Ms. Archetect and her run away groom

4994 Words
Chapter 11 Camille's POV Flashback "you guys are dating in the working hours? really? sinasahuran kayo ng kumpanya para lang maglandian?" Umigting ang tenga ko sa sinabing yon ni Sean. Gustong gusto ko na syang sigawan ito at depensahan ang sarili pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong sabayan ang galit nya dahil alam kong may mali rin kami ni Adrian napatagal ang Lunch break namin. Matapos maibigay ni Mang Densio ang report na hinihingi ni Adrian ay agad nitong binalingan ang kapatid ko.Hindi pa man nakakasagot ang kapatid ko ay kwenelyohan na agad ito ni Sean. Tanga ka ba o bobo ka lang talaga huh? -------",naputol ang sasabihin ko ng biglang hilahin ko ang kamay nya na nakakapit sa kuwelyo ng lalaki. "Don't you dare put your dirty hands on my brother",I said growled with anger looking at him. "Hindi pa natin alam ang nangyari wag kang mambintang agad",nagulat sya sa naging reaksyon ko. "Hoy ate? kanina pa kita kinakausap ano bang iniisip mo?", tanong ni Kyle sa akin. Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya. Nandto kami ngayon sa condo ko dito ko muna pinatuloy ang kapatid ko para mabantayan ko sya.Ok lang naman kay Cindy dahil madalas wala naman sya dito sa condo. "Kelan pa bumalik si kuya Sean?", muling tanong nito at humigop ng kape. "kahapon lang",sagot ko dito at naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng cake. "Ang weird nya no?",Ani Kyle. "The way he looked at me parang hindi nya ko kilala, tapos ganun din ang tingin nya sayo. Parang kinikilala ka nya ng husto.",Kyle said "He is a good actor remember? Napaniwala nya tayo na mahal nya ako.",I gave him a bitter smile. "Sya na pala ang CEO ng Emerald ate paano kana? kaya mo pa bang magtrabaho don kasama ang runaway groom mo?",may halong pag aalalang tanong sakin ng kapatid ko. Hindi ko naisubo ang cake na nasa tinidor ng dahil sa tanong nya.Bumuga ako ng malalim ng paghinga at matamang tinitigan ang kapatid ko. "Kaya ko ,pangarap natin to diba? At isa pa hindi ako pwedeng umalis ng basta basta sa Emerald.",Hinawakan ko ang kamay ni Kyle. "Totoy Ms. Fajardo gave me 1/2 of her shares, kaya malaki ang respunsibilidad ko sa kumpanya." Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Kyle. "Pero bakit daw ate? alam ko close kayo ni Ms.Fajardo pero isn't too much?" "I know its too much after nya iannouce sa board kahapon pinuntahan ko sya sa opisina nya. Tinanong ko sya kung bakit? Because I know that 35% of that multi billion company is not a joke. But she only said that I deserve it.", Ani ko dito. Nakita kong tumulo ang luha nya. "Im so happy for you ate.",Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Pero pano ang set up nyo ni kuya Sean? sure ka ba talaga na kaya mo na syang harapin araw araw? Pano yan?",sunod sunod na tanong nya sa akin.Tinuro pa nya ang puso ko. "Sigurado ka ba na Okay na yan?" "Okay ako wag kang mag-alala. Ako pa ba? hehe saka natuto na ko. Hindi na to tanga no?", tumawa kaming parehas sa sinabi ko. Matapos ang ilang minuto pang kwentuhan ay nagpasya na kaming magpahinga ng kapatid ko. Kinabukasan nagising ako sa amoy ng sinangag at bacon. Hmmm parang nagutom ako kaya dali dali akong bumangon. Hindi na ako nag abala pa na magpalit ng damit kami lang naman dito nila Cindy at Kyle. Nangako din si Cindy na hindi na sya makikipagsex dito sa loob ng condo namin. Kaya kampante akong naglakad papunta sa kusina wearing my super iksi na nighties halos labas na ang red panty ko. I dont used to wear bra pag natutulog kaya eto malayang nakakahinga ang pinagpala kong dibdib. "Good morning everyone", I greeted them while stretching my arms medyo napapikit din ako habang nag iinat at humihikab kaya di ko napansin ang mga tao sa kusina. "Bakla ano ba?",tili ng pamilyar na boses. Wait nandito si Fred.? Bigla kong minulat ang mata ko at ganun nalang ang pagkabigla ko ng makita ang mga tao sa kusina. Fred was standing near at the table mukhang papaupo na to sa hapag, Adrian was sitting at the right side chair of the table kalapit nito si Kyle. Si mang Densio na nakayuko sa hapag mukhang sya pa yung nahiya sa suot ko. Si Cindy she was in front of the sink katatapos lang maghugas ng prutas .And Sean,the last person my list .He was in front of me. Hinagod nito ang paningin sa akin at ng magtama ang paningin namin ay biglang nag init ang buo kong katawan .Tsk Camille ha titig palang yan ano ka ba wag kang padala sa kanya. Nawala ako sa pag iisip ng biglang may tuwalya na bumalot sa katawan ko. It was Adrian. Binalutan nya ko ng tuwalya at sinenyasan na magpalit ng damit. "Camille anong kahihiyan ang ginawa mo?", sermon ko sa sarili "Bestie lalamig ang pagkain, matagal ka pa ba?",tawag sakin ni Cindy. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at hinikit papasok si Cindy. "Bakit nandito yang mga yan?", pinilit kong wag ilakas ang boses ko. "Ako rin nabigla eh, ang walang hiya ko naman kung di ko sila papapasukin eh dadalawin lang naman daw si Kyle", sabi nito. "Haist sana man lang ginising mo ako, Nakakahiya", I was really ashamed. "Ikaw ha, Ikaw tong may kasalanan sa akin bat di mo sinabi na nagbalik na yang run away groom mo ha?", tumayo ito mula sa pagkakaupo sa edge ng kama at namewang sa harapan ko. "Ate? lalamig na yung pagkain lumabas na kayo dyan",sigaw ni kyle. "Mag uusap tayo mamaya, magbihis kana bilisan mo", seryosong sabi nito. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako ng kusina. Nadatnan kong masama ang tingin sa akin ni Fred. Tatawa tawa naman si mang Densio at Kyle. "what's going on?",tanong ko kay Adrian .Umupo na rin ako sa tabi nito. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin sa akin ni Sean. Nek nek nya anong ineexpect nya uupo ako sa tabi nya? No way as in big NO. "because of what you've wear nalaman nila na bakla si Fred. Right Freda?",Pang aasar na sabi nito. "tsee okay lang, keribels na malaman nyong lahat no. Ang hirap maghide ng true personality no? atang sakit pa sa lalamunan pag pinipigilan ko ang mala angel kong boses.", malanding sabi nito. Napabuga naman ako ng kape dahil sa kabaklaan nito. "Hahaha di ka pa ba sanay sa kaibigan mo?", natatawang sabi ni Adrian. Binigyan rin nya ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. Gusto ko mang sawayin ito ay hindi ko na ginawa lalo na nong makita ko ang masamang titig ni Sean sa amin. "Well ako nga pala yung sinayang mo.", sabi ng isang bahagi ng utak ko. "tsk napapangitan lang sya sa loveteam nyo ni Engr. no? wag kang assuming", sagot naman ng kuntrabidang bahagi ng utak ko. Nakita kong nakatingin si Kyle kay Sean. "Kuya Sean , ikaw na pala mamamahala sa Emerald?", tanong nito kay Sean. And what the kuya parin ang tawag nito sa lalaking yon? "Kyle he's not your kuya, Boss natin sya please give some respect", suway ko dito. pero parang gusto kong bawiin yung sinabi kong "give some respect". "Sorry po sir", hinging patawad naman agad ni Kyle. "Its okay you can call me kuya",nakangiti nitong binalingan ang kapatid ko. "Kamusta ka----- ", bigla kong sinubuan ng hotdog ang bunganga nito. "kailangan mong kumain ng marami kapatid para lumakas ka kaagad ,ang daldal mo masyado nanggigigil ako sayo.", pabulong kong sinabi dito ang huling pangungusap. "You're ate is right, you need to eat well para mabilis kang gumaling. BTW sumabay na kayo sakin mamaya papunta sa burol ni kuya Rex", sabi ni Sean. "Hindi na po sir. I have my own car." Sabi ko dito. "okay its up to you". malungkot na sabi nito. "Drama mo gago", Ani ng bitter kong utak. "Here eat this, favorite mo yan diba? medyo makunat na ng konti kasi sa bahay ko yan niluto eh. bawal kasing magluto nyan dito right?",inabot ni Adrian sa akin ang daing na pusit. "WOW, ang sarap nito hmmmm", sabi ko at ninamnam ang sarap ng daing na pusit. I saw Sean with his clenching jaw. "Its already 8:30 am Engr. Reyes baka malate ka sa site, I just want to remind you na ngayon ang pagbisita ng press.", seryosong sabi nito. "Mang Densio , sasabay ka pa rin po ba sa akin? mukhang kakailanganin na po kasi ako sa site.", ani Adrian. "Opo sir doon din naman po ang tungo ko.... Architect mauna na po kami , Kyle pagaling ka ha",nakangiting sabi nito,tumango rin ito kay Cindy at Fred maging kay Sean ay nagpaalam ito. "Mr. presedent una na po kami." "Mag-iingat kayo mang Densio",Ani Sean. Si Adrian naman ay tumayo na rin sa hapag at bahagya akong hinalikan sa tuktok ng ulo ko. "Aba sumosobra na to ah. tsk mamaya ka lang sa akin buyop kang lalaki ka, Nakakarami kana sa panananching mo ha". Ani utak ko. Peke kong nginitian si Adrian at binigyan ng nakamamatay na tingin syempre yung sya lang ang makakakita. "Alis na kami" Pagkaalis ng dalawa ay hindi pa rin tumayo sa hapag si Sean. "Aren't you going leave... sir? " tanong ko dito. "Pinagtatabuyan mo na ba ako?", Sean asked "Hindi naman po sa ganun sir ,pero tulad ng sinabi mo kanina .Ngayon pupunta ang press hindi ba dapat ay nandon ka?", I asked him with sarcastic tone. ''Im a private person, I don't like media", Seryosong sabi nito. Ayokong makausap sya ng matagal kaya kahit gusto ko pang kainin ang pusit na binigay sakin ni Adrian tumayo na agad ako sa pag kakaupo at naghugas ng kamay. "I need to go to the office.", I said without looking at him. "ikaw na munang bahala kay Kyle Cindy", sabi ko sa kaibigan ko. Tumango naman ito. After kong mag ayos ay nagpaalam ako kay Kyle pero laking gulat ko ng makita ko na prenteng nakaupo si Sean sa sofa.Ano pa bang kailangan nito at hindi pa umaalis? "Cindy yung gamot ni Kyle nasa ibabaw ng ref.makikisuyo nalang ako ha. salamat.", ani ko. "aalis na ko." "Sa akin ka na sumabay.'', Seryosong sabi nito at naglakad papunta sa akin. "and why?",hindi ko na napigilan ang pagtaasan to ng kilay. "Because I'm your boss",mas lumapit pa ito sa akin kaya naman napaatras ako. "I have my own car." "Yeah ,but your car isn't here. Remember? naiwan mo sa opisina dahil nagdate kayo ni Engr.Adrian.",diniinan pa talaga nya yung word na DATE. "acting like a jealous boyfriend huh!",ani ko na walang makakarinig but I was wrong. Narinig ni Sean ang sinabi ko. Lumapit pa ito ng husto sa akin at bumulong sa tenga ko.Nanlaki ang mata ko ng halos maramdaman ko ang labi nya sa puno ng tenga ko.Nakita ko rin na napaawang ang bibig ni Cindy at Kyle sa ginawa ni Sean. "Yeah Im jealous , I'm f******g jealous and I don't know why?",tiningnan ko sya pero mukhang wrong move ang ginawa ko dahil muntik na kaming maghalikan.Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba na naramdaman ko. Tumingin sya sa mata ko at bumaba ang tingin nya sa labi ko.Nakita ko rin ang paglunok nya. I saw longing in his eyes pero bago pa man ako mawala sa katinuan ibinaling ko ang paningin ko sa kapatid ko. Nag madali akong lapitan ito at humalik sa ulo nito ,mabilis din akong humalik sa pisngi ni Cindy. "Alis na ko'',hindi na ako nag abala na lingunin si Sean. Nyeta bat ganito ang nararamdaman ko? Tsk mali to. Maling mali. Pero s**t muntik ko ng sunggaban yong lips nya. Buti nalang talaga nakapag control ako. Chapter 12 "Hello ... Good morning din po kuya guard .......opo sana.Pwede po ba?.... hehe ikaw talaga kuya....makikisuyo lang po ako baka pwede nyo po akong ikuha ng taxi...... opo eh .... sige po .. salamat kuya guard.", after kong makisuyo kay kuya guard ay agad kong pinatay ang tawag. "Didn't I told you that you'll go with me?", seryosong sabi nito. Nandito kaming dalawa sa loob ng lift. Hindi ko sya nilingon inabala ko nalang ang sarili ko sa pag scroll sa social media ko. Im not used to it pero eto at napascroll ako ng wala sa oras. "Im talking to you", I saw him clenching his jaw. Tinignan ko sya ng masama. "Do I agree?", "Im your boss, so weather you like it or not sa akin ka sasabay.",ma-awtoridad na sabi nito. "Then fire me!",matapang na sabi ko dito. "Sasabay ka sa akin. And that's final",sabi nito at hinila ang kamay ko palabas ng elevator. "Ma'am wala pa pong taxi......",salubong sa amin ni kuya guard. "Its ok, sa akin na sya sasabay.",sabi ni Sean ng hindi man lang nililingon si kuya guard. Naiwan namin si kuya guard na halatang nagulat sa nangyayari ang receptionist naman sa building ay pwedeng pwede ng mapasukan ng langaw ang mga bibig dahil sa pagnganga ng mga ito nang makita si Sean. "May boyfriend kana pala ma'am", ani ate Marites ang janitress dito sa building at tulad ng pangalan nya literal na no. 1 marites sya (mare anong latest?)" "Ang gwapo nya ma'am bagay kayo.",dugtong pa nito. "He's not my boyfriend.",sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko para marinig ng lahat."Bitawan mo nga ako.", mataray kong sabi dito at pabalang na hinikit ang kamay ko pero lalong hinigpitan ni Sean ang pagkakahawak sa akin. "Ano ba? kaya kong maglakad mag isa ng hindi mo hinahawakan ",singhal ko dito. Para itong walang narinig pero at derederetso akong hinila hanggang makarating kami sa kotse nya. Nanlaki ang mata ko ng huminto kami sa harapan ng isang Lamborghini Aventador . WOW !! this car worth 45million pesos. "Get inside", utos nito sa akin. Sa sobrang gulat ko ay napasakay nalang ako. "WOW!",bulalas ko. Pero di pa man ako nakakarecover sa unang reaction ko ay muli akong nagulat ng biglang dumukhaw sa harapan ko si Sean at inilagay ang seat belt sakin. "ready?",Sean asked. Tumango lang ako dito bilang sagot. Isa lang ang narealized ko habang sakay ako sa mamahaling sasakyan na ito. Walang silbi ang bilis ng sasakyan mo kung dito mo gagamitin sa kalye ng kamaynilaan. Imagine this Lamborghini Aventador can accelerate from 0 to 97km/h (0 to 60mph) in 2.9 seconds and has a top speed of 349 km/h (217mph). Pero eto at usad pagong dahil sa traffic. Medyo nangangalay na rin ang likod ko sa baba ng upuan nito. Akala ko pa naman masayang sumakay sa ganitong sasakyan, kaya siguro mabilis ang ganitong sasakyan dahil pangit ang upuan .Binilisan nila para hindi agad mangalay ang sakay hahaha chariss. "You okay?",Sean asked me. "Bakit ako magiging okay eh katabi kita bwesit ka?", yan ang gusto kong sabihin pero syempre pinigilan ko ang sarili ko. Sa halip eto ang sinagot ko. "Bakit ba palagi mong tinatanong kung okay lang ako mukha ba akong may sakit?" Nilingon ako nito at bumuntong hininga sya. ''s**t ang bango ng hininga nya",ani utak ko. "maruPokpok ka talaga , remember sya ang run away groom mo.Wag ka ngang t***a", ani kuntrabidang bahagi ng utak ko. "why you always like that?",tanong nito ng huminto kami dahil sa pag pula ng ilaw sa stop light. Really ang kapal ng mukha nyang magtanong ng ganyan sa harap ko ngayon. Anong gusto nyang gawin ko? pakisamahan sya ng maayos pagkatapos nya akong pagmukhaing tanga? Anong gusto nya ,lambingin ko sya? huh...gago ba sya? Hindi ako nagsalita inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa labas. Binalot ng katahimikan ang loob ng kotse nya. "I'm sorry kahapon",basag nya sa katahimikan. "Tama si Engr. Reyes hindi dapat nakikialam si Loisa pagdating sa trabaho ko.",sabi nito at binuhay na muli ang makina ng sasakyan. "2 days palang tayo magkakilala kaya naiintindihan ko kung bakit ka ganyan. Malamang iniisip mo pa kung pagkakatiwalaan ako oh hindi. But I swear mapagkakatiwalaan ako . I hope magkasundo tayo para sa kumpanya.",he said sincerely. "tw----two days?",usal ko ng makabawi ako mula sa pagkagulat.Nagjojoke ba sya? "Magkakilala na ba tayo noon? Im sorry, wala akong maalala. I have an amnesia. Ang sabi ng doctor ko temporary lang daw but its been 3 yrs na pero wala paring progress.",lumingon ito sa akin. Totoo ba ang sinasabi nya? o baka nagdadrama lang sya? tama ba ang kutob ng kapatid ko na hindi nya kami nakikilala? Parang sasabog na ang utak ko sa dami ng tanong ko. What if hindi nya talaga ako niloko? what if naaksidente sya sa mismong araw ng kasal namin kaya hindi sya nakarating? what if hindi nya ginusto ang lahat? Pero paano kung pinaglalaruan nya lang ulit ako? Umiwas ako ng tingin sa kanya at pasimpleng pinunasan ko ang isang patak ng luha na hindi napigilang tumakas sa mata ko. Hinimas himas ko ang leeg ko para pigilan ang pag iyak ko. Naging mannerisms ko na to simula ng piliin kong magbago sa harap ng mga tao. "Magkakilala ba tayo noon?", muling tanong nito "No!",sagot ko dito. "What if pinaglalaruan nya lang ulit ako?",tanong na hindi mawala sa utak ko.Gusto nya nang laro pagbibigyan ko sya. But this time I'll make sure na ako na ang mananalo. "But why do I feel like we've known each other for so long?",may lungkot sa boses nito. Tsk galing umarte ah. Nag enroll ba to sa star magic? "I don't know.",tumingin syang muli sa akin. "Baka mabangga tayo sir, sa harap ka tumingin.", seryoso kong sabi dito. Bumuntong hininga lang sya at itinuon na ang atensyon sa pagmamaneho. Nang makarating kami sa Emerald ay agad na akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan nya ako ng pinto. Habang naglalakad sa loob ng building ay narinig ko ang bulong bulongan ng mga bubuyog dito. "Tignan mo to oh, grabe yong iyak nya no? may pasabi sabi pa sya ng "dito ka please wag mo kong iwan".",umakto pa ito na tila umiiyak. "haha parang takot na takot maubusan ng lalaki kung magmakaawa, tsk kung sa bagay minsan na syang iniwan.Sama kasi ng ugali", sabi ng isang malaking bubuyog "magba-viral na naman si Architect nyan",sabi ng isa pa at sabay sabay silang nagtawanan. Busy sila sa pagtingin sa cellphone nila kaya hindi nila kami napansin. Napatigil si Sean dahil marahil ay narinig din nito ang usapan ng mga empleyado. "Who's Architect?", tanong nito sa mga chismosang empleyado. Nang hindi agad makasagot ang mga ito ay kusang kinuha ni Sean ang cellphone na nasa kamay ng isang empleyado at pinanuod ang video. He turned his head on me. "It's you.",usal nya. Tinignan ko lang sya at ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko. I don't want to hear them. Gusto ko munang i-relax ang utak ko ngayon. Masyadong maraming nangyari simula kahapon. "Go back to your work and delete that video",rinig kong utos ni Sean sa mga tauhan nya. Naramdaman ko ang pagsunod ni Sean sa likod ko. Bago pa man ito magsalita ay inunahan ko na sya. Humarap ako dito kitang kita ko ang concern sa mata nya. "But hell no! hindi mo na ko maloloko",bulong ko sa isip ko. "If you were going to ask me if Im okay, Yes.Im okay", nginitian ko ito ng peke. Muli kong pinagpatuloy ang paglalakad ko. Dumaan muna ako sa ladies room para magbawas ng luha. Hindi ko na kaya. "Why do he needs to do this? bakit kailangan nya ulit akong paglaruan? Bakit kailangan nyang umarte ng ganito? tang-**a bakit apektado pa rin ako? ",sigaw ko sa isip ko. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa tanging mahihinang pagsinghot lang ang nagagawa ko sa loob ng cubicle tuwing nasasaktan ako. "Sya ba yong CEO natin ? ang pogi no? grabe tao ba sya? parang anak ni Hercules. Para syang anak ng dyos",kinikilig na sabi ng isang babae sa labas ng cubicle. "Oo sobrang pogi no", pagsang ayon naman ng isa. "Pero yung viral ngayon ang nakakaloka. Remember 3 yrs ago may nagviral na video ni Ms.Architect sinabi nya na hinding hindi na sya magpapaloko sa lalaki. Na PI ang mga lalaki at hinding hindi sya mag mamakaawa ,tapos eto naman ngayon kumakalat sa social media ang video nya na nagmamakaawa kay Engr. Reyes na wag syang iwan nito.", mahinang sabi nito pero rinig na rinig ko sa loob ng cubicle. "haist kawawa naman sya, mayaman nga sya at successful pero namamalimos naman ng pagmamahal. Siguro hindi sya mahal ng magulang nya kaya ganyan sya." Lalo akong naiyak sa sinabi nito. I am not begging anyone to love me. Marahil kulang ako sa pagmamahal ng magulang ko pero kahit kelan hindi ako nanlimos dahil alam kong napunan naman yon ng lola ko. Bakit ang dali nilang manghusga? Deredertso lang ang pag agos ng luha ko. "Girls hindi ba oras ng trabaho nyo?",galit na sigaw ng isang lalaki malapit sa pintuan ng cr. "Sorry po Engr.", nanginginig na boses na sabi ng isang babae.Tama nga ang hinala ko si Adrian ang lalaking sumigaw mula sa b****a ng sira. Narinig ko ang paghakbang nito papasok sa loob. "stay there",galit na utos nito. Nagulat ako ng bigla syang kumatok sa cubicle na pinagtataguan ko. "Camille open this door",kalmadong sabi nya. Hindi ko alam pero lalo akong naiyak dahil sa ginagawa nya. Nakailang katok pa sya bago muling magsalita. "Camille please, open this door",pagmamakaawa nya. Ilang katok pa ang ginawa nito pero hindi ko binuksan ang pinto pakiramdam ko wala akong lakas na tumayo. "Camille open this f******g door!",galit na sigaw nito. ''pagmay nangyaring masama kay Camille ako mismo ang kikitil sa buhay nyo", banta nito sa dalawang babae sa labas. Narinig ko itong bumuntong hininga bago muling nagsalita. "Please Camille, Im begging you open this door.",nagmamakaawa nyang sabi "If you're not going to open this f*****g door ,mapipilitan akong sirain to.... bubuksan mo ba o sisirain ko to?", mahinahon at biglang sigaw nito. Natakot akong bigla sa pagsigaw nito kaya binuksan ko ang pinto. Hindi ko na pinansin kung anong itsura ko. Bago ko mabuksan ang pinto ay narinig ko pa ang nag aalalang boses ni Sean. "what happened to her?",Sean asked worriedly Bigla akong niyakap ni Adrian. Pagkalabas na pagkalabas ko sa cubicle. "oh f**k , pinag alala mo ko",sabi nito habang patuloy na hinahagod ng kanang kamay nya ang buhok ko.Ramdam ko din ang pagtulo ng luha nito sa balikat ko."Akala ko ginawa mo ulit yong ginawa mo noon." umiiyak na sabi nito. Adrian know's my condition. Saksi sya sa kagagahang ginawa ko non. Sa sobrang sakit ng ginawa sakin ni Sean ,I decided to kill myself. Nadatnan ako ni Adrian at Kyle kasama si kuya Rex na duguan sa loob ng cr ng isa sa mga site ng kumpanya.Don ko pinili na kitilin ang buhay ko dahil alam kong walang tao don. Pero nahanap ako ng kapatid ko, ng tawagan sya ni kuya Rex na nagpaiwan pala non sa site dahil walang pamasahe.Sinabi nya agad sa kapatid ko na parang wala ako sa huwisyo. Saktong napadaan naman don si Adrian para icheck ang proyekto nya. Hindi ko kinaya ang sakit ng nararamdaman ko nung malaman ko na inannouce na engaged na si Sean kay Loisa. Alam ko na mali pero nangibabaw ang sakit na nararamdaman ng sa puso ko. Walang kumalat na balita non tungkol sa pagpapakamatay ko .Sabi ni Kyle kinausap daw ni Adrian yung doctor at si kuya Rex. Hindi naging madali ang mga sumunod na araw at buwan sa akin. Nagkaron ako ng depression monthly sinasamahan ako ng kapatid ko at ni Cindy sa isang psychiatrist. Hanggang sa gumaling ako pero may maintenance pa ring binigay sakin ang doctor ko. Hindi ko na nagawang magpasalamat non kay Adrian dahil naging busy kami parehas sa sunod sunod na proyekto namin. Hanggang sa yung dapat na pagpapasalamat ko sa kanya ay napalitan ng inis ng malaman ko na halos lahat ng babae sa kumpanya tinitira nya. I hate cheater, I hate playboy. "Say sorry to her",napabitaw ng yakap sakin si Adrian at matamang tinitigan ang dalawang babae na inutusan ni Sean na magsorry sakin. "So----sorry po Ms.Architect.",naiiyak na sabi ng isa. Tinignan ko lang silang dalawa habang umiiyak ako. Pinunasan ni Adrian ang mata ko at iniharap ako sa kanya. Mataman nya akong tinigigan at muling niyakap. "Don't do that again please.Baka makapatay ako sa susunod pag ginawa mo ulit yan.", umiiyak na sabi nito. Napahagulhol ako ng iyak dito at niyakap ko din sya pabalik. "Hash now",alo sa akin ni Adrian. "Iha what happened?",Ms.Fajardo asked, hinihingal pa ito dahil sa pagtakbo. Halata sa boses nito ang sobrang pag aalala. CHAPTER 13 Camille's POV "Anak",naiiyak nitong sabi habang papalapit ito sakin. Kumalas si Adrian sa pagkakayakap sa akin at hinayaan akong yakapin ni Ms.Fajardo. "Stop crying na anak, don't over think too much.",sabi nito habang hinahagod ang likod ko. Wala akong nagawa kung di ang umiyak ng umiyak. Nakita ko na si Sean nakahawak ang dalawang kamay sa ibabaw ng lababo at nakatingin sa akin and he looked so worried. Nag iwas agad ako ng tingin sa kanya ng magtama ang mga mata namin. "Excuse me ma'am, but I think mas maganda kung iuuwi ko muna si Camille.", Adrian said. Kumalas mula sa pagkakayakap sakin si Ms. Fajardo. Inayos nito ang sabog sabog na buhok ko sa mukha at pinunasan ang nagkalat na luha sa aking pisngi. "Anak magpahinga ka muna okay? tama si Engr. you need to take a rest. Susunod ako don mamaya, may kailangan lang kaming pag usapan ni Sean.",masuyong sabi nito. "Let's go.",inalalayan ako ni Sean at ni Ms. Fajardo palabas ng cr hanggang sa parking lot ay inihatid kami ni Ms.Fajardo kasama si Sean. "Mag- ingat kayo ha, susunod agad ako pagkatapos ng meeting ko",sabi ni Ms.Fajardo.Dumungaw pa ang matanda sa akin pero para akong tanga na hindi ko kayang pansinin ang mga nasa paligid ko.Ramdam ang paghalik ni Ms. Fajardo sa sintido ko at tuluyang isinara ang pinto ng sasakyan. "Mauna na po kami.",yon lang ang narinig kong sabini Adrian bago tuluyang paandarin ang sasakyan. Hindi ko alam kung tahimik lang ba talaga dito sa loob ng sasakyan o sadyang lumilipad lang talaga ang isip ko. Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating kami sa harapan ng isang kilalang Condo unit dito sa Makati. I looked at him with astonishment. "Don't worry wala akong gagawing masama sayo. Naalala ko non sabi ng doctor mo,kapag na i-stressed ka you need a new place ",sabi nito at binigyan ako ng ngiti. "And you think your place would help? Ayoko dyan baka puro tyanak dyan",mataray na sabi ko dito. Ewan ko bigla akong nainis ng pumasok sa isip ko na dyan nya dinadala ang mga babae nya. "Hahahaha , See? sa labas palang ng condo ko naging okay kana agad.Nawala ang crying baby kanina. The Witch is back ", tumatawang sabi nito. Natawa ako ng mahina sa sinabi nito."Ewan ko sayo", I rolled my eyes on him "Bipolar", mahinang sabi nito at nagpatuloy sa pagtawa. Binatukan ko sya dahil sa sinabi nya at binigyan ko pa sya ng kurot sa tagiliran. "Aray!! ang brutal ha.",reklamo nito pero tumatawa pa rin. "Tse.. hindi pa ba tayo bababa? ang baho ng kotse mo. Amoy zonrox",pang-aasar ko dito. "Hoy kakacar washed lang ng nito no? saka di ako gumagawa ng milagro dito no?", defensive na sabi nito. Lumingon ako sa bintana para itago ko ang ngiti ko.Natutuwa ako sa itsura ni Adrian . "Alam kong gwapo ako wag ka nang mahiya na ipakitang kinikilig ka sa akin.", sabi nito . Binuksan ko ang pinto para makababa ang hangin masyado sa loob ng kotse nya. "Hey wait! ,Alam mo ba kung saan ang unit ko? sabi ko na nga ba eh stalker ka.", natatawang sabi nito. Humarap ako dito at tinignan ito ng masama. "Joke lang hehe , I'll get my things lang tapos may pupuntahan tayo na sigurado akong makakapagrelax ka.",nakangiting sabi nito. Huminto ang lift na sinaskayan namin sa last floor ng building. Mukhang sa isang presidential suite kami pupunta. Binukasan ni Adrian ang pinto na pinaghintuan namin at gamit ang mga numero na pinindot nya sa screen malapit dito. 09-17-94. 09-17-94 ,09-17-94 parang familiar yung date na yon ah. Wait birthday ko yon diba? Pumasok kami sa loob ng unit nya. And wow hindi nga ako nagkakamali , this is a presidential suite ang ganda ng interior . Masculine na masculine ang tema, clean and neat. s**t ang bango rin. "Wow as in Wow ",manghang sabi ko. "OA mo naman", sabi nito habang umiiling iling. "infairness engineer ha! Napabilib ako sa interior design ng unit mo ang ganda.", sabi ko habang naglalakad at pinagmamasdan ang kabuoan ng unit nya. "Thank you for that compliment ms.Architect.",nakangiti nitong sabi habang nagsasalin ng juice sa baso. Umupo ako sa bar stool na nasa tapat nya. "Ang ganda kitchen mo, french style parang ang gandang mag vlog dito habang nagluluto.",naghalumbaba ako sa tapat nya. "Oh inumin mo na to ms.Architect.",inabot nito sa akin ang juice.Tinitigan ko ang baso na hawak nya. "Haha grabe makatitig ah. walang drugs yan. Di ko ugaling gawin yon no? hindi ako namimilit ng taong ayaw sa akin.", natatawang sabi nito. "Inumin mo muna",sabi ko dito para makasigurado. Kahit na sobra ang pinapakita nitong malasakit sakin nitong nakaraang mga araw. Hindi pa rin mawala sa isip ko na isa syang f**kboy. Kinuha nito ang baso at dali daling ininom halos nangalahati ang laman ng baso dahil sa pag inom nito. "happy?",Tanong nito habang pailing iling. Kumuha ito ng bagong baso at sinalinan ito ng juice . "Here inumin mo na yan. Yeah I admit Im a f**kboy, but Im not a rapist",sabi nito habang binibalik sa ref ang pitcher ng juice na kinuha nya kanina. Ininum ko naman ang juice nabinigay nito. "Dyan ka lang kukunin ko lang yong mga gamit ko tapos alis na tayo. Okay? San dali lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD