Chapter 9
Camille's POV
"Im sorry " Adrian said while driving his car.Nakikita ko sa peripheral vision ko ang panaka naka yang pagsulyap sakin.
"Im sorry okay?" huminga muna sya ng malalim bago nagsalitang muli."I was just scared ..... "Tumingin ako dito but i remain silent pinakinggan ko lang ang sasabihin nya.
"Im scared of my self ...natatakot ako na baka di ko macontrol ang sarili ko because I was so tempted to kiss you" muli ako nitong sinulyapan kita ko ang lungkot sa mga mata nito.
"Focus on driving gusto ko pang mabuhay ng matagal" I was trying to change the aura.
"Im really sorry Camille"
"I understand ,you pervert" biro ko dito ."but dont you dare kiss me kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso"
He laughed "I never thought that your also a joker"
"Its not a joke pervert ,Its a threat"
I smirk at him.
Medyo gumaan yong pakiramdam ko nong malaman ko na nagcocontrol pala tong mayakis na to sa akin. I like his honestly.Maybe konti nalang I will consider him na as my friend parang okay naman sya. Tutal childhood friends naman kami so what if diba kung maging magkaibigan ulit kami. Lets see.
"Wala ba ditong coffee nuts? " Nakahalumbaba na sabi nito habang walang gana na hinahalo ang iced vanilla latte na inorder ko for him. Parang nalugi ang loko.
"Ang hilig mo talaga sa nuts" I want to be friends with him na haha ang cute nya kasi.
"Hey are you bipolar? " he asked
"huh?"
"one time your angry, then you'll become lonely,then after a moment your laughing na naman. O baka naman may sira ka na sa ulo?" dalawang kamay na ang gamit nito sa paghalumbaba habang tila nag iisip at nakapout pa yong lips. s**t para syang si Song Kang yong boyfriend kong Korean actor. hehe chariss.
Bumalik ako sa huwisyo ng marealize ko kung anong sinabi nya tinawag nya akong bipolar at sira ulo.
I rolled my eyes on him.
"but you know what, having a conversation with you like this is like a blessing. Biruin mo ilan lang kaya kaming nginingitian mo ng ganyan." pagkasabi non ay sumipsip ito sa kapeng kanina nya pa pinaglalaruan.
"ummmmmmmhhh it tastes really good grabe yong aroma ng vanilla nakakawala ng stress" manghang sabi nito at sumipsip pa ulit sa kape.
Pinilit kong itago ang ngiti ko pero hindi pa rin nakaligtas sa mga mata ni Engr.
"You look prettier when you smile"
I smiled at him shyly.
Parang may dumang anghel at bigla kaming natahimik na dalawa.
"Why did you know this place?" basag nya sa katahimikan.
"Ma'am iseserve na po ba namin yong food? " tanong ng isa sa mga barista.
"Yes Kath please"
"Here's your order ma'am. Baked citrus crust chicken with pesto pranw salad and for you sir here's your Bacon teriyaki rice and buffalo wings." Masiglang sabi ni Kua jeff isa sa mga barista ko dito sa coffee shop na tinayo naming apat nila Cindy ,Ana and Fred. "Kahve dükkani"
Agad namang sinunggaban ni Adrian ang pagkain.
"umhhhh mas-i jodha" sabi pa nito na parang sarap na sarap sa kinakain.Natawa pa ako sa pagkokorean nito.
"back to my question why did you know this place?,I mean your from the south tapos nakakarating ka dito sa north? Hindi ko akalaing gala ka pala" sabi nito habang patuloy na kumakain.
Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong nya ay nagsalita na ulit sya.
"Infairness sa food masarap ha." At sinipsip pa nito ang daliri dahil sa naiwang sauce ng buffalo wings.
"Well a good barista knows where the best coffee" Mayabang na sabi ko.
"Wow ang hangin . Lord pakibalik na po yong humble na Camille please ,hambog po kasi tong nasa harap ko eh." Sabi nito na nakatingala pa. Ang ilang mga customer ay lumingon na rin sa gawi namin.
"Tumigil ka na nga kainin mo na yan ,saka remind ko lang sayo ha yong kape lang ang libre ko yong food ikaw ang magbabayad." Natatawang sabi ko dito.
