The field trip will take place in Santa Monica or what we called SanMon. From Ayazo, dadaan muna kami sa Belzac at San Carlos. Nasa kalagitnaan na kami ng San Carlos pero wala man lang akong ibang ginawa kung hindi maupo at makinig ng music. Kahit anong ingay nila Ayii at Jay ay hindi ako nakikisali dahil hindi ako mapanatag na magkatabi kami ni Regis.
Akala ko kasi hihiwalay siya ng bus kasama ang mga miyembro ng Council kaya ngayon na nandito siya at magkatabi pa talaga kami, hindi ako nakakagalaw masyado. His presence is keeping me still.
Ang laki ng ginhawa ko nang nakarating na kami sa Charlotta Resort. Dito gaganapin ang field trip. This resort was suggested by one of our teachers, gusto daw kasi ng may-ari na matauhan bago simulan ang renovation.
The resort focuses its interior in woods and bamboos. The rooms here are designed as nipa huts pero may aircon naman. Our class was divided into four rooms, dalawang room para sa mga babae at ganoon din sa mga lalaki.
"Nagdala talaga ako ng swimsuit, ang ganda ng beach!" Excited na sabi ni Millie habang papasok sa silid namin galing sa teresa.
"Oo nga! This resort is not high-end pero ang ganda ng pwesto. Siguradong magiging patok 'to kapag ire-renovate," saad ni Ayii na nakahiga sa kama habang nagtitipa sa kanyang cellphone.
"Walang activities ngayong hapon, right? Tapos na ba kayong mag-ayos?" Tanong ni Millie sa amin.
Hindi na kami nag-abalang ilabas pa ang mga damit at iibang gamit namin na nakalagay sa dala naming bag dahil uuwi rin naman kami bukas ng hapon kaya wala kaming masyadong aayusin dito.
"Let's tour around the resort! O maligo kaya tayo?"
"Hindi pa tayo pwede maligo hanggang hindi pa pinapayagan kaya maglibot na lamang muna tayo," ani ni Jay habang inaayos ang nagusot na bedsheet niya.
"Yey! Tara, dali!"
Yvon and Millie excitedly went out bringing their selfie sticks. Hindi ko na dinala pa ang cellphone ko dahil kaka-charge ko pa lamang.
Labing-dalawa kaming lahat sa iisang nipa hut. It can accommodate 12 people because the hut is large enough. Lumabas kaming lahat at inuna ang beach sa paglilibot. Maganda ang tanawin sa beach kaya natatagalan ang iba dahil sa pagkukuha ng mga litrato. Kalaunan ay nag iba-iba na rin kami ng landas at napagkasunduang bumalik sa hut bago magtakip-silim.
I'm with Ayii and Jay pero busy sila sa pagse-selfie. Bad timing naman at lowbat ako ngayon! But they never made me feel out of place dahil hinihila at sinasali naman nila ako sa pagse-selfie nila kaya okay na lang din. May bukas pa naman, I'll make up taking enough pictures na hindi ko magawa ngayon.
Ayii and I are now covering Jay's legs with sand making her look like a mermaid at nang patapos na ay inutusan ako ni Ayii na kumuha ng seashells para ipalamuti. I thought she hated field trips but I see that she is enjoying it now. She's even acting like a 5-year-old kid, giggling while patting Jay's legs covered with sand.
Lumayo-layo ako sa gawi nilang dalawa at nagpunta sa parte kung saan may mga seashells. I was seriously picking good looking shells at nang nakahanap ako ng lima ay babalik na sana ako sa direksyon ng mga kaibigan ko when I saw a white horse conch with a touch of bright orange.
My eyes then glimmered at the sight of it kaya naglakad ako patungo sa dagat dahilan para mabasa ang halos kalahati ng binti ko.
I caressed its exterior and examined it wholly. It's not that big, it's just half of the size of my palm.
"Hey, Le'! Come back here," sigaw ni Ayii sa akin habang kinakawayan ako mula sa pwesto nila.
"Nakarinig ka ng calling? Sa tingin mo ba mermaid ka in your past life?" Nang-aasar na tanong ni Jay habang palapit ako sa kanila.
"Sira! I just found something," sagot ko at nilahad kay Ayii ang nakolekta kong seashells.
"Natagalan ka pa talaga para sa limang 'to ah!?" Iritadong tanong ni Ayii. She stood up at humawak sa kanyang bewang. "Ako na nga lang ang kukuha. Kulang iyang nakuha mo, Le'!" Sabi niya at naglakad sa kabilang bahagi na pinagkunan ko kanina.
