CHAPTER 6
"Marko, did you really checked this huh?".I asked him with a sarcastic tone.
Nakatungo lang ito habang nakatayo sa harapan ko.
Im here at my juniors office.
"Linggo na ba ngayon? Bakit parang ang aga naman ng misa". Adrian's laughing while walking towards me.
"Shut-up!" I yelled at him.
"Ang aga aga sinesermonan mo ang mga juniors mo".Sinensyasan nito na umupo na si Marko.
"Remember the presentation na hindi natuloy kahapon because of the unexpected meeting? You need to present it to Mr. CEO at 11".Sabi nito na ikinabigla ko.
"And here eto na yung blueprints na hinihingi mo sakin kahapon".
"Bakit sa kanya?" I asked with curiosity.
"Why? Are you afraid of him?".Seryosong tanong nito . Di ko namalayan na nakaupo na pala ito sa isa sa mga swivel chair dito sa opisina ng mga Juniors ko at prenteng nakade kwarto pa sa harap ko.
"Why would I ?" mataray na tanong ko dito.
Hindi ko mabasa kung anong iniisip ng lalaking to. His expression, ibang iba sa nakasanayan ko sa kanya.
"I'll go with you" . Tiningnan ko ito na parang nagtatanong.
"I'll go with you to his office,Im the Engineer who's assigned with this project .So dapat lang na kasama ako sa meeting na magaganap tama ba?". Seryoso pa rin nitong sabi.
Tumingin lang ako dito ng mataman. Tumayo naman ito at nagsalita ulit.
"Guys don't mind this old lady matagal na kasing walang dilig kaya umiinit lagi ang ulo". Natatawang sabi nito sa mga tao ko.
Nakita ko kung paano pigilan ng mga ito ang tawa nila.
"How dare you!" Gigil na sabi ko dito sa mahinang paraan.
Tumawa lang ito at iwinagayway pa nito ang kamay bago lumabas ng tuluyan sa pinto.
"You think it's funny?" Tinignan ko ang mga ito ng masama. "Im not yet done with your shits.Make sure na pagbalik ko okay na ang lahat,dahil kung hindi ako mismo ang maghahatid pabalik sa Dep Ed ng mga depolma ninyo".Pananakot ko sa mga ito.
Im not used to be like this before.Im just a simple girl ,naive and a kind of pathetic one but everything changed nong iniwan ako ng lalaking sobrang minahal ko.
I need to be strong para hindi na ulit ako maloko ng kahit na sino.I need to use my brain 10 times rather than my heart.
2 years na kong nagtatrabaho dito sa Emerald bago mangyari ang kahihiyang yon sa buhay ko. After that incident nagulat ang lahat ng pumasok ako sa kumpanya.
Flashback
Wearing a black fitted spaghetti dress na above the knee ang haba at pinarisan pa ng black stellito hinayaan ko lang din na nakalugay ang natural brown straight hair ko na umabot hanggang sa gitna ng likod ko. Naglagay din ako ng red lipstick na never kong ginawa noon.Binagayan ko rin ng malaking white earrings ang suot ko. Ang white coat ko ay hinayaan ko lang na nakasampay sa braso ko.
Kitang kita ko kung pano ngumanga ang mga empleyadong lalaki na nakakasalubong ko.
"Is she's the broken bride?"Mahinang tanong ng isang babae sa kasama nya. 3 lang kami dito sa loob ng elevator at rinig na rinig ko sila. .Tsk para silang mga bubuyog.
Lumingon ako sa gawi nito at inunahang sumagot ang kausap ng babae. "Yes I am". Taas noo kong sabi dito. "See that? " turo ko sa reflection nya sa evelator masyadong makinang ang lift nito kaya kitang kita ang reflection ng mga taong sumasakay dito. "Look mas mukha kang iniiwan kesa sakin".Mataray kong sabi dito na saktong pagbukas naman ng lift kung saang floor ako bababa.
Naiwan kong nakayuko ang dalawang bubuyog sa loob ng elevator. I get a deep breath before I started to walk. "This is it Camille show them your version 2.0". Naalala ko pang sabi sakin ni Fred kahapon ng samahan ako nitong mamili ng mga bagong damit.
Ayoko mang itapon ang mga luma kong damit ay pinilit ako ni Cindy at Fred na idespatsa ang mga ito. New life new looks ika pa nila.
Isasama ko na rin sanang itapon ang sing sing na ibinigay ni Sean sa akin ng bigla itong agawin ni Cindy. "Hoy bestie wag to mahal to no? pano kung bawiin sayo to at hindi mo maibigay naku baka isipin nila ibinenta mo magmumukha kang pera".
Kung sa bagay may point sya.
"Alam mo may pakinabang pa yan eh. Isangla nalang natin to mga bakla tapos magtayo tayo ng Coffee shop tutal diba naging barista ka naman noon at masarap ka pa gumawa ng cakes bongga . Magiging architect/business woman kana". Mahabang litanya ni Fred habang nakatingala at nasa dibdib ang box ng singsing na hawak hawak nya. Talagang ine-imagine nya masyado .
"Ewan ko sa inyong dalawa". Iiling iling lang akong lumakad papasok sa kusina para kumuha ng tubig.
"Okay yung Idea ni Fred bestie". Ani Cindy na sinundan pala ako dito sa kitchen. "Isa pa makakatulong yon para madivert ang atensyon mo sa mga bagay bagay". Pagpapatuloy nito.
"Hindi na natin kakailanganin ng accountant sa negosyo Cindy will be the one who works for it, ako naman ang mag iinterior and ako na rin ang bahala sa marketing tapos ikaw ang magbabake o at magtetrain sa mga mag aapply na barista o diba?". Sabi ni Fred na hindi rin nakatiis at sumunod din sa kusina.
"At san tayo kukuha ng pangpuhunan? San tayo magtatayo ng coffee shop, Pano kung marami rin tayong dapat gawin sa kanya kanya nating trabaho? "
Sunod sunod na tanong ko.
"This will help". Tukoy nito sa singsing na hawak nya.
"Ayoko "Final na sagot ko.
"Naku friend ano ba, kung hindi mo napakinabangan ang katawan ni Fafa Sean atleast ito mapakinabangan mo man lang". Nansamid ako habang umiinom ng tubig dahil sa sinabi nito.
"Ehem ehem". Parang lumabas ata sa ilong ko ang ininom kong tubig.
Hinimas himas naman ni Cindy ang likod ko."Tama sya bestie hindi mo naman ibebenta yang singsing eh isasanla lang". Pagsang ayon pa nito sa bakla naming kaibigan.
"Tumigil nga kayo . Pano naman kayo nakakasiguro na tatanggapin sa sanglaan yang singsing nayan?baka mamaya fake din yan katulad ng pagmamahal nya sakin". Hindi ko na nagawang isatinig ang mga huling kataga.
"Maybe his love for you is fake but this thing? Kahit isanla ko pa ang nanay ko hindi nito matutumbasan bestie". Ani Cindy
"Nabasa nya ba ang nasa utak ko? ".Piping tanong ko sa aking sarili .
"What if bigla yang ipakuha yan sakin?" .Tanong ko ulit sa mga ito."San tayo kukuha ng pangtubos kung saka sakali? " Tinignan ko ang mga ito na tila ba nag iisip.
"See?? Wala kayong masagot. Kaya hindi pwede. Pag iipunan ko ang pagpapagawa sa coffee shop na itatayo ko pero hindi hindi ako aasa sa bagay na yan. " turo ko sa sing sing na hawak hawak ni Fred.
Buong araw akong tinuruan ng mga kaibigan ko kung pano mag ayos ng sarili. Magmula sa paglalagay ng kung ano anong kolorete. Need daw yon kahit maganda na ko mas nakaka boost ng confident ang make-up at tama nga sila.
Tinuruan din ako ni Ms.Fajardo kung pano humarap at makipag usap sa mga kleyente.
Magmula nong araw na yon ay sinimulan ko na ang Version 2.0 ko.
Bago pa man ako mapromote bilang Senior architect .
I become cold and heartless architect.
Gustuhin ko mangmaging mabait sa mga tauhan ko. Gustuhin ko mang makipag kwentuhan sa kanila while eating at the canteen katulad noon pero hindi ko magawa I was afraid na baka masaktan na naman ako pag sobra akong nagtiwala sa mga tao sa paligid ko.
End of flashback
"Your ready?".Bumalik ako sa kasalukuyan ng biglang bumukas ng pinto ng opisina ko at iniluwa doon si Adrian.
"Dont you to know how to knock? " I asked with an irritated voice.
"I was knocking on your door 5 times " Nakangisi nitong sabi at ibinuka pa ang kamay sa mismong harap ng mukha ko ng makalapit ito sa table ko.
Hinampas ko naman agad ang kamay nito. "Ano ba wag mo ngang ilapit sakin yang makasalanang kamay mo". Mataray kong sabi dito.
"Sungit" Sabi nito na parang batang inapi . nakanguso pa.
"Mukha kang aso".Sabi ko dito
"I know im cute" Mayabang na sabi nito.
"tsk ewan ko sayo. Tara na nga".
"Kinakabahan ka? " Tanong nya nong nasa elevator na kami.
"Why would I ?" tanong ko pabalik dito na hindi na nag abala pang lingunin ito.
"He's your ---- I mean--".Hindi nito masabi sabi ang gustong nyang sabihin kaya inunahan ko na sya.
"Yeah he's my Ex " lumingon ako dito."He's Just an Ex. Kung nag-aalala ka dahil sa nangyari kahapon.Dont worry maybe nakalimutan ko lang maging girl scout kahapon.Hindi lang ako nakapaghanda eh. Pero okay na ko ngayon". Mahabang sabi ko dito.
Ngumiti ito sakin "That's my girl". Mahinang sabi nito.Rinig na rinig ko yon pero hindi ko nalang pinansin.Ayokong magdagdag ng panibagong isipin dahil hindi pa ako tapos sa pag iisip kung pano iiwas sa gago kong ex.
Hindi sa bitter ako huh? Ayoko lang makagulo sa relasyon ng my relasyon.Kahit sino naman sigurong girlfriend magseselos kapag nalaman nya na ang boyfriend nya ay katrabaho ang ex fiancee nito.
"Duh Camille pano naman nya malalaman na ex fiance ka nya? eh bilang na bilang sa mga daliri mo sa kamay ang nakakaalam na may relasyon kayong dalawa".Kontra ng maldita kong utak. Kahit kelan talaga kontabida to. tsk
"Hi! is the boss inside?" Nagpapacute na tanong ni Adrian sa Secretary ni Sean.
"He's inside the office po pero may tinatapos lang po na meeting. Pinapasabi nya po na antayin nyo nalang po silang matapos.Have a seat po muna". Mahinhing sabi nito .
Prente namang umupo si Adrian sa couch malapit sa desk ni Ms.Secretary .If Im not mistaken she's Alliya Cruz ,former secretary ni Lucas Montevardo.Pero ang alam ko ilang linggo palang itong nagtatrabaho kay Lucas at ito sya ngayon secretary na ni Sean. Mukhang don lang sya nagtrain bago isabak sa tunay na trabaho.
"What's your name again?"Adrian asked her with a wide smile. Tsk Playboy mukhang may bago na namang bibiktimahin.
Tumingin ang dalaga dito at nahihiyang nagsalita. "Aliya po sir". Pagkasabi nito ay itinuon muli nito ang paningin sa computer na nasa harapan nito.
"Didn't you know that staring is rude?".I was sitting beside him .No ! actually hindi naman kami totally magkalapit mahaba naman itong couch teka bat ba ang depensive ko?
"Are you jealous?" He asked me then he bit his lower lip seductively.
"Tsk Asa ka!" inayos ko ang pagkakaupo ko .I crossed my legs to give him more access na makita ang halos kalahati na ng mapuputi at mahahaba kong hita. Hindi naman ako ang sasakit ang puson kaya bahala syang maglaway.
"Ali right? Didn't you know that you're pretty?" I just looked at her and gave her a small smile.
"Thank you po ma'am" nahihiyang sabi nito at yumuko na naman.
"Sayang yang ganda mo kung palagi kang nakayuko.Baka makakuba ka nyan." Sabi ko dito tumingin lang ito sa akin at nahihiyang yumuko ulit. Tsk mukhang mannerism nya na ang yumuko.
Suddenly a witchy idea came to my mind. I walked towards her table and I held her chin to face me up.
"You know what baby girl minsan lang ako pumuri ng tao" I said while putting some of her hair at the back of her ears.
"Hindi ba sinabi ko na sayang ang ganda mo pagpalagi kang yuyuko?" I looked at her eyes after removing those hair at her face."Next time na makikita ko na nakayuko ka.Im gonna make sure that, that will be your last day here at the company."
She looks scared because of what I've said.
"You understand?"
"Ye-Yes po ma'am".
"Good girl" once again I held her chin and gave her a smile.
"Woaw that's really scary." Adrian said while rubbing his arms acting like he saw a monster.
"And I just want to warn you. Wag kang magpapauto sa matatamis na dila ng mga tao dito. Kung ayaw mong umuwing luhaan habang lobo ang tyan."
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.
"Don't listen to her.Pinaglihi kasi yan sa ampalaya." Fred came out from the office of the CEO.
"Im just telling the truth Fred". I rolled my eyes on him.
He laughed at me and shook his head. He narrow his eyes on the person who's sitting pretty behind me.
''Mukhang napapadalas ka dito sa Emerald Engineer ah".He said
"Dati halos hindi ka makita dito"Dagdag pa nitong biro.
Adrian shook his head."Para namang sinabisabi mo na tamad akong pumasok PARE". He said with a Teasing voice.
CHAPTER 7
"Wait akala ko ba busy ka sa renovation?" I asked Fred .
"Well yes, I am." he get a deep breath at biglang akong hinila sa isang corner dito ."Nanggigigil ako dyan sa fiancee yang ex fiance mo ha.Akalain mong tawaging cheap ang designs ko.May god gurl you know me right? pang high class ang standard ng designs ko". Mahinang sabi nito .He also rolled his eyes on the air.
"Hey ang daya ha bat di nyo ko isali dyan sa usapan nyo" Adrian said.
"We're not close" Mataray kong sabi dito.
Maya maya pa ay tumunog ang intercom na nasa lamesa ni Ali.
"Okay po sir "tanging sagit nito sa kabilang linya.
"Ma'am/Sir the CEO is waiting for you at his office po.Pwede na daw po kayong pumasok" magalang at taas noong sabi nito.
"Mauna na ko sa inyo tatawagan ko pa yong supplier para sa gagamitin ko don sa renovation" Pagpapaalam ni Fred.
"Babe hindi ba masyadong OA ang isang to? look oh yong design ng glass window hindi ba delekado to?" Maarteng sabi ni ng lintang nakapulupot sa braso ni Sean.
Nanggigigil na talaga ako kanina pa pinapakulo ng babaeng to ang dugo ko.
"Tsk bitter ka kasi" Ani ng kontrabida kong utak.
Hindi ko na talaga kaya sasagutin ko na talaga sya.
"Excuse me?" malakas na sabi ko. I felt Adrian is simple smirking at my side he knows na konting konti nalang bubuga na ako ng apoy.
"Oh im sorry Ms.Architech. I don't wnt to offend you but I think this ---"
I interrupt what her going to say.Tumayo ako mula sa pagkakaupo at at tiningnan ko ang babaeng linta
"Haha" Tumawa ako ng peke. "Really? you don't want to offend me?". Sinulyapan ko ng tingin si Sean at ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa lamesa habang nakaharap sa kanya.
"As far as I know, your fiance has no say about this meeting.Im sorry miss, but we don't need your opinion here". Mataray na sabi ko.
I saw in my peripheral vision kung gano lumawak ang ngisi ni Engineer.
"She didn't mean nothing" Seryosong sabi ni Adrian na tila kinakampihan pa ang linta.
"Tsk anong gusto mo Camille huh? ikaw ang kampihan?" ano kontrabida kong utak.
"Really?? "I laughed sarcasticly."Halos isang taon kong pinaghirapan ang mga designs ko na to. And what? sasabihin nya na ang OA, hindi angkop sa generation , Hindi maganda? at kung ano ano pa. " I get a deep breath at tumingala pa ako ng konting. Naiiyak na ko sa sobrang gigil ko sa kanila.Pero hindi ko ipapakita sa kanila na umiiyak ako. What happened yesterday ,yon na ang huli. Halos lahat na ng itinatago kong pang malakasang design ibinigay ko sa kanila tapos sasabhin nila pangit? Tsk mas pangit sila.
I knew that I was probably impulsive and foolish to do something of this sort but I couldn't control my myself at all. I had to speak of my self.
Hindi ko na sila hinintay pa na makapagsalita.Niligpit ko ang mga gamit ko. Kinuha ko rin ng pabalagbag ang hawak ni Sean na folder kung san nakalagay ang ibang designs na pinakita ko para sa gagawing arina sa cebu at Hotel and casino sa Davao.
"Tutal ayaw nyo sa designs ko maghanap kayo ng architect nyo. I quit." Pagkasabi non ay kinuha ko lahat ng gamit ko .I was about to open the door ng bigla kong maalala yong folder na binigay sakin ni Hanz kanina.Kinuha ko ito at pabagsak na inilagay sa harap nila ang contract na pinapapirmahan sakin ni Sean para maging ganap na arkitekto ng magiging bahay nila ng sawang nakapulupot sa kanya.
''Bitter yarn? kanina linta ang tawag mo ngayon sawa na? " Ani ng pakialamera kong brain.
Mabuti nalang talaga hindi ko pinirmahan. At saka asa naman sya na pipirmahan ko yon. Tsk neknek nya .
"Here".Sean looked at me with curiosity.
"What is this?" tanong nito.
"that was the contract. I won't sign that tutal hindi nyo naman gusto ang designs ko right? sayang naman ang pera nyo kung magbabayad kayo ng milyones sa isang arkitektong kagaya ko".Hindi ko na naisip kung anong katungkulan ni Sean dito sa kumpanya. Basta ang alam ko galit ako Oo alam ko napaka immature ng ginawa ko. Takte naman kasi magkakaregla na ba ako? bat di ko mapigilan ang emotion ko.
"Can we talk privately?" A serious and baritone voice echo the 4 corners of the office.
"Maybe next time sir, I know her baka rereglahin na kaya ganya.Pasensya na po." Ani Adrian at tumayo na sa pagkakaupo.
"unprofessional! "rinig kong sabi ng linta.
I was about to depend my self but Adrian did it first .
"She's not madame. Im sorry for the both you sir ,madame but what she did isn't unprofessional ,maybe a immatured one . Pero hindi ba mas unprofessional kung makikisabat ang fiance mo sa usapang negosyo kung hindi naman sya kasali dito? Camille's designs is one of the best, pinag-aagawan ng mga bilyonaryong negosyante ang bawat disenyong iginuguhit nya. Hindi sya ang tipo ng arkitekto na pupunta sa isang kleyente para makipagdeal sa mga ito. Sya ang pinupuntahan ng mga kleyente."Mahabang sabi nito .
"Kahit ako ang nasa kalagayan nya. Magagalit din ako kung mamaliitin ninyo ng harap harapan ang mga multi millions design ko. Again Im sorry sir kung nabastosan kayo.We have to go".By that tuluyan ng binuksan ni Adrian ang pinto he gesture his hand to exit first.
"I don't want to ask you if your okay. You're the bravest woman Ive ever known." Adrian said
"Want some coffee?" Nilingon ko ito na ngayon ay prenteng nakatayo habang nakasuksuk ang kanang kamay nya sa bulsa at ang isang kamay ay nakalalay sa shoulder bag nito na naglalaman ng laptop at blueprints.
Gwapo ang isang to plus matalino pa kaya pala nagkakandarapa din ang mga empleyadong babae dito sa twing dadaan ito. Ngayon ko lang sya napagmasdan ng malapitan. Well mukha naman syang mabait. Mukhang mahina lang talaga sya sa tukso.
"You said earlier that staring is rude tapos kung makatitig ka sa gwapo kong mukha parang gusto mo na akong halikan." He said like he was teasing me.
Umiwas ako ng tingin dito . Langya ramdam na ramdam ko na umakyat ata lahat ng dugo ko sa mukha.
"Ewan ko sayo ,Yabang! Nagbago na ang isip ko hindi na kita ililibre ng kape." Pagkasabi ko non ay saktong pagbukas ng lift.Mabilis ang mga hakbang kong iniwan ko si Engineer Reyes na tatawa tawa pa.
"Uy teka lang .Touch move nasabi mo na eh ,tara na libre mo ko ng Iced coffee nuts minsan first time kong makakatikim ng libre mo no"
"Touch move ka dyan ? walang touch move touch move no? ano ka bata?" Natatawang sabi ko dito. Yon ang madalas na reklamo ko sa mga kalaro ko dati nong bata pa ako.
Hinawakan ni Adrian ang tuktuk ng ulo ko at marahang ginulo ang mga buhok ko na parang aso.Tumawa pa ito nang pagkalakas lakas na umagaw sa atensyon ng mga empleyadong nandito sa lobby.
"Remember when we were a kids you always tell us "Hoy touch move wag ka ngang madaya!" Grabe yung itsura mo dati haha para kang natatae na ewan kapag nagagalit ka ". Tumawa pa ito ng mas malakas at saka muling ginulo ang buhok ko ng marahan.
"Wow at nagsalita ang sipunin "Granting asar ko dito nagtawanan lang kami habang naglalakad palabas ng lobby.
Muli ay ginulo nito ang buhok ko.
"Hey stop doing that kanina pa ako mukhang bruha sa ginagawa mo huh!" suway ko dito.
"Its ok sanay naman silang bruha ang tingin sayo" Bulong nito sa akin na ikinapula ko. Talaga bang ganun na ako kasama sa paningin nilang lahat?
"Bahala ka nga dyan" binilisan ko na rin ang paglalakad ko. "I'll use the toilet first antayin mo nalang ako sa parking lot".I said to him
Papalabas na sana ako ng cubicle na pinasukan ko ng marinig ko ang 3 empleyadong babae na nag uusap.
"Nakita mo ba kanina yong ngiti at tawa ni Architect Delos Reyes? Ang genuine ng tawa nya no? Katulad nong dati." ani isang babae.
"She looks pretty good. Bagay na bagay sila ni Engr."
"Eh ang taray taray nga non eh. Biruin mo kanina sinigawan tayo ang aga aga. Hindi naman tayo mga bingi." Tinig ng isang babae na kung di ako nagkakamali sya si Keyla intern sa Emerald.
"She's not like that before. Mabait at pala ngiti yang si Architect.The way she speak parang lahat napapatulala ang hinhin at ang lambing ng boses nya. .Isa sya sa dahilan kung bakit minahal ko ang trabahong to. She's my Idol , ang galing nya sa lahat ng bagay." That was Kris halos kasabayan ko sya dito sa Emerald.
"Nagbago lang sya dahil niloko sya at nasaktan ng sobra. She was like that because of the pain she gone through." That was Lyka one of my closest friend before."At first nasaktan ako sa biglang pagbabago nya pero inintindi ko nalang sya kasi kung yon ang magiging paraan nya para maka move on. I'll support her no matter what." dagdag pa nito
I feel sorry for them."Im sorry guys pati kayo nahihirapan dahil sakin. Dapat ako lang yong nasasaktan pero pati kayo nadamay ko pala. "Ani ko sa sarili ko.
Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. I remain quiet inside the cubicle as I listening to them.
"Ganun po ba ang nangyari sa kanya? So totoo po ang tsismis na may run away groom si ma'am?" Tanong ng intern.
