Chapter 6

3965 Words
Patuloy pa rin ang pag iimbestiga ng mga kapulisan, NBI at mga taga SOCO sa loob at labas ng Montecarlo building at patuloy din ang pagbibigay balita sa Radyo, Television ? at maging sa newspaper naka rolled na ang mga ibat ibang version ng mga mamahayag. Panay naman ang tingin ni Angela sa kanyang relo dahil ang bumili ng kape inabot na ng dalawang oras na kung tutuusin nasa kabilang kalsada lang siya hindi pa rin nagpapakita kahit ang anino niya man lang. "Where the heck is she?!" She hissed and she goes back and forth while flipping her cellphone. Doesn't care if she'll drop the phone and break it. Angela will just ring her dad for a brand new one. Yeah! They owned the cellphone company named PINE APPLE- Nakapamewang niyang tinawagan ang kaibigan na bakla at naikwento ang tungkol sa kanyang kasintahan na si Chase. "My gosh mare, nakikiramay ititz.! Iniwan ka na niya girl! Huhuhu! Sayang naman si fafa Chase. Hindi ko man lang siya natikman kahit nahawakan. Mare, why?? Huhuhu!ang aga niya naman mamatay.." "Stop! Kung makangawa ka parang ikaw ang jowa." Saway sa kaibigan. "I dont wanna hear anything about his sudden death! It's just ridiculous how he ended up jumping off the stairs! For what reason right!? Is he mad at me? I can't think of any reason Mindo."mala armalite niyang bunganga at naglalakad ng pabalik balik habang nakikipag usap sa phone. "Look, Chase is a multi-billionaire guy and he had everything he wished for so what's the point of ending his life so quick? Alam mo Mindo-" she's being cut off. "Its Lucky. L-U-C-K-Y— Lucky.. okay go ahead girl." "Fine! Lucky. Naniniwala pa rin ako na May involved sa kanyang pagkamatay. Either someone pushed him from the top unintentionally or pwede rin yung he was tripped into something for being so clumsy sometimes or maybe..." she pauses in her deepest thoughts. All of the sudden the jolly woman popped out of her mind, ang mala dyosa na si Monina. "Maybe what girl?" "Someone did it intentionally." She said while smirking and raised her eyebrows. "That witch.."Angel whispered. She tried not to think how much she wanted to scream when she saw Monina the first time she saw her at the lobby. "May alam ka ba kung sino ang may kagagawan nito?" "Wala pa naman. Pero malakas ang hinala ko na nasa company lang ang salarin. Baka gustong niyang makakuha ng share sa kayamanan ni Chase di ba?" "Girl, fight for your right okay?! Huwag mong hayaan na mapunta sa kanila ang pinaghirapan ng fafa chase." "Yeah of course! Anyway, I'll ring you tomorrow. I need you to come with me to visit his wake at st.peter." "Sure girl! Take it easy hotcake.." "Alright..."she hissed and hang up the said call. Kahit hindi nakikita ni Angela ang mukha ng kausap niya, sigurado siyang napangisi ito at tumaas ang kilay. MEANWHILE Humaba pa lalo ang pila dahil sa dami ng kape na inorder ni Monina. May mga nairita dahil sa tagal ng kanilang order, may mga nagulat dahil sa dami ng kape na nakahilira sa counter. Napansin naman ng ating bida ang mga matang halos ikalusaw niya kaya todo ngiti ito sa kanila. Ilang beses siyang napapalunok. "Bakit kaya sila nakatingin sa akin? Oh gash, is it dahil of my passion (fashion)?"tanong sa isipan sabay suri sa kanyang sarili at tuwang tuwa na akala mo gustong gusto ng tao ang kanyang style. Isinukbit