"Tsk. Tuso" Pabulong na sabi nito na nakasimangot.
Papaalis na kami sa "Kahve dükkani" ng kausapin ako ng isa sa mga crew.
"Excuse me ma'am, inform ko lang po kayo na may reservation po tayo next week. eto po yong menu na pinili nila ma'am" magalang na sabi ni Kath.
"Okay ako na mamimili ng mga kakailanganin sa divisoria. Baka hindi ako makapunta dito bukas so sa bahay nalang ako magbabaked send mo nalang sakin yong inventory ha,para alam ko kung anong mga ibabaked ko." nakangiting sabi ko dito.
"Sir ingatan mo yang si ma'am ha." rinig kong bulong ni kua Jeff kay Adrian.
"Psst go back to your work" sita ko sa mga ito.
"Lodi san tayo?" tanong ni Adrian habang papalabas kami ng parking lot ng coffee.
"Lodi?"
"For now on idol na kita , grabe ka rin eh no wala kang kapaguran. Your an architect a successful one indeed tapos may coffee shop ka pa ,hindi lang yon your the one who bake those cakes at ito pa ang ikinahanga ko ikaw pa ang namamalengke ng mga ingredients na ggamitin sa shop nyo.? Iba ka lodi iba ka"
he shook his head na parang hindi makapaniwala.
"Baka tumatanggap ka rin ng labada. marami sa bahay" Natatawang sabi nito.
"Gago!" Parehas kaming tumawa
"Hello?" Adrian answered his phone
"what? teka paanong nangyari? Ok oK I'll be there in 20 mins." Pagkababa ng phone nito ay kitang kita ko ang frustration sa mukha nito.
"What happened? "
"Nagkaron ng aberya sa Site sa ginagawang extension ng Makati Med.... 4 na construction workers ang nahulog sa extension kasama na ang isang forman. kritikal ang ilan sa kanila "
"Oh God" Nanginginig ang buong katawan ko. Knowing that my brother kyle was one of the forman of that project. Hindi ko na napigilan pa ang umiyak.
"Hush now '' pag aalo nito sakin habang hinihagod ang likod ko gamit ang kanang kamay nya.
"Im going with you"
"Okay but please stop crying"
"Im sorry I can't.What if isa yong kapatid ko sa naaksidente?" I cant stop my tears.
Wala pang 20 mins narating na namin ang hospital kung san tinakbo ang mga naaksidente .Salamat at walang traffic sa edsa kanina.
"Where are they?"Hinihingal na tanong ni Adrian sa nakasalubong na construction worker mukhang nasugatan rin ang isang to.
"Yong dalawa po naitakbo na sa operating room sir. Yong iba naman po nasa emergency room pa rin." Malungkot na sabi ni kuya kay Adrian.
"Sige pupuntahan ko sila."Adrian said pero bago pa man kami makahakbang hinawakan ako ni kuya construction worker I don't know him but the way he looked at me parang nanghihina ang tuhod ko parang nanlalambot ako. No not my brother please. Alam ng lahat na kapatid ako ng isa sa mga forman ng Emerald kaya iba ang kaba ko lalo na ng makita kong tumulo ang luha ng lalaki sa harapan ko.
"wha---whats..Ano pong problema kuya? " Nanginginig na tanong ko dito.
Adrian removed kuyas hands on me.
"Ma'am" Tanging sagot ni kuya at bigla na itong umiyak at tuluyang napaluhod sa harap ko.
Lalo akong natakot napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Adrian. Pinipilit kong isiksik sa isip ko na hindi kasama ang kapatid ko sa naaksidente.
"Kuya Roman ano po bang nangyari?" Adrian asked the guy.
"Ma'am patay na po si...."Kuya Roman keep sobbing kaya putol putol din ang pagsasalita nito.
"Kuya sino?" I asked him crying
but he remain sobbing.
"Sino?" I yelled at him. Naagaw ng pagsigaw ko ang atensyon ng lahat.
"Yong kapatid .... "putol nito sa sinasabi . Iyak ito ng iyak
"Kuya sinong kapatid? May kapatid din ako don kuya.You know him right? " Lumuhod din ako sa harapan nito para magpantay kami.
"Camille relax hindi pa natin kilala kung sino sinong kasama sa aksidente" Adrian try to calm me .