Hindi ko narinig na sumagot ang dalawa malamang tumango lang ang mga bilang pagtugon sa tanong ng batang arkitekto.
"That was really painful. Sana sana talaga mainlove na ulit sya para bumalik na sya sa dati ng maexperience ko naman ang kabaitan nya" Nagtawanan naman ang mga kasamahan nito . Maging ako ay napangiti din dahil sa tono ng boses nito na parang excited na bata.
"Ikaw talaga tara na nga at baka mapagalitan pa tayo may pinapatapos pa satin yon" sabi ni Lyka .
Nakiramdam ako kung nasa loob pa ba sila ng Cr at nang maramdaman ko na wala na sila nagpasya ako na lumabas na sa cubicle.
Chapter 8
Adrian's POV
Halos 10 mins na ako dito sa parking lot pero wala pa ring Camille na sumisipot. Teka baka in-indian ako ng babaeng yon ah.
Nagtanong ako sa guard kung nakita nya na lumabas si Camille. Sinabi nito na hindi pa. Natanong din ako sa front desk kung napansin nya si Camille. Tinuro ako nito papunta sa Cr.
Tsk kanina pa sya sa Cr ano bang ginagawa nya don . Don't tell me gumagawa sya ng melagro? bat di nalang sya magsabi sakin im willing to help her naman. hehehe ano ba yan ang bastos ng utak ko. Kaya lagi akong nasasabihan ng pervert ni Ms.Architech eh.
I was about to call her ng biglang may umagaw ng atensyon ko. I am near at the door of ladies comfort room.
Rinig na rinig ko mula dito ang usapan nila.
"Nakita mo ba kanina yong ngiti at tawa ni Architect Delos Reyes? Ang genuine ng tawa nya no? Katulad nong dati." ani isang babae.
"She looks pretty good. Bagay na bagay sila ni Engr." kinikilig pa na sabi ng isa.
Hehe ako din parang kinikilig na. I know mali ang makinig sa usapan nila pero wala eh. ika nga ni Camille noon "touch move"
"Eh ang taray taray nga non eh. Biruin mo kanina sinigawan tayo ang aga aga. Hindi naman tayo mga bingi." Tinig ng isang babae .
Teka mukhang may ideya na ako kung taga saang department ang mga ito.
"She's not like that before. Mabait at pala ngiti yang si Architect.The way she speak parang lahat napapatulala, ang hinhin at ang lambing ng boses nya.Isa sya sa dahilan kung bakit minahal ko ang trabahong to. She's my Idol,ang galing nya sa lahat ng bagay."
Tama nga ang hinala ko sa architecture department nanggaling ang mga eto.
Teka kung nandito sa cr si Camille malamang naririnig nya lahat ng usapan ng mga ito.
"Nagbago lang sya dahil niloko sya at nasaktan ng sobra. She's like that because of the pain she gone through." Ramdam ko sa tinig ng babae ang lungkot ."At first nasaktan ako sa biglang pagbabago nya pero inintindi ko nalang sya kasi kung yon ang magiging paraan nya para maka move on. I'll support her no matter what."
Maybe she's one of Camille's old friend.
Napabuntong hininga nalang ako sa isiping rinig na rinig ni Camille lahat ng pinag uusapan ng 3 babae . Malamang sa malamang umiiyak na yon. Ganyan naman sya palagi ko syang nahuhuling umiiyak mag-isa . Pinapakita nya sa lahat na matapang sya pero deep inside she's still soft.
"Ganun po ba ang nangyari sa kanya? So totoo po ang tsismis na may run away groom si ma'am?" Tanong ng medyo batang boses sa kanila.
Naku naku yan ang wag na wag nyong pag uusapan kung ayaw nyong mabugahan ng apoy. Awat ko sa kanila sa isip ko. Gustohin ko mang pigilan sila hindi ko na nagawa .
"That was really painful. Sana sana talaga mainlove na ulit sya para bumalik na sya sa dati ng maexperience ko naman ang kabaitan nya" Nagtawanan naman ang mga kasamahan nito
Hindi ko naiwasan na mapangiti sa inasal nito.
"Don't worry girls I'll bring back to you the old Camille".Mahinang usal ko.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ang tatlo at gulat na gulat na nakatingin sa akin.
" Si----sir kanina pa po kayo dyan?" sabay sabay na sabi ng mga ito.
"No i just came up" Nakangiting sabi ko. "why? is there anything wrong?" I asked them as if I don't hear anything about what they were talking about earlier.
"Nothing sir" Lyka said.
I know her .I used to see her before with Camille chatting and laughing around at the cafeteria.
I just nodded to them.
After a few minutes nakarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa gripo ng cr. It was Camille tama ang hinala ko nasa isa sya sa mga cubicle kanina.
Hinintay ko syang matapos at laking gulat nya ng makita nya akong nag aabang sa hallway malapit sa cr.
"I thought na flash kana sa cr kaya sinundan kita dito" biro ko sa kanya.
"Yon lang ba ang concern mo? O baka iniisip mo na tatakasan kita?"Camille said "I know how it feels right?" dugtong pa nito.Napahinto ako dahil sa tinuran nito.
"Ano ayaw mo ba ng coffee?" nilingon ako nito at at tinaasan pa ng kilay."Ang tagal mong maglakad huh!"
Tsk maldita talaga.
"Hoy miss ,ako na nga itong pinag-antay mo ng matagal tapos ikaw pa tong may ganang magtaray?"
Nginisian lang ako nito.Bipolar ang isang to promise.
No one wants to utter any words kaya sobrang tahimik ng byahe namin papunta sa coffee shop na tinuro nito. Busy sya sa pagtingin sa dinaraanan namin pero mukhang wala don ang isip nya. Feeling ko iniisip pa rin nya ang mga narinig sa cr.
Hindi ko kayang hindi magsalita feeling ko mapapanis ang laway ko.Kaya sa halip na antayin kong mapanis ang laway ko naisipan kong kulitin ang masungit na babaeng nasa tabi ko.
"Ano ba kasing ginawa mo sa cr huh? bat ang tagal mo?" I asked her while putting some chewing gum into my mouth pang pa fresh ng breath kanina pa nakasarado eh baka nakuom na hehehe.
"Nagwiwi sagot naman nito" she turn her head on me "Hey! why are chewing that?" inis na tanong nito.Bakit ba bigla bigla nalang nagbabago ang mood nito?
"Huh? ah eh kanina pa kasi tayo walang imik so baka bumaho na yong bibig ko nakakahiya naman kung yayain mo kong makipaghalikan sayo tapos badbreath ako". I tease her
"tsk asa ka, at saka magcocoffee ka kaya hindi mo na malalasahan yong kape the best pa naman yong coffee don ". she poutted her lips
"Darn it wag ka ngang panguso nguso dyan baka di ako makapagtimpi."ani utak ko.
"Your coffee was the best one.Favorite ko yong coffee na ginagawa mo don sa coffee shop na pinagtatrabahuhan mo before. Remember? "
''ah mas better yong coffee sa pupuntahan natin ngayon. Kaya nakakainis ka bat ka ngumuya nyan." Again she's poutted her lips
Bigla kong hininto ang sasakyan.
"What the f**k Aid?"she yelled out loud halos masubsub kasi kaming parehas sa biglaang paghintu ko.
"stop doing that Camille kung ayaw mong maaksidente tayo."
"What? I did nothing" Camille said with frustration.
I let out a deep sigh "stop pouting your lips." hindi ako makapagmaneho ng maayos.Please don't do again baka hindi ko macontrol ang sarili ko"
"okay" Camille said
I start the engine again. I looked at her first before driving the car,but I saw her bitting her lower lips.
Shit! Is she teasing me? Pag ako di nakapag timpi hahalikan ko na talaga to.
"Camille, stop doing that" may diin kong sabi dito.
"I'm not pouting" mataray na sabi nito.
"Yes your not pouting but your bitting your lips.Are you trying to seduce me?" I asked her with irritation.
Naiinis na ko hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Tang-ina ngayon lang ako nagkakaganito.
"Of course not"Camille answered irritated