kinuha sa bag at sinagot ito. Si Ligaya ang kanyang bestfriend ang naging caller.
"Hello Besh napatawag ka ah. Anong meron?" Tanong niya at napapatingin sa paligid at nagbabantay ng bakanteng mesa.
"Naku, nakapag trabaho lang sa malaking kompanya bawal ka na ngayon tawagan?" Kunwaring tampo ni Ligaya.
"Gaga! Drama mo. Anong tinira mo at ganyan ka magsalita ha.." bigla siyang nakakita ng papalis na grupo kaya parang si the flash na tumakbo siya doon.
"Wala ah. Nangangamusta lang naman. Ano, pag uwi mo ba mamaya fire out ka na naman sa kompanya na iyan?"
"Wow iba ka din kung magbigay ng support no?Bigyan mo naman ako ng one week. At saka, ano ka, may gusto sa akin ang boss ko. Sabi pa nga niya, youre Hired! Sa madaling sabi dito na talaga ako magtatagal." Proud at masaya niyang pagbabalita.
"Talaga bes!! Salamat naman kung ganun. Celebrate tayo bes! Tuloy na talaga ang panglilibre mo sa akin.!"
"Ano ka ba saka na tayo magcelebrate kapag nasa kamay ko na ang sahod ko ha. O sha at kakain pa ako. Hay naku, at gutom na gutom na ako."
"Sige bes. Kumain ka na at kita kits sa bahay mamaya ha at magkwento ka sa akin mamaya ha babae?"
"Oo naman. Wala na akong ibang uuwian at kwentuhan to the max tayo besh! This is it pancit!!" Excited niyang Wika nito at pasalampak na napaupo sa upuan at nilapag ang dalang bag na may lamang baon.
Nilabas na niya ang mga ito ng biglang dumating ang head ng HR na si Chelsea Rogers at agad na umasim ang mukha nito ng makita ang dalaga. Kung nakakamatay lang ang mga tingin ni Chelsea, malamang, umiinom na ako ng kape sa tabi ng kabaong ni Monina. Lmao!
May mga kasama din itong katrabaho nila. Monina just shrugged and enjoying her alone time na parang siya lang ang tao sa mundo.
Nasa harapan na niya ang container na puno ng kanin at nakabaon na tilapia at kumikindat pa ang mata. May steam okra, salted eggs and tomato. Papasubo na siya ng kanin ng narinig niya ang mga nag uusap. Ito ang dalawang kasama ni Chelsea.
"Ay! why there is no bakante..?." employee 1
"Aww! My bag is so bigat pa naman." Employee 2
"I know right!! I have to make dala pa kasi the kaldero that full of sinaing.." employee 1
"OMG!!. That means I will not bili my kanin kasi you bring kaldero na...(slang)" Employee 2
"Nope!"
Pigil namang matawa ni Monina at nagkunwaring walang naririnig. Napalingon sa kanya ang isang babae si employee 1 at saktong napatingin sa kanya si Monina at nginitian siya ng ating bida saka tinuro ang bakanteng upuan..
"Are you sure?"then she paused and masusing tinitingnan si Monina na baka nagbibiro lang ito pero ng makitang tumango ang bida then biglang humirit ang babae ng. "Pag sure di ay ka..." si employee1 na parang hindi makapaniwala(trying to speak bisaya here hahaha!). Panay ngisi lang ni Monina. "OMG! She's mabait pala....." at biglang umupo at lapag ng bag niya na kay bigat.
Nakiupo na rin ang isang katrabaho nila while waiting for Rogers na bumili ng pagkain.
Meanwhile
Bitbit ang tray na may pagkain at humaba ang leeg ni Chelsea Rogers sa paghahanap sa dalawang kasama at nakita niya ang mga ito na nakiupo sa table ni Monina at nag eenjoy aa pakikipag usap sa dalaga. Mabilis siyang lumapit at nag usisa.
"Bakit andiyan kayo?"tanong niya sa dalawa.
"Girl tingnan mo around. No bakante(slang)." Napatingin nga si Chelsea at punuan lahat na tanging kay Monina lang na table ang may tatlong pwedeng makaupo. At ang masaklap, tatabi siya sa upuan ni Monina and thats against Chelsea's will.
"Come on girl you should upo na there oh.."employee 2. She has no choice but to sat next to Monina. Napangisi sa kanya ang ating bida at kitang kita ang green na tinga. Kasalanan ng okra yan eh. Napa eww naman si Chelsea na parang diring diri sa katabi. Wala naman pakialam si Monina sa paligid.
"Kain na kayo.." turan niya sa tatlo. Nakaramdam naman ang dalaga ng hiya dahil sa kanya nakatingin ang dalawang kasama ni Chelsea. "Pasensya na kasi gustong gusto ko talaga ang ulam na ganito eh."dagdag pa niya.
"Ano ka ba girl, its okay to have ulam like isda,tomato and that thing na madulas kapag kinagat--. You know, healthy siya."
Tahimik lamang si Chelsea na kumakain ng kanyang spaghetti with meat balls and a piece of garlic bread.
Ang dalawa naman masarap din ang baon, chicken adobo yung sa isa. At ang isa pork chop na fried. Kumakain na sila at nilagay sa gitna ang kaldero. Monina shared her food to them and hindi naman siya nabigo dahil agad na kumuha ng okra at kamatis ang dalawa maliban sa maarteng si Chelsea at sarap na sarap sa kanyang pagkain.
"Grabe the isda is so masarap right?!" Employee 1
"Agree.. Chelsea try mo girl. So sarap." Nakatingin si Chelsea sa pritong tilapia at itlog na maalat. Dagdagan pa ng kamatis at okra. Dahil nakita niyang sarap na sarap sa kanilang kinakain ang tatlo pati siya napasubo at nakihati sa baon ni Monina. "Yeheyyy! Thank you Monina girl, chelsea girl loves it.!"
"Walang anuman! Kain lang kayo.."sambit ng ating bida at ngumisi kay Chelsea at again andun pa rin si Okra sa gitna ng kanyang ngipin.
Natapos ang araw na wala namang nangyaring kapalpakan sa buhay ng ating bida. In short, hindi po siya nawalan ng work.
.........
The next few days naging okay naman ang performance ni Monina. Unti unti narin siyang natuto sa pasikot sikot sa company sa tulong ng kanyang new found friend but not with cold blooded Chelsea Rogers. May regla yata everyday ang babae ne ito.
May time na maganda ang mood may time na parang pasan ang mundo. Pero sumasama din naman siya sa tatlo. Ayaw naman niyang mag-isa during lunch break. Routine na din nilang apat na sabay kumain ng lunch sa cafeteria at magkwentuhan at tawanan. As usual nagbabaon talaga si Monina para makatipid at nagdadala ng extra para sa mga kasama niya.
Madalas din siyang utusan ng kanyang boss ng mga gawain ng isang secretary like magpunta sa HR, bumili ng pagkain, gumawa ng coffee, magpadala ng mga emails, or pumunta sa office of the vice chairman na si Steven Gray at isang pangyayari ang naganap ng pumunta siya doon at halos atakihin ito sa puso dahil sa matinding takot.
FLASHBACK
"Monina, i need you to my office asap!" tawag ng boss niya sa telepono.
"Yes sir!"
Mabilis na tumayo ang ating bida at agad na pinuntahan ang among everyday na parang may regla. Pero pagdating sa kanya nakangisi na ito. Napabuntong hininga na lamang si Chase ng makita si Monina dahil sa buhok niyang kasing buhaghag ng pugad ng maya. Wala din siyang magawa at hindi ito mapaalis dahil hirap din silang maghanap ng makakapalit nito. Sa kaartehan ba naman niya. At lalong delikado kapag kumuha siya ng maganda at sexy baka landiin lang ito. Tanging ito lang ang kaharap niya ang wala siyang balak patulan at mukhang inosente din sa lahat ng bagay. Kaya kahit ilang beses na itong nagkamali, tanging buntong hininga na lamang ang kanyang nagagawa. O kaya hihilutin ang kanyang sentido.
"Sir bakit po?"
"Take this folder to the office of the vice chair and ask for his signature, is that clear?"
"Yes sir."kinuha ang folder at nilisan ang silid ng boss. Habang naglalakad sa hallway, nilagay ang earphone at nakikinig ng kanyang peboret song. Pagdating sa chorus umatungal ang ating bida na ikinagulat ng lahat ng madaanan niya. Isama niyo na ang nagulat na butiki, tumaas ang kilay ng ipis, napakamot sa ulo na langgam ng marinig ang boses ng ating bida na naglalakad sa hallway.
Like a virgin, ooh, ooh
Like a virgin
Feels so good inside
When you hold me, and your heart beats, and you love me
Oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh
Ooh, baby
can't you hear my heart beat
For the very first time?
Iyon lang naman ang kinakanta niya ng paulit ulit. WALANG KATAPUSANG CHORUS.. Then after ng ilang liko narating niya ang pintuan ng langit este ng vice chairman. She's knocking like forever ngunit walang sumasagot. Monina rolled her eyes, knocking the door, chewing her gum vigorously,pinapalubo ang nasabing gum, sunod sunod na pinapaputok, balik sa palubo at dahil sa galing niya lulubo ito ng malaki at puputok sa kanyang mukha at ibabalik muli sa bunganga and she keep doing this for two minutes while waiting for the vice chair to open the said door. Monina's tired of waiting so she decided to just go in. She gently turned the knob and pushed it quietly and peeked first before entering.
"Ooohhh..." rinig niya na ingay mula sa kung saan.
"Huh?" reaction ni Monina...
"Aaahhh..."
"Diyos ko, ma-may mu-multo yata dito..."usal sa sarili. dahan dahan siyang naglakad ngunit napatigil ng may marinig ulit na ungol.
"Oooohhh aahhhh.."
"Kaka-takot naman dito...".
BLAAGG!
Something dropped on the floor that made her stopped and looked around then she gasps. May umuuga sa loob ng cabinet kaya sa sobrang takot basta niya na lang nilapag ang nasabing papel at tumakbo palabas ng office.
--Pangyayari sa loob ng cabinet--
Inside the office of Steven Gray who's enjoying with his secretary inside the closet. They're having a steamy quickie inside the closet.
"Fucckk! Fuckkk! OOohh shittt! Suckkk that d*ck harder! F*ck yeah babe!!" he pleaded.
And the secretary gave him a long and hard blow *** that made the guy exploded on her chest.
~~~~~~~~
Humahangos na pumasok sa office ng Chairman ang ating bida at namumutla hindi sa gutom kundi sa sobrang takot. Sobrang nagulat at puno ng pagtataka naman ang kanyang boss dahil sa pagmumukha ni Monina na akala mo sinabunutan ng limang pusa dahil sa buhaghag niyang buhok at namumutla. Para itong binabad sa suka.
"Are you alright?"
"Si-Sir, ma-may ahhhh haahh...may multo....sa...office ni Sir Steven..."
"Multo? Hahaha! That's funny."
"Sir totoo po! narinig ko pa ang sinasabi...ganito po...OOOOHHH...AAHHHH..."
Napakunot ang noo ng kanyang boss. He crossed his arms while leaning into his desk and listened to his PA.
"Pagpasok ko sa loob ng office, ang lamig lamig sir para kang nasa loob ng refrigerator ( A/N naka full ang AC) tapos yun ang narinig ko na ingay dun sa loob ng cabinet, at may nahulog tapos...tapos parang may hinihila sir, sa takot ko, tumakbo na ako sir..."
Then Chase just realized that probably his bestfriend is having a steamy affair with his secretary. He tried himself not to burst in laughter because of his secretary being innocent. Naikwento rin ito ni Monina sa kanyang mga kasama at kagaya niya natakot din ang mga ito.
Ang mga sumunod na linggo nagkaron na siya ng pagkakamali kagaya na lamang ng minor accident na nangyari sa office. Isang hapon...
Another minor kapalpakan
Nakatutok sa monitor ng computer ang dalaga ng biglang pumunta sa cubicle niya ang amo.
"Monina, can you type this one. i need five copies of this and just bring it to my office, okay."
"Yes sir."she sanswered politely.
Nagsimula na siyang mag type and patapos na siya ng biglang namatay ang monitor. Halos mamuti sa kaba si Monina. Checked the computer! Pindot ang power wala talaga. Tagaktak na ang pawis niya sa kakasubok na ayusin ang computer ngunit hindi ito gumana. Idagdag pa na kailangan ng amo niya ang pinagawa sa kanya ASAP.
"Hala!! Lagot, nasira ko yata ang computer.." halos mangiyak ngiyak na ito. Mula sa malayo natanaw niya ang best friend ng amo niya na si Steven Gray. Kahit nag aalangan kinapalan ang mukha at humingi ng tulong. "Si-Sir, sorry po nasira ko yata ang computer. Nagtatype lang naman po ako tapos bigla siyang namatay. Hindi ko pa naman na save ang pinapagawa ni Sir."
"Oh ganun ba. Let me check.." agad na sinuri ni Steven ang computer and after five minutes na pagkalikot, the computer went on again. "Everything's okay. Natanggal lang sa saksakan kaya siya namatay."
"Ay! Hehehe! Ganun po pala."nahihiya niyang wika at kakamot kamot sa ulo. "Thank you po sir.."
"No worries. Sige na tapusin mo na yung pinapagawa ng boss mong parang nag memenopause. Hahaha!" At kumaway sa dalaga at tatawa tawa. Balik naman sa kanyang ginagawa si Monina at tinapos yun. Hinatid na niya ito sa office ng boss.
"Sorry sir kung natagalan. The computer is broken into pieces kaya natagalan ako."sumbong niya. Nanlaki naman ang mata ng amo. Biglang tayo at lakad takbo na pumunta sa desk para tingnan ang sinasabi ng nitong broken pieces. Nakatayo naman sa likuran ang nagtataka ring si Monina. Hinarap niya ang dalaga.
"Nothing is wrong with the computer. It looks the same for me."
Nakanganga lang si Monina. Maging siya ay nalilito din.
"Yes sir. Broken kanina. Inayos po ni sir Steven." Salaysay niya.
"So it was broken earlier and Steven fixed it. Pero hindi siya nasira na parang nachopchop, tama?"
"Siguro po. Parang ganun na nga po sir."si Monina at lalong nalito.
"Sabi mo broken into pieces. Ano ba yun?"
"Nabasa ko dun sa pocket book sir. Broken into pieces. Ginaya ko lang naman. Mas maganda kasi sabihin yun.."esplika niya at ngumisi.
Chase just sighed. "you can go back to your desk now."
"Yes sir."at nagmartsa pabalik sa pwesto ang ating bida.
......
SA TAHANAN
"Besh, salamat sa Mang Inasal na libre mo ha. Sarap at saka nabusog ako."kakauwi lang ng dalawa galing sa Mang inasal na di kalayuan sa kanilang tirahan. Nilibre ito ni Monina ng matanggap ang unang sahod niya sa company. Nagkwentuhan muna ang dalawa habang nanonood ng wild flower drama series bago matulog."In fairness nasa company ka pa rin hanggang ngayon." si Ligaya.
"Inaayos ko naman ang trabaho ko besh para naman may maipadala doon sa nanay at mga kapatid."
Napairap ang kaibigan. Ginagawa kasi nilang gatasan ang kaibigan kaya maging siya bwesit sa pamilya ng kaibigan na ang lalaki ng katawan ng mga kuya pero ang tatamad maghanap ng trabaho at umaasa sa padala ni Monina.
"Besh, anong ulam ko bukas?" si Monina.
"Naubos na ang manok na binili mo mula sa mang inasal..."nasa sala ang dalawa at nanonood ng white flower. "Meron diyan besh pritong bangus, talbos ng kamote at itlog na pula."
"Itlog na pula, kamatis at talbos ng kamote...hala besh yung dighay ko amoy itlog na." reklamo ng Muning sa kaibigan. Tumaas ang kilay ni Ligaya.
"Sige besh, sa sahod mo baka sakaling mag level up ang ulam mo..."
"Ano na pala ang ulam ko?"
"Manok na siya at kulay pink pa.." seryosong wika ni Ligaya.
The following week naging busy sa trabaho ang ating bida. Halos galit galitan sila sa office dahil sa nalalapit na holiday season. Madalas din lumayas ang amo kasama ang buddy nito. It's more than a month na rin na naninilbihan ang ating bida sa malaki at sikat na kompanya sa Pilipinas. Friday means fly day for most of the staffs. Nagpaalam ang amo sa secretary na aalis ito. Kaya sangkatutak na bilin ang nasa utak ni Monina.
After ng kanyang break, pabalik na siya sa office at minabuting mag stair na lamang ito. Nakita niya mula sa kanyang kinatatayuan ang amo na kasama si Steven at mukhang nagmamadali. Nagkibit balikat na lamang siya. Umakyat sa taas at pagkaupo na pagkaupo, may nakita siyang note na nakadikit sa computer screen.
Hey Monina
I'll go to St. Peter with Steven.
Thanks
Sir Chase
Nagpalinga linga muna siya bago kinuha ang cellphone at nagbasa ng mga hugot na gawa ni hugot queen. Miss Imperfect.
"Hindi siya bitter." basa niya. Hindi daw tsk, kunwari hindi pero kung makita yung dahilan ng kung bakit siya bitter suss kulang na lang kumuha ng kutsilyo at saksakin eh."kausap niya sa sarili.
"May mali ba sa akin?" isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan. Paano kasi single na wala man lang may nagtangkang manligaw sa kanya. "Huwag niyo nang sagutin kung may mali sa akin kasi alam ko na ang sagot."dagdag pa niya. Nasa kasarapan ng pagbabasa ang ating bida ng umatungal ang telepono.
KRRIIINNGGG!
"AY PUKIE!!"gulat niyang sigaw. "Leche talaga." Pakiramdam niya nahulog sa sahig ang kanyang sus*. Inangat ang company phone at sinagot ito.
"Hello Montecarlo Incorporation good afternoon."
"I wanna speak to Chase. He's not answering his cellphone."
"Oh no!!"
"What!? Where is he?!"
"I'm sorry ma'am but he passed away..."
"WHAT??!"gulat na reaction ng babae.
"I see...uhm saw...sir Chase jumped on the stairs and he passed away.." wika ng dalaga. Totoo naman kasi na nakita niyang patalon talon si Chase sa stairs at dumaan ito sa harapan niya ngunit hindi lang siya nakita ng amo sa bilis ng lakad ng mga ito at may mga nakasabay si Monina sa pagakyat sa hagdanan.
"That can't be true..Huhuhu..."
"YES IT'S TRUE!" medyo may kalakasan niyang sagot sa babae. Pinilit niya talaga na hindi siya nagsisinungaling. "He passed away ahhh this...this afternoon."
"Oh my goddd."Humihikbi pa ang babae. "W-Where is he??"tanong ng babae at panay singhot. Parang balewala naman yun kay Monina at kunot ang noo dahil naisip niyang bakit umiiyak ang babae.
Nakita ni Monina ang nakadikit sa note. "Ah.nasa..St. Peter???.." sagot niya na parang di sigurado.
"OH MY GODDDD CHAASEEEEE!!!"palahaw ng babae na ikinaiktad ni Monina sa pagkagulat.
At ang sumunod niyang narinig ay ang tooottttt ng kabilang linya...
"Bakit kaya siya umiiyak? Teka hindi ko naman siya inaway ah... tama naman ang sagot ko... Hala...Siguro nag break sila ni Sir...hmmp bahala kayo sa buhay niyo."
At muling bumalik sa pagbabasa ng mga hugot ang ating bida....
~~~~~~~~~