Chapter 4

2253 Words
"Why wouldn't she tell me?" I asked myself while staring at my room's ceiling. Buong maghapon kong tinanong at kinulit si Manang Aryela tungkol sa sinabi niya kanina pero iniiwasan niya palagi ang mga tanong ko. Inawat na ako nila Mama kaya nandito ako ngayon sa kwarto at nakahiga na sa kama. I've been thinking na tawagan si Ayii pero baka kapag sabihan ko siya ay hindi na rin niya ako tatantanan, mas malala pa iyon kay Jay eh!  Sa maraming katanungan na nasa isip ko ay nakatulog na lamang ako. Ang tagal kong nakatulog kagabi dahil nakatulog ako sa hapon at dahil na rin sa mga tanong sa isip ko. Tingnan mo ngayon ang mga mata ko Regis the King, kasalanan mo ito! Nilagyan ko na lamang ng kaunting concealer ang ilalim ng mata ko at naglagay ng pulang lipstick sa labi ko at nagpahatid na papuntang school. Dahil kulang ako sa tulog ay bad mood talaga ako ngayon. May mga kumakaway at bumabati sa akin habang naglalakad papunta sa classroom ko. It will be rude kung ii-ignore ko sila kaya sinuklian ko na rin ng iilang bati at kaway. Hindi pa nga ako nakakapasok sa silid ko ay nakita kong lumabas si Ayii at mukhang may hinahanap. Nang nakita niya ako ay dali-dali niya akong nilapitan at hinaklit sa braso. "T-teka nga!" Halos pasigaw na sabi ko pero sinenyasan niya lamang akong manahimik. Kumunot ang noo ko sa seryoso niyang mukha. Dinala niya ako hindi kalayuan sa pintuan ng silid namin. Lumilinga-linga pa muna siya bago bumaling sa akin. "What are you doing?" I asked, naguguluhan sa ikinikilos niya. "Ano kasi, si Jay." Hindi niya matuloy-tuloy kasi panay ang silip niya sa loob ng classroom namin. "Oh? What about Jay?" I asked. "Naku ah, huwag mo akong sinasali sa trip mo kay Jay, magagalit iyon, madamay pa ako!" "Hindi ako nantri-trip ano! Iba kasi," she whispered. "May katawagan kanina si Jay tapos bigla-bigla na lamang lumabas ng classroom. Hindi ko nasundan kaagad kasi may kausap akong kagrupo sa project." "Hindi ba nagsabi sa'yo kung saan pupunta? O nagtext man lang?" I asked which made Ayii shook her head. "Baka may pinuntahan lang sa kabilang room, Ayii." "Baka nga." Ayii said, worried. Hinaplos ko ang likod niya at pumasok na kami sa loob. "Babalik rin iyon, malapit na magstart ang class." I assured her na tinanguan naman niya. Ilang minuto lamang ay pumasok na ang guro namin at nagsimula na ang unang klase sa umaga. Habang nasa kalagitnaan ng klase ay nakapalumbaba na ako, ang boring! The teacher doesn't seem to mind me though. Tsaka halos kaming nasa ikatlong row hanggang sa likuran ay hindi na nakikinig. May mga nakatulog, nagce-cellphone o di naman kaya'y kumakain. Ang mga nakikinig na lamang ay ang pinakauna at pangalawang hilera. Sabagay, nandoon halos lahat ng matatalino at mababait na estudyante sa klaseng ito. Isama mo na rin si Regis, tch. Nilalalaro ko ang ballpen ko nang batuhin ako ng crumpled paper sa ulo. Napalingon kaagad ako sa direksyon ng bumato nang nakita ko si Ayii sa kabilang row na nagpe-peace sign. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinulot ang papel na binato niya. 'Jay's still not here,' iyan ang nakasulat sa papel na binato ni Ayii. I looked at Jay's designated seat at nakitang wala pa rin ang kaibigan namin doon. I opened the ballpen's cap using my mouth at nagsulat sa papel. 'Nag-cutting ang gaga,' I wrote at binato pabalik si Ayii. It hit her arm. Pinulot niya naman kaagad. Pagkatapos mabasa ang sinulat ko ay nagsulat naman siya ulit. Ilang minuto ay binato niya ulit sa akin ang papel. Sobrang lukot na! 'Seryoso nga kasi!'  I can almost hear Ayii's voice. Baka kasi nag-cutting nga, hindi ako nagjo-joke! 'Really, baka kasi nag-cutting na. This is not the first time, don't worry.' I wrote as a reply. Sinulat ko ito sa maliliit na letra para magkasya. Binato ko ulit siya na ngayon ay sinalo na niya. I lazily sat on my chair at tumingin sa bintana. Mabuti pa ang ibang klase, PE nila ngayon! And this class is stuck in an English Class first thing in the morning. 'Sorry natagalan :( Kanina pa tayo tinitingnan ni King eh,' that's what Ayii wrote. King? It took me a while to figure out who she meant by that. The King is Regis, kaya awtomatikong lumipad ang mga mata ko sa unang hilera ng mga upuan. Hindi naman mukhang aware si Regis sa mga nangyayari dito sa likod at nakafocus lamang ang buong atensyon sa harap. 'No, he is not. You're delusional. Why would he?' Tsaka ko binato ko pabalik sa kanya. I saw her stifle a smile. I rolled my eyes at binalik na ang tingin sa labas. 