"Kuya please sinong namatay? "Nagmamakaawang tanong ko dito.
Hindi ko alam kung makakaya kong tanggapin kung sakali mang kapatid ko ang namatay. He's been there for me nong nagsisimula palang ako . He sacrifice his studies para makatapos ako tinulungan nya ko sa mga gastusin ko sa pag aaral para maging ganap na arkitekto kaya hindi ko matatanggap kung may mangyaring masama sa kanya.
"Ma'am patay na po sya", Lalo pang lumakas ang iyak nito. Nanginginig ang buong katawan ko. Tumingala ako kay Adrian na nagmamakaawang bawiin ng lalaki ang sinabi nya.
"Kuya Roman baka nagkakamali lang kayo,hindi magandang biro to" Ani Adrian sa matandang lalaki.
"Sir , Ma'am......"Nanginginig na sabi ni kuya.Itinayo naman ako ni Adrian at iniupo sa isa upuan dito sa lobby.
"Water please" Sigaw ni Adrian ng makitang namumutla na ako patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko.
"Drink this" he command me. I narrow my eyes on him and I shook my head .
"Hindi totoo yon diba?" I asked him nagmamakaawa ako na sabihin nya na hindi yon totoo.
"Drink this please"inalalayan nya pa ako sa pag inom ng tubig.
"I want to see him" nanginginig na sabi ko.
He let out a deep breath .Tumayo sya mula sa pagkakaupo at huminga ulit ng malalim inilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang bewang at tumingala. He looks so frustrated. Tumingin ito sa akin at lumuhod sa harap ko.
"We didn't know yet kung sino ba talaga ang patay ok? Relax ka lang kakausapin ko lang si kuya Roman"
Hinawakan ako nito sa ulo at hinalikan ng bahagya sa noo.
Lalo akong naiyak sa ginawa nya."Dito ka lang please" Pakiusap ko dito.
"Okay okay tatawagin ko lang si mang Roman". ... "hush now"
"Kuya Roman umupo po muna kayo. Hinga po ng malalim .Inhale ... Exhale ..ulit po ah Inhale ... Exhale.. ngayon naman po inumin nyo tong tubig. " utos ni Adrian kay kuya Roman.
"Ok na po ba ang paghinga nyo.?" tanong nito
Tumango ang matanda bilang pag sagot kay Adrian.
"Now tatanungin ko po kayo . Sino po ang namatay?" Malunay na tanong nito habang nakaluhod sa harap ng matanda.
Tumingin sa akin si kuya Roman na parang humihingi ng patawad.
Hinawakan naman ni Adrian ang kamay ko to keep me calm magkalapit lang kasi kami ng inuupuan ni kuya Roman.
"Sorry po ma'am" muling umiyak si kuya.
No words want to utter from my mouth . I keep sobbing because of the pain I felt right now.
"patay na po si ......"
Naputol ang sasabhin nito ng biglang may sumigaw.
It was my brother kyle.
"Ate!!! " Sigaw nito habang naka upo sa wheelchair papalapit sa amin.
Agad akong tumakbo papalit sa kapatid ko at niyakap ko ito ng mahigpit.
"huhu I thought you were dead huhu" I hugged him tightly
"Ate hindi ako makahinga baka matuluyan talaga akong mamatay" biro nito sa akin.
Hinampas ko to sa braso. "Gago ka bakit di ka nag-iingat ha? Sira ulo ka pinag -alala mo ko ng sobra." Umiiyak na sabi ko dito habang patuloy tong hinahampas.
"Ouch tama na ate masakit pa yong katawan ko" reklamo nito.Nakita kong tumingin ito sa gawing likuran ko.
"Boss Roman ",tawag nito sa matandang kausap ni Adrian.
"Nakikiramay po ako sa inyo",Sabi ng kapatid ko nang tuluyan ng nakalapit sa matanda.Hinawakan pa nito ang kamay ni kuya Roman bilang pakikiramay.
"Pasensya na po ma'am kung natakot ko kayo kanina,nawala po sa isip ko na kapatid kayo ni kyle." suminghot muna ito bago nagsalita ulit."ang kapatid ko pong si Rex ang namatay ma'am".Umiyak uli ang matanda sobra ang hinagpis nito sa pagkawala ng kapatid.