"Iche-check ko lamang ang cellphone ko. Babalik din ako kaagad," paalam ko kay Jay bago naglakad pabalik sa hut namin.
Nakalayo na ako kay Jay at malapit na lamang at makikita ko na ang hut but I stopped walking when the sunset caught my attention. Nagkukulay kahel na ang kalangitan and the clouds are moving together looking like cotton candy. The sea was calm and serene. The scenery I am looking at is perfect.
Such a perfect scenery is in front of an imperfect person. How can a disastrous lady stand up in front of such a wondrous view? I am full of flaws yet I am still blessed by this beautiful scenery. God is indeed fair.
I placed my right hand in my chest, feeling my heartbeat. The sea was calm as well as my heart. I sighed and felt relieved. This is good. I hope it stays like this even with or without the presence of that certain someone.
"May flag ceremony ba?"
Kagad akong napalingon sa likuran ko nang may nagtanong.
Ah, here comes that certain someone.
I then saw Regis, standing near the coconut tree. Binaba ko ang kamay ko, the reason why he came to sarcastically asked if there's a flag ceremony. Of course, there is not, this is a beach! I wanna knack that thought in his head.
Tumingala ako sa walang alam na rason.
"I wish that coconut falls right this instant," I said and looked at him.
I saw how his lips rose a bit. He walked towards me and stopped until he's beside me with enough distance.
I looked back at the scenery I was enjoying earlier, indulging myself. I opened my clenched fist and that revealed the horse conch I found earlier. I closed my left eye at inangat ang dala kong seashell at pwinesto sa ilalim ng sunset which its orangey color then blended with the sun's light. I angled it right for a better sight.
"It's pretty right? This is a horse conch," I said while showing him the shell I'm holding.
Tumango naman siya. "You're prettier," he whispered not enough for me to hear. He shook off his head.
Tinuro niya ang nakaangat kong seashell. "That's Triplofosus papillosus," he said.
I rolled my eyes at him. Edi siya na matalino, amp!
"It's too long and it's so hard to pronounce. Horse conch is better." I said and he just shrugged.
I raised my other hand and formed a letter L pretending that I'm holding a camera and taking a picture of what I am doing. I smiled imagining it's a perfect shot. I could have taken this shot if only I brought my cellphone. This scenery is such a waste not to take a picture.
I heard a click of a camera sound from my side kaya napatingin ako kay Regis na nakahawak sa kanyang cellphone habang nakatuon sa akin ang camera. Kagad niya naman itong inilipat sa dagat na may papalubog na araw.
"Hey," tawag ko sa kanya pero hindi man lang niya ako nilingon. "Hey, could you take a picture of this?" I said at nginuso ang mga kamay ko na nasa ere.
He turned to me at tiningnan ang mga kamay ko. He was just silent so I frowned. I took his silence as a no. I realized that he won't do it. I forgot who was I asking. Of course, it's him. No other than Regis, The King!
Nang ibababa ko na sana ang mga kamay ko ay mas lumapit siya sa akin at kinunan ng litrato ang kamay kong nakahawak ng seashell na nakatuon sa sunset at sa dagat.
He showed me the picture he took and it was indeed great! I smiled while zooming the picture in and out.
"It's great!" I happily said habang nakatingin sa kuha niya.
"A picturesque," I heard him mumble which made me look at him. He is now looking at me intently. His stare is overwhelming like the scenery in front of us is not that overwhelming already.
I don't know what to say. I don't know what he meant by that but I took that as an appreciation from the shot he had. He was looking at me while saying that but I am sure it was intended for the picture I asked him to take. I know because I am not a wonderful scenery.
I shrugged and looked back at the view we have. "I-send mo na lang sa akin," sabi ko at iniwan siya para bumalik sa hut.
"No beer? Juice lang, seryoso?" Disappointed na tanong ni Yvon nang nag-distribute si Migs ng cup ng juice sa buong klase namin. Gabi na at nandito kami sa beach habang pinapalibutan ang campfire.
The ocean is giving cold breeze adding to the already cold temperature so we wrapped ourselves with blankets and the fire on the center helped a lot to keep us all warm.
"Alam ko naman na heavy drinker halos kayong lahat pero sorry to disappoint your liver at juice lang muna sa ngayon," maarteng sagot ni Migs habang pinapagpagan ang tumbang kahoy na uupuan.