'Ah, baka nga namalikmata lang @k0uH fr3N'. Lukot na lukot na ang papel na may butas-butas na ang iilang parte dahil sa pansulat. 'Yeah. Makinig ka na, dumbass.' And threw the paper back to her. I heard her suppressed laugh that made me giggle. Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa labas. Mukhang lower year ang nagpi-PE sa field. I wish PE rin namin ngayon. Gusto kong gumalaw-galaw. I hate being stuck on my seat 'no! Wala na kaming ginawa sa buong klase kung hindi umupo. Feeling ko pahirapan na talagang makatayo eh, na glue na yata ang pang-upo ko sa upuan ko. My full attention is outside, watching the lower year class playing volleyball. May guro namang kasama pero wala namang pakialam at busy sa katawagan. Gusto ko rin ng ganyan pero babad talaga sa pagtuturo si Ginang Valdez sa subject niya. Putak siya nang putak sa harap pero ang mga nasa unahan lamang ang nakikinig. Hindi ba sumasakit ang lalamunan niya? Ayii threw me another crumpled paper na agad ko namang binuksan nang walang lingon-lingon sa paligid. May kanya-kanya kasing ginagawa ang mga kaklase ko. 'Kanina pa nagri-ring ang cp mo, ingrata ka!' Nanlaki ang mga mata ko at agad na nag-angat ng tingin. That's when I found out that everyone in the class is looking at my direction. Kahit si Ginang Valdez at mga kaklase kong nakaupo sa harap ay nakatuon na ang atensyon sa akin. Napapikit ako sa pagkapahiya. Napasapo ako sa noo ko habang natataranta sa tunog ng cellphone ko. Agad kong binuksan ang bag ko at dali-daling hinalughog ang cellphone ko. Sht, saan ko ba iyon nilagay!? "Miss Montemayor, baka may plano kang patahimikin ang cellphone mo?" I heard Ginang Valdez pero hindi ko na siya sinagot dahil nagpa-panic na ako dito sa kinauupuan ko. Kinapa-kapa ko ang mga bulsa ng bag ko pero hindi ko pa rin mahanap ang cellphone ko. Sht sht sht talaga! I stood up at nilapit ang bag sa tainga ko. Nang hindi ko pa rin mahanap nang hinalughog ko ulit ay binaliktad ko na ang bag ko para mahulog lahat ng gamit ko. Gumawa ng ingay ang bawat gamit kong nahuhulog sa lamesa at sa sahig.  Nang nasa labas na lahat ng gamit ko ay iniisa-isa ko lahat ng notebook ko. Nakita ko ang cellphone ko na nakaipit sa green na notebook. Gelson, my boyfriend is calling! Dali-dali ko itong ini-swipe para matigil na ang pagri-ring. When the ringing stopped, I heaved a deep sigh. I looked at everyone who is now sighing. I looked at everyone with an apologetic smile. "Sorry for that Mrs. Valdez----" Hindi ko pa nga natapos ang paghingi ng paumahin kay Ginang Valdez ay tumunog ulit ang cellphone ko! He's calling again, for Pete's sake! I jumped out of surprise and held my chest, naghahabol ng hininga. "I--I'm sorry again, I'll just answer this, excuse me po." Tumango naman si Ginang Valdez bilang sagot and I quickly got out of the room while my phone is still ringing. "Uyy nangungulit boyfriend ni Le'! Hiwalayan mo na iyan!" Pahabol ng kaklase ko bago pa man ako makalabas. I low key showed him my middle finger para hindi makita ng guro namin. I sighed before answering the call. "Good morning babe!" Gelson greeted on the phone with his enthusiastic voice. Napasapo ako sa noo ko, problemadong-problemado. "Hmm morning din." I said in a soft voice para hindi marinig sa loob at makadisturbo. Tama na ang disturbong nagawa ko kanina! I was so embarrassed! "What's with your voice? Are you sick? Nasa school ka ba?" Sunod-sunod na tanong niya. "I'm in school and I am currently in class, Gels. I stepped out for a bit to answer your call." I said. "Aww you're so sweet babe!"  I rolled my eyes at what he said. Alin ang sweet doon? "Why did you call? You better tell me a good reason." I said with gritted teeth. "No reason at all. Gusto ko lang marinig boses mo babe! I'm so sweet, right?" My mouth fell at his answer. I mouthed 'fck u!'  