pa ang maikling buhok sa may gilid ng tenga at nagpuppy eyes pa. Pero naputol ang kanyang pagpapacute ng makitang umasim ang mukha ng isang lola sa kanya. Para matapos na ang kakatitig ng mga tao sa kanya napangisi ito at nagkwento na akala mo mga kakilala niya ang mga ito. "Pasensiya na kayo ha. Pinabili kasi ako ng beynte na kape para sa mga pulis at mga taga SOCO na nasa Montecarlo ngayon."wika nito at tinuro pa ang Montecarlo building na may mga police cars at media na nasa labas. Napalingon naman ang mga tao sa nasabing building across the street. "Ano bang nangyari diyan?" Tanong ng isang tsismosa at nginuso ang building."Parang may shooting ng wild flower ano.. Baka may artista!" Malungkot na napatingin sa kanya ang ating bida at napapailing. "Yung boss ko na si Sir Chase patay na.." You can heard people gasping and whispering. Then most of the eyes looked outside of the coffee shop. Some of them felt sad about the news. They knew Chase Montecarlo. A handsome, arrogant, perfectionist, business tycoon and most of all,  he is every woman's dream. "Ano bang kinamatay ni pogi?" Usisa ng bakla. "Hayss.. hindi ko man lang nahawakan ang kanyang katigasan." "Baka cardiac arrest.."turan ng isang usyusera. "Nahulog sa hagdanan. Tsk! Minsan kasi nagmamadali yun. Patalon talon pa kung bumababa."wika pa niya. "Tapos palagi pa naglilinis si manong doon. Ang kintab kintab na pwede ka pa manalamin. Malamang nilagyan ni manong ng madaming floor wax para lalong dumulas. Kasalanan talaga yan ni Manong eh." seryosong wika ni Monina. "Hala kaya pala madaming kape ang binili mo. Kawawa naman si Sir Chase. Nawalan na ako ng ka forever at crush." Turan ni bakla. Nagpaikot ng mga mata si Monina. "Asa ka.."bulong ng ating bida. "Monina ito na ang mga kape mo oh. Teka paano mo ito dadalhin?" Napaisip naman si monina kung paano bitbitin ang mga kape. Inabot niya ang mga ito at Pinatong niya muna ang mga ito sa isang counter. Nakapamewang at napapaisip. "20 na kape. Paano ko ba madadala lahat ng ito?Hmm, Ay inumin ko na pala ang para sa akin. Para 20 minus 1 equals 19." Kausap ang sarili at panay higop ng kape na kasing tapang ng mga lasing sa kanto. Napapangiwi naman ang ating bida. Kahit sikat sa kanila ang kape na ito hindi kasi niya ito nakahiligan. "Ayan nabawasan na ang dadalhin ko." Sambit nito at napangisi. Then napansin niya na umalis na ang dalawang pulis. Kamot ulo si Muningning. "Hala! Paano na itong kape? Hmm... 19 minus 2 equals 17.." hinigop ulit ang dalawang cups na coffee. Halos masuka suka na siya dahil sa dami ng nainom na kape. Dahil tatlo na ang nabawas medyo gumaan na kunti. Ngunit hindi niya pa rin ito madadala lahat. "Mag pedicab na nga lang ako." Kaya hinakot palabas ang kape at nag aabang ng pedicab ngunit wala namang dumadaan sa area na iyon. Tiningnan ang oras at halos atakehin ito sa puso. "Huh??? Alas Otso na?! Hala jusko! Uuwi pa naman ako..! Paano ko ba ito madadala lahat?" Mula sa malayo may natatanaw siya. Isang lalaking may tulak na kariton na may laman na mga buko. Kinapa muna ang bulsa at napangisi.Mabilis niya itong tinawag at ang akala naman ni Kuya ay bibili siya ng paninda nito. "Kuya, pwede po bang pahatid doon sa kabila. Madami kasi akong dala na kape eh. Magbabayad din po ako. Parang inarkila ko lang yung kariton mo.." "Diyan po sa building