"Tulungan nyo po kami ma'am 3 po ang anak ni Rex wala na po syang asawa .Naaawa po ako para sa mga anak ng kapatid ko hindi ko po sila kayang pag aralin. Bago po malagutan ng hininga si Rex pangalan nyo po ang binanggit nya matutulungan nyo daw po ang mga anak nya." mahabang sabi nito.
"Tutulungan namin kayo kuya wag kang mag alala okay.may mga natamo ka ring sugat kailangan mong magpahinga " Ani Adrian at inalalayan ang matanda.
CHAPTER 10
Sean's POV
"Sinong Engr. ang nakatoka dito?" Tanong ko sa mga trabahanting naiwan sa site
"Si Engr.Reyes po sir",sagot ng isa mga ito.
"Then where the f****d is Engr. Reyes?" Galit na bulyaw ko.
2 days palang ako sa kumpanyang binili namin ng kapatid ko pero eto at may problema agad. Ilan sa mga construction workers dito sa site ang nalaglag mula sa 4th floor ng ginagawang extension ng isang kilalang ospital dito sa Makati.
Kakatapos ko lang bisitahin ang mga taong nasangkot sa aksidente and worst may isa pa sa kanila ang namatay kaya eto ako parang umuusok na tambutso.
"Ano? walang makakapagsabi kong nasan ang Engr. nyo?" Hiyaw kong muli.I let out a harsh sigh habang nakatingala at nakahawak ang dalawang kamay sa tigkabilang bewang.
"Sir",sabi ng isang trabahador.
"What?"
"Andyan na po si Engr."
I turn my head back at nakita ko ang sinasabi nilang Engr. kasama ang babaeng kahapon pa gumugulo sa utak ko.I saw her pushing some of the workers wheelchair. Mukhang katatapos lang nitong umiyak.Parang may milyong milyong karayum ang tumutusok sa puso ko,I don't know what going on with me. Gusto ko syang lapitan at tanungin kung ok lang ba sya?,pero sa twing ginagawa ko yon kakaibang takot ang nararamdaman ko sa twing titignan nya ko sa mata.
May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Bakit parang suklam na suklam sya sakin? Matagal na ba kaming magkakilala?Sumakit bigla ang ulo ko sa isiping yon.
FLASHBACK
"thanks god your awake",naiiyak na sabi ng isang babae na nasa tabi ko.I think she's around 50-60yrs old "Brando tawagin mo ang doctor bilis",utos nito sa unipormadong lalaki na wari ko ay isang driver.
"Nasan ako? Sino po kayo? what happened to me?" sunod sunod na tanong ko dito.
Bumukas ang pinto at inuluwa non ang isang doctor.
"How was your feeling bro?" the guy wearing a doctor's coat asked me.
"I ----I don't remember anything",mahinang sabi ko dito.
"Iho anong nangyayari sa kanya? what should we do?"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ng ginang sa tabi ko.
"Sino po ba kayo? ano pong nangyari ?bakit ako nandito?" Naguguluhang tanong ko.
"You were involved in a car accident, napalakas ang paghampas ng ulo mo kaya nawalan ka ng malay for almost a week", Seryosong sabi nito habang chinecheck ang vital signs ko."Buti na nga lang matigas ang bungo mo bro."he said and gave me a smirk.
Sino ba ang lalaking ito. Bakit parang kilalang kilala nya ako?
"Cleint you need to be serious iho, this is not a joke.Walang maalala na kahit ano ang pinsan mo."May diin na sabi ng Ginang sa tabi ko.
"Don't worry ma, he's safe now. I think nagkaron lang sya ng Retrograde Amnesia.Its common for car crash victims nawawala ang memories nila before an accident occured."Sabi nito sa Ginang na tinawag nitong ma.
"pero mag a-under go pa sya ng ibang test para madouble check namin kung ano bang problema nya?" Tumingin itong muli sa akin.
He smirk at me wider that earlier.
"Aren't you happy mom? wala ng blacksheep sa mga Motevardo, Im sure kasama sa mga nakalimutan nya ang listahan ng mga babae nya."
"Babaero ako?" gulat na tanong ko.
"oh? want some prof?"he asked with sarcasm.
"Enough Cleint "suway sa kanya ng ina
"get well soon bro, bibilisan ko ang paggamot sayo namimiss na kitang kainuman eh", Tinapik pa nito ang braso ko bago lumingon sa ina."I have to go mom, magpahinga na rin kayo.Nothing to worry about this asshole is safe." he kissed his mom before going outside the room.
"Don't mind him iho, he is Cleint pinsan mo sya and Im your tita Kathalia im your father's youngest sister." nakahawak ito sa kamay ko habang nakangiti
"where's my family?,I mean my dad and my mom?"
"your dad is in his office kakaalis lang nya an hour bago ka magising ,may kinailangan lang asikasuhin ang tatay mo and about your mom? She's gone since day 1 of your life."Hinigpitan nito ang paghawak sa akin.
Inisa isa ni tita Kathalia lahat simula pagkabata ko hanggang sa araw bago ako maaksidente. Tinulungan nya akong maalala ang lahat ng nawalang alaala sa akin kasama ng fiance ko na si Loisa. Ang kapatid ko namang si kuya Lucas ay ipinaalala sakin ang mga trabahong naiwan ko ganun din ang ama ko na hindi ako sinukuan sa pag tuturo sakin ng kung ano anong strategy sa pagpapatakbo ng negosyo. After 1 year unti unti kong naalala ang mga nakaraan ko maliban nalang sa a
ilang taong mga ala-ala bago ako maaksidente. Kasama sa mga taong hindi ko maaalala ay ang taong nakilala ko ang fiance ko.Sabi nila that was 6yrs ago but until now.Hindi ko matandaan.
End of flashback
Napabalik ako sa kasalukuyan ng tawagin ako ni Adrian.
"Sir"
"Where have you been Engr. Reyes? hindi ba dapat ay nandito ka sa site ng mga oras na mangyari ang aksidente?" there's an authority's in my voice.
"Im with him", Camille said without any expression in her eyes.
"huh!" I let go a sarcastic sigh.
"you guys are dating in the working hours? really? sinasahuran kayo ng kumpanya para lang maglandian?" I can't control my emotion . I feel jealous s**t ano bang nangyayari sa akin. I have a fiance for god sake, what the heck is going on with me?
Nakita ko ang lalong pagtalim ng tingin sakin ni Camille.So ano? sya pa ang galit ngayon?
"What's with that look huh? Architect? Ano, nabitin ka sa date nyo?" I asked with sarcastic tone.
She shook her head like she's trying to control her self,but I feel that she really pissed off.
"Im sorry sir" Inaasahan ko na sisigawan nya ako katulad kanina sa meeting but she remain calm.
"Engr. Reyes, ito po yong pinapakuha nyo." Hinihingal na sabi ng isang trabahador at may iniabot kay Adrian.
"Salamat mang Densio",
"Nalaman po namin na mahihinang klase ng equipment ang ipinadala ng supplier natin sir", nakahawak sa tigkabilang tuhod ang lalaki habang nagsasalita.
"Here drink this",abot ni Camille sa hawak nitong tumble. She allowed that boy to drink her water using her tumbler? wala syang arte.
"Salamat po ma'am pero nakakahiya naman po, sainyo po yan eh" Nahihiya nitong sabi.
"It's okay, para namang hindi mo ako kilala kuya"
Nahihiyang inabot ito ng lalaki at ininom."salamat ulit maam".
"Sinong tangang naka- assign sa pag checheck ng equipments? Hindi ba yon dapat ang pinakaunang ginagawa? ang icheck ng mabuti ang mga materials and equipments bago ibigay sa mga trabahador?",Gigil na sabi ko.
"Kyle your the one who assigned to check those those materials and equipments right?" Tanong ni Adrian sa lalaking nakaupo sa wheelchair na hawak hawak ni Camille.
Hindi na ako nakapagpigil at hinawakan ako ang kuwelyo ng lalaking nakaupo sa harapan ni Camille ,I don't care if nasaktan din sya sa aksidente. Kung hindi dahil sa kabobohan nya hindi sana mangyayari to.Wala sanang mamamatay.
"Tanga ka ba o bobo ka lang talaga huh? -------",naputol ang sasabihin ko ng biglang hilahin ni Camille ang kamay ko na nakakapit sa kuwelyo ng lalaki.