It took me a long while bago makasagot. "Hello? Still there? Kinikilig ka ba?" "No, shut up Gels. Anyway, I need to go back to class na. Bye!" Dali-dali kong sabi bago pa humaba ang tawag namin. I cringed at the thought of him! Bakit ko ba naging boyfriend ito ulit?! "Okay babe! Susunduin kita mamay---" Narinig kong sabi niya bago ko in-end ang tawag. I kicked a pebble out of annoyance. Damn Gelson! Pinahiya mo ako! I checked my phone and found out that he called me 7 times! And it's his eighth call nang nasagot ko na! Nakakabulabog! Saktong pagpasok ko ay ganoon naman ang pagpapaalam ni Ginang Valdez. Tapos na ang klase? Wala namang sinabi si Ginang Valdez tungkol sa pangdidisturbo ko kanina sa klase niya kaya napahinga ako ng maluwag. I sat on my chair at pahagis na nilagay ang cellphone sa lamesa ko. I picked my scattered things on the floor at nilagay lahat sa lamesa ko. Nabasag pa ang takip ng liptint ko, kainis naman! Ayii immediately approached me. She dragged the chair of the table in front of me at umupo doon. She gave me a big laugh. "It's Geliard who called, right!?" She asked. My brows furrowed. "It's Gelson, Ayii. Break na kami ni Geliard last month!" I corrected her.  Tumango naman siya. "Sorry naman bhe! Papalit-palit ka kasi ng boyfriend tsaka simula last month halos lahat ng naging boyfriend mo nagsisimula sa letter G ang pangalan!" My brows shot up. Talaga? Hindi ko namalayan. "Oh so si Gelson nga?"  Tumango ako bilang sagot. "Bakit daw napatawag? May emergency ba? Namatay alaga niyang pusa?" Walang prenong tanong niya. "What? Wala siyang alagang pusa, Ayii!" I said with a ridiculous face. She laughed it off. "Tsaka walang emergency." "Makikipagdate?" Tanong niya na kaagad ko namang nilinguan. "Eh, ano kung ganoon ah!?" Pang-uusisa niya sabay hampas ng notebook ko sa lamesa. "Kasi gusto daw niyang marinig ang boses... ko." I said, wanting to swallow my words back. Kumunot ang noo ko sa sariling sinabi. Madalas akong sabihan ng ganyan sa mga naging boyfriend ko noon but I don't seem like to adept it after so many experiences. She laughed whole-heartedly at what I said. Pinahid niya ang tumutulong luha na lumabas sa mata niya dulot ng pagtawa.  I pouted. "Ang sweet naman ng boyfriend mo! Bwiset, sana all!" I rolled my eyes. "Nakaka-cringe. I don't want that!" Pikon na sabi ko. "Sira! Lahat kasi ng mga manliligaw mo, nagiging KJ kapag sinasagot!" She said still laughing. "Hihiwalayan mo na ba?" She asked. I shrugged. "Hindi ko pa alam, baka hindi muna." Sagot ko. Tinawanan niya naman ang sagot ko. "Hindi niya hihiwalayan kasi wala pang pamalit, hindi ba?"  Napalingon kaming dalawa ni Ayii kay Regis na hindi man lang namin namalayan na nakatayo na pala sa tapat ng lamesa ko. Awtomatikong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumigil naman sa kakatawa si Ayii. Bakit ba bigla-bigla na lamang siyang sumasapaw? "Hand me your phone, Miss Montemayor." He ordered. Tumaas kaagad ang kilay ko sa utos niya. "And why would I, Mr. Cuevas?" He looked at me seriously. "Ako muna ang magdadala niyan' ngayong araw. Mrs. Valdez wanted me to get a hold of your phone for the day dahil sa pangdidisturbo mo sa klase niya," he said. And here I am thinking na palalampasin lamang ako ni Ginang Valdez!  I looked at my phone na nakapatong sa mga nakakalat na notebook ko sa lamesa. "Bakit ikaw ang pinapa-confiscate ni Mrs. Valdez at bakit hindi siya?" I asked, doubtful. I have the right to be doubtful, after all, it is my phone!  I looked at him again. He crossed his arms over his chest. "Kailangan ba may rason talaga kung bakit ako ang napili niya?" Sarkastikong tanong niya. "To calm your nerves, sige. Pinili niya ako because I am the Class President and I have the right to discipline everyone in our class, including someone as disturbing as you."  He held out his hand in front of me. "Now hand it over," pang-uutos niya ulit. I closed my eyes trying to calm myself down. I closed my fist, trying so hard not to punch this guy straight in the face and holding my feet firmly towards the ground trying not to kick his a*s off to Mars! I stood up at nilagay ko ang cellphone ko sa nakalahad niyang kamay. Nagpipigil talaga ako ng sobra! Naiinis ako kay Gelson pero mas naiinis ako kay Regis! Si Regis na naman! Of course, siya na naman ulit! Saktong paglagay ko ng cellphone ko sa palad niya ay tumunog ito. It beeped for a message. Babawiin ko sana para matingnan kung sino ang nag-text nang inilayo niya kaagad at siya na ang nagbasa. His forehead creased and his lips protruded upon reading. After a while, he looked back at me giving me a heavy stare.  "7 missed calls, 10 nonsensical messages and a jeje text that says 'i luv u, d5te ta u latur... babe,'" Regis said.  The way he read the message to me sounds like he is disgusted, especially at the last... word.  "You're plain rude! You just invaded my privacy!" And guess what? He doesn't even care. ________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD