"Rej!"
Kaagad umikot ang mga mata ko nang narinig iyon. Hindi ko na kailangang lumingon sa pinto para malaman kung sino ang may-ari ng boses dahil alam ko na kaagad.
Dumaan si Lily-anne sa tapat ko at naapakan pa niya ang cut-outs ko. Kaagad akong nag-angat ng tingin and threw her daggers on the back. Hindi man lang siya lumingon at dire-diretsong nagtungo sa lamesa ni Regis.
Nang nasa tapat na siya ay agad niyang nilapag ang bitbit niyang papel.
"Ibinigay ni Mrs. Susana, ipapa-print daw," Lily-anne informed Regis. Kinuha ni Regis ang papel kay Lily-anne at binasa ang nakasulat. "Consent iyan para sa field trip na magaganap ngayong weekend!" Lily-anne excitedly said. Tumango naman si Regis at ibinalik sa kaharap ang papel pagkatapos mabasa.
"Oh sige, iprint mo na." Utos ni Regis. I saw how Lily-anne's reaction changed from being excited to being disappointed. Napangisi ako doon.
"What? Hindi mo man lang ako sasamahan, Rej?" Tanong ni Lily-anne sa medyo malungkot na tono. May mga binabasa si Regis na mga papel at may pinipirmahan, hindi ba niya nakikitang busy iyong tao? Para saan pa ang mga mata niya kung ganoon?
"I'm busy, Lil. Kailangan to mamaya," sagot ni Regis at inabala na ang sarili sa ginagawa.
Lily-anne pouted and sighed. "Sige na nga! Pero marami ang ipapa-print ko eh tapos mag-isa lang ako," medyo nagtatampong saad nito. Papel lang iyan, hindi naman mabigat! OA din nito eh, may pinagmanahan!
Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nila at inabala na lamang ang sarili sa ginagawa.
"Sasamahan ka ni Montemayor."
Kaagad akong bumaling sa direksyon nilang dalawa nang narinig ko ang apelyido ko galing kay Regis.
"What? Why me?" Tanong ko habang nakaturo sa sarili ko, hindi makapaniwala na ako pa talaga ang napili niya. "Iba na lang, ang init kaya!" Reklamo ko.
"May payong naman kaya gamitin mo. Samahan mo si Lily-anne," pang-uutos ni Regis at bumalik na ulit sa ginagawa.
My mouth gaped.
"Kahit na! Hindi ba niya kaya mag-isa?" Iritadong tanong ko. I saw how Lily-anne gasped and before dramatically covering her mouth. Bumaling kaagad siya kay Regis.
"See? Ikaw na lang. Madali lang naman Rej," pagmamakaawa ni Lily-anne and tugged Regis' polo. Tumaas kaagad ang kilay ko.
"Fine! Let's go!" I said before standing up. Lily-anne looked at me with her widened eyes and is obviously irritated by my sudden agreement. Bakit? Hindi mo na mapipilit pa ang Rej mo? Amp!
Nauna na akong lumabas at sumunod naman si Lily-anne habang nagpapapadyak.
Hindi kita gustong kasama oy! I just did kasi parusa ko ito!
Kinuha ko ang payong sa gilid ng pintuan sa labas ng Student Council Room at binuksan ito. Nauna akong bumaba kay Lily-anne na nagbubukas pa ng payong.
"So where are we heading to?" Tanong ko. She rolled her eyes at me before pointing somewhere. "Lead the way, then."
Nauna siyang naglakad na sinundan ko naman.
Hindi kami nag-usap na ipinagpapasalamat ko naman. Ayaw ko ring makipag-usap. Ayaw kong ma-stress, ang init-init na nga eh.
Nang nakarating na kami sa stall ng magpi-print ay kaagad kinausap ni Lily-anne ang nagbabantay.
"250 na copy po nito, please." I heard her say.
Naghintay lamang ako sa tapat ng stall at pinagmamasdan ang malawak na field ng paaralan. May mga estudyanteng tumatambay naman pero iilan lamang dahil kasalukuyan pang nagkaklase sa oras na ito.
"Sasamahan sana ako ni Rej kung hindi ka pumayag eh." Narinig kong sabi ni Lily-anne na hindi ko man lang namalayang nakatayo na pala hindi kalayuan sa akin at nakatingin din sa field.
Hindi ko siya nilingon at nanatili lamang ang paningin sa field. "Ano naman ngayon?" Sarkastikong tanong ko.
"Alam mo, ang tabil talaga ng dila mo. Montemayor ka ba talaga?" Medyo naiinis na sabi niya.
Bumaling ako sa kanya na nakataas ang isang kilay, namamangha sa sinabi niya. "Bakit? Ano ba ang mga Montemayor sa paningin mo?"
She surveyed me wholly bago sumagot. "Ang mga babaeng Montemayor ay mahinhin, maingat sa salita at hindi papalit-palit ng boyfriend."
Pahisterya akong tumawa. "Oh? Baka lalaking Montemayor ako," sagot ko. She is now exasperated pero hindi na naman nagsalita pa kaya tumahimik na rin ako.
She checked her watch. "Baka hinihintay na ako ni Rej," she murmured at binalingan ang lalaking nagpi-print. "Matagal pa ba iyan, Kuya?" She asked in a voice enough for the guy to hear.
"Sampu na lamang, Ma'am." Sagot naman nito.
Nang napansin ni Lily-anne ang pagkatahimik ko ay pinagmasdan niya ang mukha ko habang ngumingisi. Nang binalingan ko siya ay mas lumapad pa ang ngisi niya.
"Sinong ka-close ni Rej sa klase niyo?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Kung tungkol kay Regis ang tanong niya ay mali siya ng taong pinagtanungan.
I shrugged. "Hindi ko alam."
Tumango naman siya. "Siguraduhin niya lang talaga na walang umaaligid-aligid sa kanyang babae kung hindi..."
Sinadya pa niya talagang huwag ipagpatuloy ang sasabihin. Hindi naman ako interesado. Pakialam ko ba kung may namamagitan sa kanilang dalawa.
Binalik ko ang tingin sa field habang nakatingin pa rin siya sa akin while a smile is still plastered on her face.
"Pero wala ba talaga?" Tanong niya ulit, may tonong pang-uusisa. Hindi ko siya sinagot. Wala naman din akong alam.
Tumango-tango siya at pinagkrus ang mga braso. "Sabagay, bihira lang naman ang babaeng ka-lebel niya," she said and then shrugged.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi naman siya mali sa sinabi niya kasi totoo naman talaga pero ibig ba niyang sabihin na isa siya sa mga pambihirang babae na tinutukoy niya na ka-lebel ni Regis?
Who? Lily-anne? Really?
Sinuyod ko ang kabuuan niya ng pasikreto, examining if she definitely passed the standards the people have set for Regis' future girlfriend.
Future girlfriend? Girlfriend na lang kung totoong sila nga nitong si Lily-anne. Imagining the both of them staying in the Student Council Room na naglalambingan habang inaabala ni Regis ang ibang miyembro sa gawain para maiwanan silang dalawa ni Lily-anne made my blood boil for no reason. Or maybe there is? I just can't point it out.
That ruined the great image of Regis, the King for me. Well, I cannot judge. I'm imperfect as it is.
"Tapos na po!" Tawag ng lalaking nag-print na kaagad namang nilapitan ni Lily-anne at nagbayad na. Nilagay ang mga pina-print sa dalawang medyo malalaking paper bag kaya ako ang nagdala sa isa.
Habang nasa daan pabalik sa Student Council Room ay nauna siya ulit sa paglalakad. Tahimik lamang kaming dalawa dahil wala rin naman akong planong makipag-usap.
"Le'! Teka lang!" Si Owen na papalapit sa direksyon ko. Nagmamadali siyang bumaba sa hagdanan papuntang field kung nasaan kaming dalawa ni Lily-anne. "May party mamaya sa mansion. Dad got you this," sabi niya nang nakalapit before handing me an invitation card na tinanggap ko naman kaagad. It wasn't all plain though, it has intricate designs in it at may nakasulat sa harap.
"Gomez's Wedding Anniversary," sambit ko nang nabasa ang nakasulat. "Pang-ilan na ba nila Tito at Tita?"
"26th," sagot niya at ngumiti. "Oh, ibigay mo iyan kina Tito ah. Pumunta ka!"
I nodded and chuckled. "They won't go to a party without me, Owen." I answered. "Lalo na't dito lang rin naman sa Ayazo gaganapin," dagdag ko.
I waved the invitation card in front of him. "Sige, ipapaalam ko kina Mama."
Tumango naman siya sa akin at lumingon sa kasama ko hindi kalayuan sa amin. Napawi kaagad ang ngiti ni Owen nang nagkatinginan sila ni Lily-anne.
"Mauna na ako. Sumunod ka na lang," paalam ni Lily-anne at tinalikuran na kami para mauna nang maglakad.
Tumikhim si Owen bago ako binalingan ulit. "Aasahan ko 'yan!" Sabi niya bago umalis.
Pagkapasok ko sa silid ay nakita ko si Lily-anne na nakatayo na sa gilid ng upuan ni Regis. Lumapit ako sa lamesa niya at nilapag ang bitbit kong paper bag. Babalik na sana ako sa pwesto ko nang magsalita si Regis.
"Iwan mo na iyan diyan. Pwede ka ng umalis at magdilig sa hardin."
Annoyance filled inside me immediately.
"Can't you say it without the hint of an order? Nakakainis ka, hindi mo ako alipin!" I shot back as soon as I turned to him and Lily-anne na nakapatong ang siko sa likod ng upuan ni Regis.
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Regis. "Wala naman akong sinasabi na hindi ka naiinis ah?" He asked which is actually not. Throwing a question which is not a question really.
"Whatever."
I then stormed out of the room para magtungo sa hardin. Inis kong hinihila ang hose at nilagay sa unang hilera ng mga halaman. Bumalik ako sa gawi kung nasaan ang hose kanina and turned on the faucet. Dumaloy naman kaagad ang tubig kaya't nagsimula na akong magdilig.
I don't fancy plants but the garden takes away my annoyance. It gives oxygen in exchange for carbon dioxide so the garden I'm at let me breathe fresh air. My annoyance suddenly faded away without me noticing. It's amazing!
Nang nasa huling hilera na ako ng mga halaman ay sumulpot bigla ang taong dahilan ng inis ko kanina.
"Malapit ka na pala matapos," anito. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa at baka bumalik pa ang inis ko. Nang hindi ko siya sinagot ay naglakad siya sa kung saan. Baka umalis na pagkatapos akong masiguradong ginawa ko nga ang pagdidilig sa mga halaman.
I heard rumbling of metals somewhere near me. Pupuntahan ko sana para alamin kung may pusa bang nangialam sa mga gamit pero nakita ko si Regis na galing doon sa narinig kong ingay kaya hindi na ako tumuloy pa at inabala na lamang ang sarili sa pagdidilig.
Hindi pusa... ASOngot pala.
Kung bakit siya nandito ay hindi ko alam at wala rin naman akong balak na magtanong. As much as possible, if we avoid talking to each other and prevent ourselves from getting to each other's nerves, I believe we can be in the same place peacefully.
I saw him cultivating some of the plant's soil. Hindi ko alam na mahilig pala ang haring ito sa mga halaman. Hindi halata but then again, I don't know much about him. Kung meron man akong nalalaman, common knowledge lang iyon.
Nang matapos ay niligpit ko na ang hose. "Don't pull it by force," komento niya nang hinila ko ang hose dahil naipit sa bato.
"Sabing huwag mo akong utusan eh! Hindi mo nga ako alipin," inis na sabi ko habang pwersahang hinihila ang hose.
Tumayo siya at pinuntahan ang parte ng hose na naipit at inalis ito sa pagkakaipit sa bato. Nang natapos siya ay madali ko ng nahila ang hose.
Nang matapos kong isauli ang hose sa pinaglagyan ay bumalik ako sa pinanggalingan ko at niligpit ang sprinkler na nakakalat kanina.
"Hindi kita alipin."
I held my chest dahil sa gulat bago lumingon kay Regis sa likuran ko. I looked at him with my piercing eyes.
"Oh? Ano ako kung gano'n?!" Tanong ko habang hinahaplos ang didbid ko, pinapakalma ang sarili dahil sa gulat.
"My queen."
I choked.
I don't want to say that the world suddenly stopped but it froze. I don't want to admit that my heart skipped a beat but it did. I then felt my heart beats too quickly that I can almost hear it. The beating is too strong that I am afraid I might die from a heart attack.
I shook my head and laughed.
"This is arrhythmia."
_______________________________________________