Nakabalik na nang bansa si Chase at isa sa mga plano niya ay memorable dinner date. Kinuntsaba si Monina at silang dalawa ang nagplano. Naghanap ng lugar si Monina at nagustuhan naman ito ni Chase dahil nasa park ito. Naglagay ng table si Monina at mga decor. Maging sa pagkain siya din ang nagplano. Dumating ang oras na magkikita na ang magkasintahan. Si Monina naman dala ng pagka excite hindi na siya nakakain. Sobra na siyang gutom. "Grabe ang tagal naman ng dalawang yun. Gutom na gutom na talaga ako. Hindi ko naman pwedeng galawin ang pagkain nila." May narinig siyang sasakyan. Natuwa siya ng makita ang mga ito. Agad na pumunta sa pwesto at binuksan ang ilaw. "Wow babe, ang ganda naman dito." Narinig niyang sambit ni Angela. "Did you like it?" "Gosh, i love it. So romantic." "C

