Chapter 29 Jared Crisostomo's Point of View "Sh*t!" I cursed habang nasa loob ng kotse. Umaga pa lang at sobrang tindi na ng traffic. Kailangan kong puntahan si Clarion dahil baka nagtatampo na siya sa akin. Hindi kasi ako nakatawag man lang sa kanya kahapon. Ilang days na din kami halos hindi nagkikita dahil sa company namin. Busy ako kahapon dahil ang kompanya namin ay ililipat na sa pangalan ko. Tapos ng papunta na ako sa kanya ay nasalubong ko naman ang isa sa mga stock holders ko na si Mr. Monteverde at niyaya akong mag-dinner. Ewan ko ba kung minamalas ako dahil umuwi galing Australia ang mga grandparents ko. Nawalan ako ng time sa kanya. Pagdating ko sa apartment ay agad akong kumatok, excited ako na makita siya pero nakailan na akong katok ay 'di pa din niya ako pinagbubuksan.