na iyan?" "Opo Kuya. At saka may mga kape po akong dala." "Ay walang problema. Ilagay niyo lang po diyan at hindi iyan maaano. Tara na po." Mabilis na sumakay ang ating bida sa nasabing kariton na may mga bukong paninda ni Kuya. Monina sat down and relaxing while sipping the last drop of her kapeng barako. "Kuya mamaya pabili ng paninda niyo ha. Nahirapan kasi akong makaihi minsan.."turan nito sa vendor. "Ay opo mam. Meron pa pong natira. At saka maganda nga po talaga iyan sa katawan lalo na nakakalinis ng pantog."sagot naman ng lalaki. Then Monina somewhat saw another group of men  leaving the area.Not sure if they're the media, NBI or SOCO since nasa kabila pa sila. "Bakit sila nag sialisan? Siguro hindi na makapaghintay sa kanilang kape..."kausap sa sarili. "Tatlong cup na ang naubos ko, alangan naman na inumin ko na naman itong tatlo."sinulyapan ang lalaking hirap na hirap sa pagtulak ng kariton. "Ahh kuya, gusto mo ng kape?" The vendor smiled and nodded vigorously. You can tell right away how much he loves to drink those coffees with strong aromas that is so inviting and mouth watering. Ang nangyari, si manong na ang nakasakay at si Monina na ang nagtulak sa kalsada. Tagaktak ang pawis nito kahit madilim na sa lugar. Punas dito punas doon si Monina. Nakita niya naman na nag eenjoy si Kuya. Sarap na sarap itong kumakain ng matigas na monay at sinasawsaw sa mainit na kape. Nakaramdam naman ng awa ang dalaga sa nagtitinda ng coconut. Naubos na nito ang dalawang cups na kape at humihigop na siya sa pang tatlo na cups. Paubos na din ang maging ang baon na tinapay. Pangiti ngiti pa si Kuya. Panay naman  bulong sa sarili ang dalaga.Papatawid na sana sila ng may tumawag sa kanila. "May buko pa ba?"boses ng babae. "Mmheron pha pho." puno kasi ng monay ang  bunganga ni Kuya. Agad na lumapit ang nasabing babae at namili ng buko na gusto niya. Tumulong na din si Monina sa pagbenta para makaalis na sila agad. Matapos ang ilang minutong bentahan, nagsimula na naman siya sa pagtutulak. Hanggang sa makarating na sila sa may stop light at naghihintay na makatawid at naging busy na naman ang isipan ni Monina. Gabi na kasi at nakaramdam na rin siya ng kapaguran at the same time naiisip niya ang kanyang kaibigan. Nag sign na ng walk kaya tulak na si Monina girl ng kariton. "Sana mag siuwian na silang lahat. Para makauwi na rin ako. Tsk! Magtataka mamaya si besh di pa rin ako nakauwi. Sino ba kasi yung babae na yun? Basta na lang ako inutusan. Ang kapal ng fez. Pero ano kaya hitsura nun? Baka ang panget niya kaya nagtakip ng mukha. Hmm. Teka siya kaya yung babaeng naghahanap kay Sir? Yung umiiyak sa phone? Nalilito ako. Hay ewan."Dahil ang focus nasa gigil niya sa babae, hindi nito napansin ang lubak  dahilan upang mahulog ang gulong at masira ito at saktong nasa gitna sila ng kalsada. "BLAAGGG!!" "AAAYY PHUKIEMO!!" "Ano yun!?" Gulat ni Kuya at napatingin sa ilalim ng kariton. "Oppsss!" Tanging nasambit ni Monina. "Patay natanggal ang gulong ng kariton ko.."kakamot kamot na wika ng lalaki. Mabilis nitong sinuri ang kanyang kariton at hinanap ang tumilapon na gulong. Pero nakita niya si Monina na hinahabol ang tumilapon na gulong sa gitna ng kalsada. Nagkaron tuloy ng traffic dahil nasa gitna ng kalsada ang kanilang kariton. "Sorry po Kuya. Ito na po ang gulong.." inabot niya ito sa lalaki at naging traffic enforcer na ito. Nasa tabi niya naman ang lalaki at malungkot na tiningnan ang kariton. "Hindi na kita maihatid pa kasi mahirapan tayo sa pagtulak. Tapos andito pa tayo sa gitna ng kalsada." wika nito sa dalagang busy sa paggaguide ng mga sasakyan kung saan pupunta. 