Tumawa naman ang mga kaklase ko sa naging sagot ng baklang si Migs.
"Ano namang gagawin natin ngayon? Patagalan ng init sa katawan gano'n?" Sarkastikong tanong ni Millie pagkatapos inumin ng isang lagok ang hawak na juice. Feel na feel talaga niyang beer ang ininom niya.
"Ay naku, parang ganoon talaga! Kaya kayong magjowa dito sa klase natin, magyakapan na kayo para dagdag ng init sa katawan," natatawang saad ni Migs. "Pero iw, huwag kayong maghalikan habang nandito kami ah. Mahiya naman kayo sa mga single na katulad ko." Nandidiring dagdag niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.
Napuno ulit kami ng tawanan dahil sa sinabi ni Migs.
"Ang boring naman!" Ani ng lalaki kong kaklase.
"Truth or Dare na lang kaya?" Yvon suggested. Nagtanguan naman ang halos lahat, sang-ayon sa suhestiyon. Kumuha si Yvon ng bottle hindi kalayuan sa pwesto namin at pumunta siya sa gitna naming lahat.
"Ganito ah. One will spin this bottle at kung sino ang ituturo nitong may cap ay siya ang pipili kung truth ba o dare at kung sino ang ituturo ng bottle on the other end, siya ang magdedesisyon kung ano ang ipapagawa kung dare ang pinili o itatanong kung ang pinili ay truth." Mahabang paliwanag ni Yvon sa aming lahat. Wala namang umalma kaya napagkasunduan kaagad. "Tapos bawal KJ ha! May punishment dapat kapag hindi ginawa."
"May time limit dapat... uh mga 15 seconds," saad ni Millie.
"Sige, simulan na natin. Ako ang magsp-spin,"
This game is common pero masaya pa rin siya laruin lalo na't sa mga malalaking grupo. I heard Jay wishing na sana hindi siya ang ituturo ng bottle kapag hihinto meanwhile, I am just confidently sitting on my seat while sipping on my juice. Kahit maturo man ako o hindi, I will just choose either of the two without a big deal. This is just a play game after all.
It's the fourth spin nang tumigil ang empty bottle at itinuro nito si Ayii. Pumalakpak si Sofia nang siya ang itinuro ng base ng bottle.
Sofia cleared her throat. "Truth or Dare?"
Ngumiti naman ang kaibigan ko bago sumagot. "Dare para exciting!"
"Okay, then." Ngumisi si Sofia at sumulyap kay Andrei na katabi niya. "Kiss Andrei."
Tumaas ang kilay ni Ayii sa utos ni Sofia at kaagad na naglakad palapit sa direksyon ni Andrei na kasalukuyang inaasar ng mga katabi. Hindi naman mapakali si Andrei sa inuupuan na nagtangka pang tumakas na kaagad namang pinigilan nila Sofia.
Nang nakatayo na si Ayii sa tapat ni Andrei ay yumuko siya at hinalikan ang lalaki sa pisngi. Andrei immediately flushed red. The guy's fair so when he blushed, it's visible even from here.
Nalunod naman ng asaran ang grupo namin pagkatapos tumayo at bumalik si Ayii sa tabi ko na parang wala lang ang paghalik niya sa lalaking inaasar namin ngayon.
"Ay, ang daya! Dapat sa lips," nasasayangan na sabi ni Sofia.
"Tama lang 'yon! Wala kang sinabi," Ayii defended. Hinampas ng mahina ni Jay si Ayii sa braso at nagbungisngisan sila.
"Sayang! Crush ka pa naman ni Andrei-"
Kagad namang tinakpan ni Andrei ang bibig ni Sofia para pigilan ito sa pagsasalita pero huli na dahil narinig na namin.
Nang i-spin ni Yvon ang bottle ay itinuro nito si Migs na maarteng nakatitig sa nail polish niya.
"Hala, yes! Ano Miggy, truth or dare?" Tanong ni Evan na katapat nito.
"Katotohanan!" Sigaw niya sa malalim na boses habang itinaas ang isang kamay na nakakuyom. Para siyang kasamahan ni Andres Bonifacio noong unang panahon pero ngayon, wala siyang ipinaglalaban.
I laughed at the thought.
"Aba! Eto ah," Evan even stall kaya kaagad namang nainip si Migs. "Sinong crush mo sa kaklase natin?"
