Chapter 30 Reese Mendez; Point of View "Ma'am may bisita po kayo," sabi ng isa sa mga katulong ko. Kagagaling ko lang sa shop ko- ang Home and Furnitures. "Who?" Tanong ko. "Daddy niyo daw po." Nanlaki ang mga mata ko at agad pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko ang isang lalaki, wearing his business suit, drinking his coffee and comfortably sitting in the sofa. "Daddy!" sigaw ko at tumingin siya sa akin. Tumayo siya at ngumiti sa akin. "Reese, my baby!!" Sa sobrang sabik ko ay patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Hindi halatang namiss mo ko ah." "Naman Dad! Ilang buwan din tayong hindi nagkita. I miss you so much Dad," I said at mas niyakap siya ng mahigpit. "I miss you too baby." Then he kiss my forehead. "Dad, magi-stay ka na ba dito sa Philippines?"