'PPPPRRRTTTTTTTTT!!!' Monina whistled and guided all the vehicles. Turo dito, turo doon na akala mo professional na traffic aide. Dahil nasa gitna sila at nakaharang pa. Kaya ginawa ang lahat na makakaya para hindi na magtraffic pa. 'PRRRTTTTTTTT!!!' "Walang problema kuya. Nakita mo yung mga yun?" At tinuro ang mga nakatambay na mga tao sa may kanto. Tinawag naman sila ni Monina. Wala pang isang minuto agad na nagsidatingan ang mga kalalakihan. "Mga pogi, patulong naman po! Bibigyan ko kayo ng maiinom kasi madaming alak sa opis ni boss!" Napangisi ang mga mukhang goons na mga lalaki. Pagkarinig ng mga ito na may libre na alak, gora sila agad sa pagtulong sa dalaga. Binuhat ito ng mga lalaki para madala sa gilid at si Monina naman ang nagsilbing lady traffic. Nakatayo ba naman siya sa gitna at nakasenyas ng stop. "Thank you sa inyong lahat!" sigaw niya sa mga drivers at kumaway pa saka tumakbo patawid ng stop light. "Mga manong, paderitso na lang po papunta sa building na iyon, babayaran po kayo ng amo ko ng madaming alak po.!" wika niya sa mga kalalakihan. Excited naman ang mga itong binuhat ulit ang sirang kariton papunta sa harapan ng nasabing building. "Kuya pwede pasakay na lang. masakit na talaga paa ko eh." Tumango naman ang mga lalaki. Since payat siya at ang lalaki ng mga katawan ng mga lalaki kaya hinayaan nilang sumakay ito. Napapangisi naman si Monina habang nakasakay sa kariton at buhat buhat ng mga lalaking ang iba sa kanila ay walang mga pang itaas. Dahil sa dami ng mga pangyayari, pinagpawisan si Monina kaya itinaas ang dalawang kamay para matuyo ang basang kilikili. Mahangin naman kasi sa labas at madilim na. BATANGAS PRIVATE RESORT Kararating lamang ng dalawa at nakita niyang patay ang kanyang cellphone. Nagtataka naman ito dahil fully charge naman ang phone niya bago umalis ng office. Hindi niya din mahagilap ang kaibigan dahil agad din itong sumibad pagkababa ng sasakyan at nagpaalam na mag washroom muna pero inabot na ng ilang oras na hindi niya ito nakita. "Imposible naman na naligaw siya eh palagi kaming nandito. Hindi kaya nahold up siya? Tsk! Damn! Why I'm having such weird imaginations? I should just keep going."he said to himself while unloading their bags out of the car. Nakaramdam na rin siya ng gutom kung kaya dumaan ito sa front desk para kunin ang kanyang card. Then tumuloy sa kanilang room. Pagkalapag na pagkalapag ng gamit, lumabas din ito agad at pumunta sa restaurants connected to the hotel lobby. Para namang kabute na biglang sumulpot ang kanyang kaibigan at agad na humila ng upuan saka preskong umupo. Nagtataka naman si Chase. "Where have you been?"he asked while frowning. He took his fork and knife and start eating his dinner which is steak, veggies and mashed potatoes. "Uhmm met some friend.." "Friend? Or someone you can f**k?" "Hey! Hey!" "Oh come on bro, ako pa ba ang pagsisinungalingan mo? Kilalang kilala na natin ang mga kaluluwa natin okay? Anyway, just get your order. Hindi na kita mahintay eh.." "Sure!" Then he called the waiter. "Waiter!!" Napalingon naman ito at lumapit sa table nila. Umorder si Steve ng pasta with meatballs and some garlic bread and salad. Umalis na ang waiter kaya naiwan ang dalawa at seryosong nag uusap ng walang ano-ano- 'FLASH REPORT' "Magandang gabi mga mahal nating kaibigan at kapamilya, nandito tayo ngayon sa labas ng Montecarlo building kung saan patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring aksidente kung ito man ay matatawag na aksidente o baka naman merong foul play sa nangyari sa sikat na negosyante na si Mr. Montecarlo. Madami ang nalungkot sa maagang pagpanaw ng kanilang boss at kaibigan na napag alamang tumalon ito sa hagdanan na sanhi ng kanyang maagang pagkamatay. Ang biktima ay kinikilalang si Chase Montecarlo isang tanyag na businessman sa bansa at maging sa ibang bansa din." Napaubo naman si Chase at naibuga ni Steven ang tubig at parehong nanlaki ang mga mata dahil sa nasabing balita. Nakanganga pa si Chase habang pinapanood ang nasabing balita sa tv. Walang imikan ang dalawa. Kitang kita nila ang pagdating ng mga NBI, SOCO, pulis at mga taga media sa nasabing building. "Sa ngayon patuloy ang pag iimbestiga kung totoong tumalon ito sa hagdanan o merong nagtulak sa biktima. Ito ang inyong lingkod, Paquita Dingkay nag uulat." Agad na tumayo si Chase at binalikan ang kanyang cellphone na naka charge sa kanyang silid. Humahangos naman na sumunod si Steven. Nang buksan ni Chase ang kanyang cellphone, sunod sunod na text messages ang kanyang natanggap. From: Angel Babe, I don't know if I should just move on with my life now. It's just so unbearable!!! (insert crying emoji) From: sundaytoy Bro, cant believe about your passing. RIP? From: AlexxMartin Dude! Is it true?! Anyway, are you in heaven or purgatory? From: Ipokrito Man! Sakit isipin na wala ka na.? RIP! From: Mom Anak!! Tawagan mo ako!! Hindi ako naniniwala na patay ka na!!!Huhuhu. Monina: Happy condolence sir. Wag kayong magmulto sir ah takot ako eh. Madaming missed calls from his friends, relatives, business partners lalo na galing kay Angela. Nagkatinginan sila ni Steven. Kaya agad na nagligpit ang magkaibigan at nagpasyang bumalik ng Manila. Makikita sa mukha ng lalaki ang matinding galit lalo na walang tigil sa pag ingay ang kanyang cellphone para lang i message siya ng rest in peace.Walang tigil ang kanilang pag-uusap kahit na nasa daan na sila. Chase drove the car and Steven is the passenger. "Bro, multo ka na lang ba?"tanong ni Steven. Binatukan naman ito ni Chase na ikinangiwi ng lalaki. "Awww!! Sakit naman nun bro." "Just want to remind you, I'm real. Fuckk! Sino ang nagpakalat ng ganitong balita na patay na ako?" "Baka may kaaway ka sa company bro." si Steven. "Well, in that case, pagdating natin sa Manila aalamin ko kung ano ang nangyari at paano nilang nasabi na patay na ako."naiinis niyang wika sa kaibigan." Magbabayad sa akin kung sino man ang nagpakalat nito. Ipapakulong ko siya." nagngingitngit sa galit na wika ni Chase. "Pagdating natin sa Manila, magpa conference call ka para maayos natin ito agad." "You bet bro. Pero di mo ba naisip na dahil sa pangyayari na ito, malamang uuwi dito si Angel."sambit ng kaibigan. Napalingon sa kanya si Chase. "Sana nga. Pero nakakalungkot lang isipin na kaya siya uuwi dahil patay na ako. Psh. Isa lang ang ibig sabihin nun