Kaagad namang nandiri si Migs nang narinig ang tanong ni Evan. "Wala na akong crush dito ngayon eh, pero sige."
Tumango-tango pa muna siya, kinukumbinsi ang sarili. "Of course, si Regis ang crush ko. Sino bang hindi? Ultimo ako na bakla ay nalalaglag ang panty noong unang kita ko pa lang sa kanya." Natawa at nang-asar naman ang halos lahat. Tinusok-tusok pa ni Millie ang tagiliran ni Migs.
Looking at the people around me, their response is somewhat normal. Sa reaksyon nila na hindi man lang nagulat ay parang sanay na silang makarinig ang ganitong mga confession. It looked like Migs haven't spilled something shocking seeing that they are laughing without a hint of shock in their faces. Habang ako ay natahimik sa sagot, abala naman ang lahat sa pang-aasar kay Regis at Migs. It seems like it's not new to hear even to Ayii and Jay.
My eyes wandered when my eyes meet Regis'. Nakikitawa at nakikiasar din naman siya but he was never awkward even after hearing that from a friend. Normal na ba sa kanya na may mga kaibigan siyang nagkakagusto sa kanya? If that's what it is, ilan sa mga kaibigan niya ang may gusto sa kanya? Does he have any friends who doesn't have any intentions but only consider him as a pure friend?
Nakaramdam kaagad ako ng iritasyon. Regis, staring at me despite all the teasing from our classmates made me annoyed more. How can he stare at me habang kinakantyawan siya ng lahat dahil nag-confess ang kaibigan niya?
I don't know why I am thinking this but I looked like a jealous girlfriend because someone confessed to my boyfriend. I shook off my head to eliminate the weird thought I have in mind. I smoothly glided my eyes away from him.
Iritado ako sa kanya pero mas iritado ako sa sarili ko. Why am I irritated without a reason? Of course, there is a reason why Le' Pauline! I just don't want to admit it.
The fun I felt earlier faded at napalitan ng iritasyon. All I know is I want this game to end at para makatulog na ako! Nakailang ikot pa ang empty bottle at nagpatuloy ang laro nang hindi ako natuturo na ipinagpapasalamat ko. Kay Jay tumapat ang lid ng empty bottle at ang pinili niya ay dare kaya nautusan siyang mag-sexy dance dahilan ng malakas na sigawan.
I laughed a little but I am not really in the mood. Maybe I was but I am not right now.
"Oy! Si Le' na!" Millie clapped dahilan bakit ako napalingon sa kanya. I lazily nodded at her.
"Ask away."
Kumunot ang noo ni Millie at itinuro ang kabilang side niya kaya tumingin din ako sa kung sino ang itinuro niya.
"Regis, ask away na daw!" Leanne said while shaking Regis. My eyes immediately rolled at the sight of him.
Kung kailan wala ako sa mood, tsaka naman ako naturo ng punyetang empty bottle na iyan. Kung gaano ako kaswerte kaninang hapon dahil sa magandang tanawin sa baybayin ganoon naman ako kamalas sa gabing ito. Isinama pang si Regis ang katapat ng empty bottle, malas talagang tunay!
I sighed and raised my brow while glaring at him. "Truth," hindi ko na siya hinintay at sumagot ng walang sa sarili. I want this to end at para makatulog na ako!
Regis looked away and cleared his throat. Leanne tugged his shirt to encourage him. Nang tumingin siya sa akin muli, his dark eyes blended with the night sky.
Nag-aabang naman ang mga kaklase ko sa kung anong itatanong ni Regis.
"Why..." Pauna niyang sabi. Nabuhay naman ang kuryosidad ng mga kaklase ko dahil sa pagtigil niya. I heard him sigh. What is the question that makes him sigh?
"Why do you hate me?"
Ang mga ulo ng mga kaklase ko ay kaagad na lumipat sa direksyon ko mula sa pagkakabaling kay Regis.
Namutawi ang katahimikan sa grupo namin to the point that I can almost hear the whirring sound of the wind and the aggressive waves beating the coastline.
Back then, that question is the easiest to answer. When someone asks me that, I can easily answer why. I can even give them a long list of the reasons why I hate Regis, The King. I was waiting for so long for him to ask me that but right now... I don't have the answer to that question.
The easiest question to answer back then became the hardest question for me right at this moment. Maybe, I even lost the answers along the way.
In that 'way' I mean... how my feelings change towards him.
Did it ever change? Or was it buried that only grew?
__________________________________________________________________