Chapter 37 Clarion Gonzales' Point of View Sa huli ay napapayag ko ring makipag-usapb si Jared kay Reese. Sabay kaming pumasok sa living room at doon ay nakita namin siyang nakaupo sa sofa kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 40's. "Anong kailangan niyo?!" Pasigaw na tanong ni Jared. "Clarion..." tawag ni Reese sa akin. Nagulat ako ng lumapit siya at niyakap ako. Kitang kita ko ang pagkalito ni Jared sa nasaksihan. Mas lalo na ako, gulat na gulat. Ang babaeng sumira sa aming dalawa ay niyayakap ako. Anong palabas na naman kaya ang ginagawa niya? "I'm sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry," she said while crying. "T-teka lang..." Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ngayon. "Sorry. Sorry Ate." Ha? Ano daw? Ate? Tama ba ang dinig ko. Tinawag niya akong ate? "Ano? An