bro, hindi niya ako mahal." "Kaya nga ayoko ng serious relationship na iyan. Sakit sa ulo! Okay na ako sa walang commitment at least anytime pwede ako makipag flirt sa iba. I can hang out to whoever I want. Ewan ko ba sayo at tinali mo ang sarili mo sa kanya." "Bro, mahal ko siya alright..."nakangiting wika nito. "My question is, does she really love you?" Hindi nakakibo si Chase. Parang ang naging tanong ng kaibigan ang nagpagising sa kanya sa katotohanang marahil siya lang ang nagmamahal at umaasa na mahalin din siya ng dalaga. Ilang minutong nanahimik ang dalawa. Isang malungkot na mga mata ang makikita sa binata at mapaklang napatawa. "Hahaha! Siguro naman..."sagot nito pero sa kabila ng kanyang utak, hindi siya sigurado. Montecarlo Building Sa tagal bumalik ng inutusan niyang bumili ng kape, umakyat ito sa taas ng office ni Chase. Pagkapasok niya sa loob, katahimikan ang sumalubong sa kanya. Nilibot niya ang buong paningin sa office nito then nagpunta siya ng mini bar kung saan nakalagay ang iba't ibang klase ng alak na binili pa ni Chase sa ibang bansa. Nagsalin ng whisky, at sunod sunod na tinungga ito. Pinatay ang ilaw at iniwan ang lamp shade na nasa side table. Muli pa siyang uminom. Then she decided to go to the main lobby and waited for Chase secretary na inabot na ng gabi dahil sa pagbili ng kape. Nagsialisan na din ang mga NBI, SOCO at mga kapulisan. Tanging mga ilang taga media na lamang ang naiwan upang magbigay ng kanilang report sa nasabing estasyon. Mag isa na lamang siya sa loob at ang guard naman na nagbabantay sa labas. Pumunta ito sa isang couch na medyo may kadiliman at naupo. Hinilot hilot pa ang noo nito. Mula sa malayo, natatanaw ni Angel ang mga kalalakihan at may buhat buhat ang mga ito at may nakasakay pa na tao. Dahil madilim, hindi niya masyado makita ang mukha nito atmedyo nahihilo na rin siya dahil sa alak. "Anong nangyari sa kanya?" siningkit ang mga mata para makita ang nangyayari sa labas. Then nilapag ng mga kalalakihan ang kanilang buhat buhat na parang mabigat na bagay. Pinapanood niya lamang ang mga ito mula sa kanyang kinauupuan. Nanlaki ang mga mata niya ng mamukhaan ang babae. "She's still here pa pala? Anong nangyari at ngayon lang siya bumalik?"tanong sa isipan. Nang makita ang mga lalaki sa labas, umasim ang mukha ni Angel."Inuna pa ang makipaglandian kesa ang gawin ang inuutos ko. You don't know who you're messing with." Pumasok si Monina at dire-diretso papunta ng elevator. Makalipas ang ilang sandali bumalik ito at may bitbit na bote at inabot sa mga kalalakihan. Binigyan niya ng coffee ang guard at nagpatulong sa kanya para dalhin sa loob ang nasabing kape. Then bumalik ang lalaki sa kanyang pwesto. Muling bumalik si Monina sa loob ng building bitbit ang 8 cups of coffee. "Where the hell is my coffee?!" malakas na boses ng babae dahilan upang magulat siya. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak hawak niyang kape. This time magkaharap na silang dalawa at wala nang takip ang mukha ng babae. Nakataas ang kaliwang kilay nito at seryosong nakatitig sa ating bida. "Where's my coffee?! Are you deaf?!" bigla namang nahimasmasan ang Monina girl. "Coffee mam!" sabay abot nito ng 8 cups of coffee. "8 cups?! I asked you to get me a venti americano?!"nakasingkit ang mga mata nito. " What do you want me to do with that 8 cups huh?"naiiritang wika nito. "Yes mam beynte nga po. Tapos I... I am drinking...uhm..."kamot ulo ang bida while counting her fingers. "Sagutin mo ako kung bakit walong kape ang dala mo!?" "Mam hayaan mo muna akong matapos sa pag computing(compute)" natahimik naman si Angel at nakatitig lang sa babaeng seryoso sa pagbibilang ng daliri. She sat back on the sofa, crossing her legs with her arms crossed. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa hitsura nito or katakutan."Beynte bawasan ng anim...equals 14. Tapos yung iba ininom ng mga lasenggo kaya ang naiwan walo..." naririnig niyang sinasambit ng dalaga. "mam ayan walo na lang po ang natira..." "Hindi ko kailangan ang walo! Sabi ko Venti. VEEENNNTIIII!"namumula na siya sa sobrang pagkainis. "Kaya nga mam BEYYYNNNTEEYYY! at saka walo na lang ang natira..Grabe mam, hindi po kayo marunong magbilang?" Uminit ang taenga ni Angela pero nakuha niyang magtimpi. Lalo yata siyang nahilo sa pakikipag usap niya sa dalaga. Umiikot na  rin ang kanyang paningin. Tumayo siya at kumuha ng kape na binili ni  Monina. Pagkainom sabay buga niya. "What kind of coffee is this?!" tanong nito at inamoy amoy pa ang cups sabay punas ng bibig. "Mam, di ba sabi niyo barako po..."wika ng ating bida. Kumunot ang noo ni Angela. "What?!Hindi ko sinabi na barako. Americano!"sambit nito at napataas  ang boses. Napaiktad naman si Monina. "Wala akong nakita na kano doon mam!! BOMBAY lang!!! BOMM--"Sabay hawak sa kanyang dibdib.  Pabilis ng pabilis ang pintig ng kanyang puso na para siyang nalulunod. "Maa...aahhh...hhinn...diii..aakkk...ma"  habang nakahawak sa kanyang dibdib at napakapit sa may center table.  Mabilis naman siyang sinalo ng nahihilong si Angela. Dahil sa mabilis  niyang pag iisip, pinahiga niya ito at binigyan ng cpr. Hinihipan sa bibig! pumped her chest! Pump! Pump! Blowing air! Pump! Blow Monina's mouth then something she did unintentionally. She's kissing Monina. Bigla siyang natauhan kaya napatigil siya. Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Monina.Pero parang shunga pa rin ang reaction nito at nakahawak sa dibdib na akala mo may kailangan siyang takpan. Ilang beses na napapalunok si Angel. "Haaahh... mamatay na yata ako..." sambit ni Monina. "No, you're not...Ayan nga oh okay na paghinga mo.." sambit ni Angela. Kinapa kapa naman ni Monina ang dibdib. "Salamat mam. Buhay ako! Hindi pa ako mamamatay!!!" hiyaw niya. Medyo  naging okay naman ang pakiramdam ni Monina ngunit magkalapit pa rin ang  kanilang mga mukha. Nagkatitigan hanggang sa unti unting binababa ni  Angela ang kanyang mukha sa ating bida. Namumungay ang mga mata nito samantalang Nakanganga lamang si Monina at ilang beses na napakurap at pinagmamasdan ang maamong mukha ni Angela. "Bakit ganito si mam makatingin sa akin?? Nagandahan ba siya sa akin??"tanong sa isipan. "Baka yung ginamit ko na lipstick na inutang ko kay Beshy galing Ebon (Avon) ang nagustuhan niya." Mabilis ang pintig ng kanyang puso na parang may naghahabulang mga daga sa loob nito. Napabuka naman ng lips si Angela at namumungay ang mga matang nakatitig lamang sa kanya. Palapit ng palapit sa labi niya kaya ang ginawa ni Monina pumikit ito at naghihintay na maramdaman ang mainit na HHHHHH-------KKKKK ni Angel....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD