Wala namang pakialam ang dalaga dahil nag eenjoy ito sa pagbabasa ng hugot sa w*****d. Binalewala niya ang nasabing tawag dahil hindi niya naman kilala ang babaeng nakausap sa telepono. Mas nagfocus pa siya sa hugot ni mis Imperfect na isang author at kilala sa pagiging hugutera. Minsan tatawa, minsan mag roll ng eyes, at kung bwesit na bwesit na siya basta na lang magagalit na akala mo may kaaway.
First Hugot
'Yung mga taong nang-iwan ng hindi nagpapaalam? Di na dapat hinihintay yan!'
"At bakit ako maghihintay?! Bakit dala niya ba ang kaldero at bigas?!"ngitngit niya sa sarili.Muli na naman siyang nagbasa.
Second Hugot
'Daming nabiktima ng FOREVER. Ayun hanggang ngayon hindi pa rin makaRECOVER.'
"Ayannn! Hahaha! Walang forever tangek! Pwe! Naniwala naman kayo diyan? Naku dami na nga ang nabiktima oh. Aruuyyy jusko!"sambit pa niya na para bang nagkaron na siya ng minahal.
'Bakit kung makareact ka akala mo may boyfriend ka teh.' kausap niya utak niya.
'Nagsasabi lang ako ng totoo. Alam mo na madami pa rin ang nagsasabi sa forever na iyan. Tandaan mo makalipas ang ilang araw,linggo at buwan maghihiwalay ang mga iyan.' sagot niya sa kaniyang utak.
'Bitter ka teh?'
'Hindi no. Kahit kilan hindi ako beytir.'
Nakaramdam ng pananakit ng likuran kaya uminat inat sandali at balik na naman sa kanyang ginagawa.Since wala naman ang amo nito kaya puro dotdot si Monina. Dahil medyo mainit sa labas kaya pinag pawisan ang ating bida. Kumuha ng papel at pinaypayan ang sarili. Ngunit walang nangyari. Mas malakas pa ang hangin na nagmula sa kanya kesa sa pamaypay.
"Grabe ang init..."reklamo niya. Naramdaman niyang parang may basa. Sinilip at Sininghot ang basang kili kili.. "sniff! Sniff! Hmmm bango."nakapikit pa siya na akala mo nag amoy ng pabango. Amoy niya ulit. "Hmm ahhhh. Monina ang dyosa mo!" proud niyang sabi at tinaas ang mga kamay. "Kunting Tawas lang at kunting dikdik didikit!" Sambit nito at ngumisi. Dahil hindi kinaya ang init pumasok sa office ng amo at umupo sa swivel chair. "Wowww! Ganda! Ayyeee! Grabe, kilan kaya ako magkakaganito?" Pinaikot ikot ito na parang bata lang ang tingin sa sarili. "Whooo! Ganda!! Whooahhhh!!"Ilang minuto din siyang nagpaikot ikot. Feeling niya nasa roller coaster siya. Ng tumigil agad na napahawak sa ulo saka napangiwi then a little while she's feeling p**e, and when she cant hold it anymore, she ran as fast as she could until she reached the black garbage bin besides the bird's cage at doon nilabas ang ulam na isda, okra, itlog at kamatis. "Hindi pala maganda. Tsk! Hindi na ako sasakay doon. Paano kaya natagalan ni Sir Chase yun?"sambit pa niya sa sarili.
"Animal! Animal! Animal..!" Sabi ni Parrot.
Dinuro duro ni Monina ang nasabing ibon. Wala kasing tigil sa kakangawa.
"Animal! Animal!" Muling sabi ng parrot.
"Walanghiya ka...ako pa ang animal?"ngitngit sa sarili. "Kung tutuusin mas animals ka!!."asik ng dalaga sa ibon.
"Animal! Animal! Animal!"ganting sigaw ng ibon sa kanya na ikinairita niya.
"Tuuummiigill!" Sigaw ni Monina na halatang gigil sa ibon kaya napalipat ng pwesto ang ibon sa takot na baka gawin siyang adobo ng babae.
"Tinggil! Tinggil! Tinggil!"sigaw ulit ng ibon.
