"Asshole! Asshole! Asshole!" Paulit-ulit na sabi ko habang tinutusok-tusok ng ballpen ang papel ko sa lamesa. This day is too much for me!
Napatigil ako nang may humawak sa pulsuhan ko. Nang nag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Yvon na nakakunot ang noo. Binaba niya rin naman kaagad.
"What are you doing? You're brutally murdering that paper Le'." Yvon pointed out before sitting beside me.
Nandito kami ngayon sa field. Ang napag-usapang lugar ay dito sa mga nakahilerang benches na may nakakabit na lamesa sa field.
"Ikaw pa pala?" She asked, looking around. I drop the ballpen at the table at kinulamos ang papel.
"Napaaga ako kaya tayo pa lang dalawa," I answered at inilagay na ang kalat ko sa bag.
"Stress ka ba? Gusto mo ng drinks?" She asked na tinanggihan ko kaagad. "Bibili sana ako sa caf kaso ayaw mo kaya huwag na lang."
"Drinks won't do. I wanna sleep," I said lazily and drawled.
She patted my back.
"Do you have a headache perhaps? Lumiban ka na muna kaya sa meeting? Just give me your papers tapos ako na magpapasa kay Regis or kay Migs---"
"Oh jeez! Here we go again with The King!"
Nanlaki ang mga mata niya sa biglaan kong pagsigaw.
"I--I'm sorry. I didn't mean to shout."
"Ahh-- no, it's f--fine Le'," nauutal na sabi niya habang winawagyway ang dalawang kamay sa gitna naming dalawa.
Napasapo ako sa noo ko. She surveyed my face.
"Bakit? Did you and Regis fight ba?" She asked in a careful manner.
"Always naman, Yvon."
"Kung ang tinutukoy mo kanina ay iyong nagkaharapan kayo sa classroom, matatawag ba na away iyon?" She asked, wondering.
I looked at her ridiculously.
"Of course! Hindi naman kami naghaharap para sa mahinhin na usapan lamang," I answered. "He always annoys me to this extent."
Humilig si Yvon sa lamesa. "I heard him say he loves you with an endearment na 'babe' kaya!" She said, teasing. Napatayo ako sa gulat.
"That's trash! He's just reading my message because he confiscated my phone!" I explained pero ngumiwi lamang siya.
"Talaga? Akala ko pa naman sa kanya talaga galing. Okay, you may sit down Le'." She said and patted the seat beside her. Hindi pa nga nakakaupo ay may kinawayan siya sa likod ko. Napalingon din ako sa kung sino ang kinakawayan niya.
"Migs! Mills! Prezy!" She called out. Papunta na sa direksyon namin ang kagrupo namin. Millie runs towards us and kissed her best friend, Yvon, on the cheek.
"Sorry, natagalan! Pinatawag kasi ako ng Council, " sabi ni Migs at nagsiupuan na sila.
"Naku, kay Le' kayo humingi ng tawad kasi sobrang aga niya dito!" Sabi ni Yvon at tinuro ako.
"Oh? Sino ba kasing nagsabing agahan mo ng sobra, Montemayor?" Nang-iinis na sabi ni Migs na tinawanan naman ng karamihan.
"Shh, tumahimik ka Migs. Baka bugahan ka niyan ng apoy, sige ka." Natatawang pigil ni Yvon. Tumaas naman ang isang kilay ni Migs.
"So, who's the guy na nagpainis sa prinsesa?" Natatawag tanong ni Migs.
"Wala naman ng iba." Sabat ni Evan.
"Pwede bang huwag niyo na akong pag-usapan at magsimula na tayo. May date pa'ko!" Nagtawanan naman sila at maya't-maya ay hinanda na namin ang mga papel na naka-assign sa amin noong huling meeting.
"Kulang yata ng isa?" Tanong ni Millie. "Nasaan si Regis? Hindi naman iyon nagdi-ditch ng meeting ah."
Sinuyod ko ng tingin ang paligid at inisa-isa ko ang kagrupo ko pero wala akong nakitang ni anino man lang ni Regis. Nagtataka namang napatingin ang iba kay Migs.
"Ah! May meeting sa Council, galing ako do'n kanina." Sabi ni Migs habang nagkokolekta ng papel namin. Nagtanguan naman ang lahat maliban sa akin na walang pakialam. Mabuti naman kung gano'n, kung magpapakita pa siya sa akin ngayon ay baka magbabaga na ako sa inis.