"Don't you dare put your dirty hands on my brother",she growled with anger looking at me. "Hindi pa natin alam ang tunay na nangyari kaya wag kang basta basta nanghuhusga." kung nakakamatay lang ang mga tingin na pinupukol nya sa akin , I'd probably dead now.
Inilayo nito ang kapatid sa akin at tumungo sa bandang likuran ni Adrian.
Here it comes again the pang in my heart, bakit ba ang sakit kapag feeling ko lumalayo sya sakin? Sino ba sya sa buhay ko?
Humarap sa kanila si Adrian, hinawakan nito ang balikat ni Camille at marahang tinapik iyon para kalmahin ang dalaga.Yumuko ito sa kapatid ni Camille at muling nagtanong.
"What happened ?" malunay na tanong nito.
"Nong isang linggo po kasi kuya..."Huminga ito ng malalim bago ulit nagsalita mataman lang akong nakatitig sa kanila. Pero teka tinawag nyang kuya si Engr.? ibig sabihin may relasyon silang dalawa ni Camille? Lalo ang nagagalit sa isiping iyon. Ano bang pakialam ko sa kanila ? pero t***-**a nasasaktan talaga ako sa hindi ko malamang dahilan.
"...papunta po ako sa opisina nyo irereport ko na po talaga sa inyo ang tungkol sa mga equipments dahil nalaman ko na galing po ito sa ibang supplier.Sa unang tingin aakalain talaga na same lang po ng quality ang mga materials and equipments na dumating, halos walang pinagkaiba. Pinatigil ko po non ang pagpapalagay ng mga bakal kung maaalala nyo mang Densio?"bahagya pa itong sumilip sa matandang nag abot ng report kay Adrian. Tumango naman ito bilang pagsang ayon.
"sinabi ko sa kanila na wag munang ituloy ang pagbubuhos at paglagay ng bakal dahil kailangan ko pang kompermahin ito sa opisina. Dumeretso po ako sa Emerald sa mismong Engineering office para kausapin ka kuya kasi alam ko na ikaw ang nakipagdeal sa supplier natin at nabanggit mo noon sakin ang pangalan ng magiging bagong supplier that was TANCo construction supplies.Naalala ko pa po na pinakisuyuan mo akong ibigay sa finance department ang isa sa mga resibo ng nasabing supplier kaya alam ko po ang itsura non.Kaya nagulat po ako ng ibang resibo ang dumating, same name ,same logo pero magkaiba po ang bir no. kaya kinutuban po ako.Ilang taon na po akong nagtatrabaho dito kuya kaya alam ko ang pekeng resibo sa hindi." Mahabang sabi nito tumingin pa ito sa akin.
"So what happened nong pumunta ka sa opisina? bakit natuloy pa rin ang pag gamit sa mga materials and equipment?" I asked.
"Wala po si kuya sir"Sabi nito at yumuko.
"Don't tell me nasa date kayong dalawa non?" Sarcasm came out of my tone.
I saw Camille rolled her eyes on air. Umiwas din ito ng tingin sakin na halatang nagpipigil lang sa inis.
"Hindi po sir.Nasa meeting po si kuya kasama ni Ms.Fajardo nong oras na yon sa Pasig."Depensa nito kay Adrian."Si Engr.Tan po ang naabutan ko sa opisina at dahil na kikita ko naman po na mabait sya at walang bad record sa kumpanya .Sa kanya ko po sinabi ang tungkol dito nangako po sya na agad agad nyang sasabihin kay kuya ang nangyari.At isa pa po isa sya sa mga Engineer na naka assigned dito sa extension.Kinabukasan po non ay araw ng linggo walang pasok ang lahat binilinan ko po si kuya Rex ... "medyo na iyak pa ito ng sabihin ang pangalan ng lalaking namatay."Sinabi ko po sa kanya na wag na wag gagalawin ang mga materials hanggat hindi napapalitan dahil magleleave po ako ng 1 week . Lunes po 6 am palang tumawag na ulit ako kay kuya Rex para ipaalala yung tungkol sa materials nagtext din po sya bandang 8am ng umaga eto po" at inabot nito sa akin ang cellphone
from kua rex :
Totoy ok na daw sabi ni engr.Tan wag na daw tayong mag alala dahil nasabi na raw nya kay Engr. Reyes at napalitan na raw nila kahapon pa ang mga materyales. akin ding tinanong ng palihim si kuya guard. ang sabi ay ok man daw may mga nagpalit daw kasama pa nga daw si engineer Tan.
Totoy yong aking pasalubong ha wag mong kakalimutan hihihi. Ingat kayo dyan ni architect.
Ipinasa ko kay Adrian ang cellphone ni kyle.
"Tsk he didn't report me anything" Adrian gritting his teeth with anger.
Hinugot ko ang cellphone ko at tinawagan ang secretary ko "Call all the families of those who involved with the incident", I commanded the person in the other line.
Tumingi ako sa gawi nila at nahuli kong nakatingin sa akin ng masama si Camille. Ano ba talaga ang problema nya sa akin?
"ta**-**a !!" Malakas na mura ni Adrian at ibinato pa ang hawak nitong report paper. "Natakasan na tayo ng walang hiya".
"What do you mean".
"Wala na raw po sya bahay nila, Nagbyahe kagabi papunta sa US"
Napaawang ang labi ko sa narinig mula dito.
Kinabukasan ay tinipon tipon namin ang mga pamilya ng mga nadamay sa insidente.
"Paano po kami ma'am Camille? Hindi pa rin po nagigising hanggang ngayon ang asawa ko",umiiyak na sabi ng isang babae habang nakayakap kay Camille.
"Wag po kayong mag-alala hindi po namin kayo papabayaan", pag aalo nito sa babae.
"Ma'am makakapagtrabaho pa rin po ba ako sa kumpanya nyo maam kahit putol na ang mga 3 daliri ko?" umiiyak na sabi ng isang lalaki
Nilapitan ito ni Camille at hinawakan ang kamay nito na naputol tiningnan ito ni Camille at masuyo tiningnan ang lalaki.
''oo naman kuya, hanggat kaya at gusto mong magtrabaho sa amin.Pwedeng pwede kang magtrabaho. Pero may request sana ako sayo kuya. gusto kong magpahinga ka muna, magpagaling ka ng tuluyan at wag mong pilitin ang sarili mong magtrabaho agad. Tulungan kita kuya na magtayo ng maliit na negosyo para sa pamilya mo, tapos pag magaling kana tawagan mo lang ako at ako mismo ang susundo sayo sa bahay nyo. Okay ba yon kuya?" Masayang sabi nito sa lalaki.
"Naku maraming maraming salamat po talaga.Hulog ka po talaga ng langit sa amin ma'am. Malapit na pong makatapos ang anak ko sa tulong nyo doble doble na po ang utang na loob ko sa inyo pati na rin sa kapatid nyo na nagligtas sa akin",emotional na sabi nito.
Tanging ngiti lang ang itinugon ni Camille dito at pinunasan pa nito ang luha ng lalaki.
Bawat kilos at pakikitungo nito sa mga construction worker ay ibang iba sa ,trato nya sa mga taga opisina.Malambing at palaging nakangiti ito sa mga construction worker pero sa mga taga opisina ay palagi itong strikto hindi mo rin ito makikitang nakangiti.
I wonder why?
"Sir, regarding po sa funeral ni kuya Rex", hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Camille.
"ah..ah oo nga pala. pinapunta ko na si Ali sya na ang inutusan po para maayos ang burol",pinagpapawisan ako ng malalamig sa bawat titig na ginagawa ng babaeng to sakin.
"Okay",tanging sagot nya.
Nahihiwagaan talaga ako sa babaeng to. Ano bang meron to at nagkakaganito ako.
Makalipas ang ilang oras na pakikipagkusundo sa mga pamilya ng mga biktima ng insidente ay nagpasya muna akong umakyat sa opisina ko.
Bago ko marating ang opisina ko ay nasulyapan ko pa ang pinaparenovate kong office kasama na ang magiging office ng COO.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may pinagawa akong secret door na nag-uugnay sa office ko at office ng COO. Ewan ko kung anong nagtulak sakin na gawin ang bagay na yon pero feeling ko kakailanganin ko yon sa mga susunod na buwan.