WELCOME TO LEGAZPI CITY Dahil first time ni Monina makarating ng Bicol. Nakalimutan na niyang tawagan ang kaibigan para ipaalam dito na nakidnap siya ng kanyang among maldita. Sa ganda ng tanawing bumungad sa kanyang mga mata, nakalimot agad ang dalaga. Angel called a cab to take them to their hotel. Nawili na ang Monina sa kaka selfie sa sarili at hindi naramdaman ang gutom,pagod at maging ang tawagan ang kaibigan hindi na niya naisip pa. Ilang minuto ang lumipas narating nila ang The Oriental Hotel. Napapangangang bumaba ng taxi si Monina at namangha sa kanyang nakikita. Sa buong buhay niya never pa siya nakakapasok sa mga ganitong kagarang hotel. Nagulat na lamang siya ng tumikhim si Angel. "Let's go." at hinila na naman ang kamay ni Monina. "Paano ang mga dala natin?"tanong