"Ughhhh!!" Asar ni Monina at ginulo gulo ang buhaghag na buhok at sinubukang takutin ang ibon.. "kweeaekkk..."
"Tinggil! Tinggil!" Sigaw ng ibon. Sa bwesit ng dalaga nagmartsa ito palabas ng office ng kanyang amo.
Tiningnan ang oras at mag aalas singko na malapit na silang magsipag uwian ng makatanggap ito ng text mula sa katrabaho.
From: Lhexey 09236377474(text niyo baka si Santa yan lol)
"Monina, wer na u!? Uy Girl...bad news.... PATAY NA SI SIR CHASE!!!"
Nanlaki ang mga mata ni Monina at napatakip pa ng bunganga. Binasa niya ng ilang ulit ang message dahil baka nahilo lang siya ngunit ganun pa rin ang message ng kanyang new found friend na si Lhexey. Agad nag reply at halos sumama na ang daliri sa pagpindot dahil sa tigas ng keypad ng kanyang cellphone.
To Lhexey
"ANO?!BAKIT!?" Message niya sa kaibigan.
"Halika dito sa main floor ang daming tao."
"O sige!" Mabilis siyang tumayo at minabuti na sa stairs na lang dadaan. Ni hindi naisip na manggagaling pa siya ng 16th floor. Nagsimula na siyang bumaba sa hagdan. Tinawagan ang bestfriend niyang si Ligaya.
"Hello Besh, mawawalan na yata ako ng trabaho huuuuu...."
"Huh? Teka umiiyak ka? B-Bakit? Anong ginawa mong kapalpakan na naman?!" nasa boses nito ang medyo may pagkadismaya.
"Anong ako!? Inaayos ko ang trabaho ko bes, hindi ko naman kasalanan kung napagod si boss sa paghinga." paliwanag niya sa kaibigan at nasa 10th floor na siya. Nakaramdam na ito ng pagod at habol ang paghinga.
"P-Patay? Bes, sino ang patay?" si Ligaya.
"Si Sir bes...huhuhu..nalulungkot lang ako...paano na ang pangarap ko bes?"ngawa niya sa kaibigan. Sobra na siyang napagod na halos hilahin na lamang ang mga paa.
"Bakit siya namatay?! Babae umayos ka nga?!"
"Bes, mamaya ka na magtanong. Pagod na pagod na ako ahhh haahhh..."
"Naguguluhan ako sayo...nasaan ka ba?"
"Malamang nasa trabaho?"
"Oh eh bakit pagod ka eh patay na ang boss mo?"
"Kasi nga bumaba ako mula 16th floor papuntang lobby."salaysay niya.
"Huwag mong sabihin na..."she paused. "Diyos ko Monina! Ano pati elevator niyo patay na rin?! Bakit ka naghagdanan!?" malakas na boses ng kaibigan na halos ikabasag ng eardrum ni Monina. Ilang beses niyang nilalayo ang cellphone sa kanyang tenga.
"Ay naku! Ewan ko nga ba at hindi ko naisip yun..." sagot nito at bumalik sa loob ng nasabing floor at hinanap ang elevator. Tuloy tuloy ang kanilang usapan. Pinindot ang nasabing main floor. After few seconds nasa main floor na siya. Isang floor lang naman ang pinagmulan niya di ba? Nagpaalam na siya sa kaibigan ng bumungad ang mga kapulisan, SOCO, media at NBI sa kanyang harapan isali pa ang mga nag uusyusong mga empleyado. "Bes, mamaya na tayo mag-usap. Diyos ko, andito ang taga CBS-CBN, MGA, at ang TROPA channel." agad na nilagay sa bulsa ang phone at hinanap ang katrabaho.
"Pssttt, wer pa you galing ba? Why you're so tagal?" agad na tanong ng kaibigan niya sa kompanya na si Erin.
"Yeah. You should baba agad when I texted you girl. So daming pulis kaya and maybe they will tanong you pa." turan naman ni Lhexey. Hindi nila kasama si Chelsea dahil may dinner date ito sa labas. Sa jowa niyang si Justin Toborsho.
"Tsk. I'm so pagod. I have to baba at the hagdan. My binti is very masakit na. I have to upo na muna ha. Or else i will putol putol my paa." ganti din ni Monina. Yan kasi ang napag aralan nila ng kanyang beshy kailangan sabayan ang agos ng ilog.
"OMG! You baba gamit the stairs?"hindi makapaniwalang tanong ni Lhexey at tawa ng tawa.
"You should sakay at the elevator girl.."si Erin. Nagpaikot ng mga mata si Monina habang naghihilot ng mga binting pagod na pagod.
"What ba.. stop nga kayo. kasi...Ano... nagpanic ako."si Monina.
Then natigil ang kanilang pagbabangayan ng may dumating na babaeng nakasuot ng itim at hindi makita ang mukha. Lalong nagtataka ang lahat kasama na si Monina. Tahimik lamang silang pinapanood ito habang nakikipag usap sa mga kapulisan at iniinterview ng taga media.
MEANWHILE
Nagpadala agad ng private investigator ang nasabing babae na si Angel Montreal upang mag-imbestiga sa pangyayari. Doon na lamang nagulat ang lahat ng may dumating na mga pulis at taga SOCO kinahapunan kaya hindi agad nakauwi ang mga tao doon dahil gusto ni Montreal na kwestyunin ang bawat isang staffs.
Mabilis na kumalat ang balita. Kaya ang lahat nagtataka kung ano ang nangyari at nahulog sa stairs ang nasabing CEO ?? Sino ang may kagagawan ng lahat? May foul play ba na nangyari?
Bulungan ang lahat at madaming haka haka na kumakalat sa buong Montecarlo building. Uwing uwi na ang bawat empleyado kagaya ni Monina and her friends na nasa sulok lamang at nakikiusyuso.
"Sino ba kasi ang pumatay kay Sir?" tanong ni Monina. At humaba ang leeg sa kakasilip sa mga imbestigador na nasa may staircases at masusing tinitingnan ang buong sulok para kumuha ng fingerprint.
"Wa me alam diyan sa killer.." sagot ng kaibigan niyang si Lhexey.
"Girl, where ba si Sir Chase?" tanong sa kanya ni Erin.
"Hmm... Nasa... St. Peter..."agad na sagot niya. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya.
"Alam mong he's patay na?"Lhexey
"OMG! She's keeping lihim to us na..." dagdag naman ni Erin na lalong nagpagulo sa utak ni Monina. Isa isa na silang kinuhanan ng DNA sample. Then biglang nagsalita ang nasabing babaeng nakaitim at isa isa silang tiningnan.
"Where's Chase secretary?" she asked with her head held high. Napunta naman ang mga mata nila sa tahimik at nahintakutan na babae si Monina. Nilapitan ito ni Angela at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Weird."she whispered. "Maybe Chase died because of her. She looks scary and witch to me."
@ST. PETER
Tahimik lamang na nagmamasid ang dalawang lalaki sa likurang bahagi ng upuan at patingin tingin sa mga bisita. Patay ang kanilang mga cellphones dahil nga nasa lamay sila ng isa nilang kasosyo sa negosyo na inatake sa puso habang nasa loob ng isang motel. Panakaw niya itong ginagawa dahil hindi na kayang maging wild ng misis nito sa kama. Kaya nagpunta ng strip club para magsaya. Nabuhay ang patay niyang alaga ng sayawan siya ng babaeng walang pantaas. Habang sumasayaw ito,umaalog ang malusog na bola kaya nabuhay si junjun na tulog.
Dahil hindi na kinaya ang init na kailangan niyang ilabas, Kumuha siya ng dalawang 18 days old este 18years old at dinala sa pinakamalapit na motel para maggoodtime. Uminom ng sandamakmak na VIAGRA at ng oras na para lumaban sa gyera, tumihaya na siya sa kama. Kaagad na naghubad sa harapan niya ang dalawang babae. Lumaki agad ang mata ni Lolo habang pinaglalaruan ang mga bolang hindi crystal. Itinulak ng isang babae pahiga ang matanda at sinakyan agad ito....sa tiyan po(Utak niyo ha)
Sa sobrang excited niya, pati puso nagulat. Kaya binawian ng buhay ng hindi nakapasok sa langit at napunta na lamang ito sa purgatory. Iyan po ang dahilan ng kamatayan ni Tanda. Namatay bago pa man siya makapsok sa paraiso ni EBA.
"Ikaw bro, dahan dahan ka diyan sa mga babae mo baka matulad ka sa kanya..."bulong ni Chase sa katabi.
"Don't worry bro, I'm not going to be like him. I'm strong don't I?"he said and smiled evilly.
"Psh. Whatever bro. Oh hey, everything is packed, deritso na tayo after here okay.."
"You bet brother. Excited na ako mag chickhunt. Don't worry, maganda ang napili kong hotel dahil may outside pool.."wika nito at ngumisi. Then lumapit ang may idad na ding babae sa dalawa. Misis nang namatay.
"Mr. Montecarlo, Mr. Gray salamat sa pagdalaw sa aking asawa." wika nito at kinamayan ang mga bisita.
"Nakikiramay kami sayo Mrs. Habagat."
"Salamat."
At nag-usap usap muna sila at walang kaalam alam sa mga pangyayari sa office ang dalawa. Nang makalipas ang ilang minuto, nagpaalam na ang dalawa dahil pupunta pa sila ng Batangas para sa kanilang monthly meeting s***h event together with the boards.
BALIK SA MONTECARLO OFFICE
Lumapit ang babae sa kanilang tatlo at as usual suot pa rin nito ang itim na tumatakip sa kaniyang mukha kaya hindi nila ito mamukhaan masyado. Papadilim na rin sa labas ng building. Nakuhaan na rin ng dna sample ang bawat empleyado at pinayagan na silang lahat na makaalis maliban kay Monina na may inutos pa sa kanya ang nasabing babae.
"Buy me venti americano at bean around the world(slangish aka gibberish)..."utos nito at walang ni ha ni ho. No please at all. Inabot kay Monina ang pera at tinalikuran ito. Natulala naman ang ating bida hindi dahil sa nasabing babae kundi nainis siya dahil wala man lang please at mas lalong di niya alam kung bakit Venti ang bibilhin niyang kape sa nasabing coffeeshop.
"Ah baka sinali niya kami..." sambit sa sarili. Binilang niya kasi ang mga pulis taga Soco at sarili niya. Lumabas na siya ng building since malapit lang naman ang coffee shop. Habang naglalakad na siya madami siyang nasalubong na mga indian sa may kalsada na may pasan pasan na mga blanket, may stand fan, may timbangan etc. "Sa susunod kukuha ako ng item sa mga indiano. Hehehehe..malapit na kasi ang pasko kaya kukuha na lang ako sa kanila."
Then pagdating niya sa loob ng coffee shop agad na pumila at nang siya na ang nasa harap ng cashier agad na sinabi ang kanyang order.
"Good evening Muning.."bati ng lalaki sa kanya. Syempre kilala na siya dito dahil everyday ba naman siyang utusan ng amo.
"Hi Joselito."bati niya.
"Same order?"
"Hindi eh. Yung babae gusto niya magpabili ng bente(20) na kape."
Nagulat naman ang lalaki sa kanyang order. Tumingin pa sa likod kung may kasama siya ngunit mag isa lamang itong pumasok.
"Bente? Paano mo bitbitin ang 20 na kape?"
"I know right!" at nag rolled ng eyes. "Akala niya sa akin pusit. Hay naku basta bigyan mo ako ng bente na kape."
"Okay. anong klase na kape?"
Napatulala ang babae dahil hindi niya na maalala ang sinabi ng babae. Napakamot sa ulo.
"Meron kayong...uhm...patay..."sambit nito at napangiwi. "Ano ba yun?"
"Ahm cappucino? Latte?"wika ng lalaki at nagbabakasakaling isa sa mga ito ang order ni Monina.
"Hindi yan... Meron kayong indiano?"
"Ha?!" gulat na tanong ng lalaki. Padami na din ang mga nakapila. "Haha walang ganun. Gusto mo espresso?
"Hindi. Ahm Sige, ano ahm, Germano? Romano? No ba or ahhhh naalala ko na..."at napangisi.
"Hay naku finally...so ano..." tanong ng lalaki.
"Barako pala!! beynte na kapeng barako.!!!" proud niyang wika at ngumiti ng kaylapad.
~~~~~~~~~~