"Sabi niya kanina na kung makakapunta man siya ay male-late," Migs informed us. Sana matapos na ang meeting namin bago pa sila matapos sa meeting nila sa Council para hindi na siya makaabot pa. Nandito naman na si Migs para panguluhan ang grupo, hindi na niya kailangang magpunta.
"Masaya ka na ba Le'?" Tanong ni Yvon, nang-aasar. Tumango ako na parang bata habang nakangiti dahilan ng tawanan nila.
"Oh siya, sige na at magsimula na tayo at para makauwi ng maaga," Migs clapped his hands consecutively para maagaw ang atensyon naming lahat.
He counted the papers at itinabi muna. "Siguro naman binasa niyo ang assignment ninyo hindi ba?"
Nagtanguan naman kaming lahat.
"Kung ganoon, tatanungin ko kayo. Itaas niyo lamang ang inyong kanang kamay kung sakaling may sagot kayo sa tanong."
Naglabas siya ng blue na folder sa kanyang bag at may binasa saglit. Nang natapos ay bumaling na siya sa amin.
"Naku ah! Kahit hindi si Regis ang nasa harap ninyo ay seryosohin niyo pa rin ako! Huwag kayong sumagot ng barumbado. Kapag seryoso ang tanong, seryoso dapat ang sagot. Kuha ba?"
Nagtanguan naman kaming lahat at nagsimula na siyang magbato ng mga katanungan.
May alam naman akong sagot sa iilang tanong niya kasi ako ang nagresearch sa iba at binasa ko naman pagkatapos gawin ang naka-assign sa akin kaya hindi naman ako nagmukhang kawawa.
Umabot yata ng halos isang oras ang sagutan.
"Sabi ni Regis sa akin na papangkatin ko daw kayo ng tigtatatlo at bibigyan ko kayo ng mga papel na ipinasa niyo ngayon. Hindi ang assignment niyo talaga ang matatanggap niyo kaya dapat talaga na magtulungan. May apat na topics kasi tayo kaya ang gagawin ninyo ay ang pag-ipunin ang lahat ng ideya sa iba-ibang papel at isu-summarize. Kuha ba?" Sabi ni Migs. Siya ang nagrupo sa amin kaya kasali ako ngayon sa grupo ni Prezy at Yvon.
Migs gave us 7 papers na may iisang topic. "Prez, ikaw mag-lead. Sanay ka sa ganito, hindi ba?" Sabi ni Yvon.
Kanina pa tahimik si Prezy, hindi ko siya narinig na sumabat sa kulitan at tawanan ng grupo kanina pero sumasagot naman sa iilang tanong ni Migs. Nagulat pa siya nang hawakan ni Yvon ang braso niya.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Yvon. Prezy then looked my way pero umiwas din kaagad at nilapit sa kanya ang mga papel.
"S-sorry, may iniisip lang. Ahh-- sige, gawin na natin 'to." Medyo natataranta niyang sabi while scanning the papers. She gave us instructions kung ano ang dapat na gawin at hinati naming tatlo ang mga gagawin.
Prezy is so serious while doing her part. I always glance her way, thinking if there's something going on. She's my friend and I worry about her. I convinced myself na baka may iniisip lang talaga but I cannot finish my work if I am so bothered kung bakit sobrang seryoso niya ngayon. Naisip ko rin ang nangyari sa park noong meeting namin pero hindi naman kami nag-away and she rode the tricycle smiling. Knowing Prezy, ang bait-bait niya sobra. So her, being so serious right now bothers me.
I nudged her. When she didn't look at me, I called her name. Her brows furrowed while writing then she finally looks my way at my third call.
I smiled to ease the awkwardness.
"Is something bothering you?" I asked in a careful way, trying not to piss her. Bumalik siya sa pagsusulat tsaka sumagot.
"I'm fine. Just do your work," she said coldly that made me shiver a bit.
"I am almost done," I replied. "Masama ba ang pakiramdam mo? O may lagnat?" I asked and placed the back of my hand on her forehead na ikinatigil niya sa pagsusulat. She shoved my hand away na ikinagulat ko.
Napapatingin rin sa amin ang ibang kagrupo namin, nagtataka sa nangyayari.
"S-sorry. I was just checking kung may lagnat ka ba," I said in a soft voice. "Mabuti naman at wala." I said in relief and managed to give her a smile.
She sighed and look away. "I'm sorry. Okay lang ako, bumalik ka na sa ginagawa mo. Matatatagalan pa ako dito sa akin." Sabi niya at bumalik na sa ginagawa. It took me a while looking at her, wondering if I pissed her off.
I looked at everyone na bumalik na naman sa ginagawa. I sighed and continued writing. Nang natapos ay sinabihan ko kaagad si Yvon at nagpalitan kami ng kaunting tanungan. Bumaling ako kay Prezy na paulit-ulit nagkukulamos ng papel at naiinis na nagsusulat ng bago.
"I'm done with mine Prez," I informed her. Tumango lang siya at hindi man lang ako nilingon. Ilang minuto na ang lumipas ay ganoon pa rin ang ginagawa niya. I looked below her at nakita ang maraming crumpled paper.
"Are you okay? Pwedeng ako na ang gumawa niyan' Prez, tapos ko na naman ang akin." I offered which made her look at me, irritation is evident on her face. That made me nervous na iningiti ko na lamang to shove the awkwardness away.
"Shut up Le'!" She shouted in my face that made me surprise. Naagaw namin ang atensyon ng kagrupo namin, parehong may mga tanong sa mata kung bakit biglang sumigaw si Prezy.
"You don't have to s-shout, Prez. We can talk about this calmly--" Mahinang sabi ko at inabot ang kamay niya na inilayo niya kaagad.
"Kung tapos ka na, edi tapos ka na! Huwag kang magulo!" She shouted again.
Am I being nosy? I just wanted to help! I hope she won't take it the wrong way.
"N-no. I just want to lift your burden kasi baka may problema ka---" She cut me off again.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo Le'! I can do mine without asking your help so drop the act, okay?!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi naiintindihan ang pinagsasabi niya.
"Huwag kang magpanggap na mabait at matulungin kasi hindi ka ganyan! You're selfish and a rich brat. That's what you are!"
What she said was a blow! Ni hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang mga pinagsasabi niya.
"Stop that Prezy!" Pang-aawat ni Evan.
Tumayo si Prezy at tinuro ako. May iilan pa ring naguguluhan sa nangyayari.
"You're words are piercing Le's heart, Prezy. Cut it out!" Pigil naman ni Migs na lumapit na sa kanya.
"What? Pati rin ba kayo nalilinlang ng babaeng iyan!?" She shouted habang galit na itinuturo ako.
"Ano ba ang pinagsasabi mo Prez?" Nagtatakang tanong ng isa.
"I don't get what you're saying Prezy. I was just trying to help you finish your work kasi mukha may problema ka--" She cut me off.
"I said I don't any help, hindi mo ba naiintindihan iyon?! Huwag ka ng magkunwari, take that mask off and show everyone who you really are, you selfish Montemayor!" She shouted that everyone in the field might hear!
"You are not making any sense!" I said in a voice enough for her to hear. I don't want to create a scene, not here in the field!
"Mapagkunwari! Is that how the Montemayors raised you?" She asked which made me pissed.
I took one step forward.
"Huwag mong isali ang mga Montemayor dito!" I looked at her with intensity. "Hindi mo alam kung anong magagawa ko maprotektahan lang ang pamilya ko." I warned her that made her pursed her lips.
There was a moment of silence. Hinawakan ni Yvon ang braso ko.
"Mauna ka na munang umuwi, Le'. Tapos ka na naman kaya sige na," Migs said. I took my things and was about to go when I heard Prezy's laugh.
"What will you do Le'?" Naiinis na tanong niya. I clenched my fist, trying so hard not to say something unnecessary. She is my friend, after all. I don't want to say things that might hurt her.
"Sobrang nakakatakot ba?"
"Prezy, sabing tama na eh!" Someone said. I can sense that certain someone's frightened voice.
"It's not," I said. Lumingon ako pabalik sa kanya. "I won't do that. You are my friend," seryosong sabi ko na ikinagulat niya.
"You can badmouth my family but ... just this once. There will never be another day," I said and looked at her intently.
"That's the only credit I can give because you are my friend."
Prezy didn't say anything after that. Millie and Yvon nudged me.
"Let's go," sabi ni Millie na hinawakan ang braso ko.
Nakakailang hakbang pa lamang kami palayo nang may sinabi ulit si Prezy.
"Save your pity, Montemayor!"
I stopped. I heard Yvon cursing underneath her breath.
"I quit being your friend the moment you let him hope for you."
My forehead creased at what Prezy said. I turned to her direction pero nakita ko siyang tumatakbo palayo. I want to know her reason for lashing out. I want her to know that it is okay to get mad at me but as soon as her anger subsides, she'll eventually come back... as my friend.
I watched her running away from us. As soon as she disappeared from my sight, that's when I knew that things started to change.
_________________________________________________________