Chapter 38 Clarion Gonzales' Point of View "Reese, saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. "Basta Ate relax ka alang diyan," sagot niya sa akin habang nagmamaneho. Tiningnan ko lang siya at napabuntong hininga. Hindi ko tuloy maiwasang pag-isipan siya ng masama. Hindi ko pa kasi alam ang takbo ng pag-iisip niya. "Baka may binabalak kang masama ah!" "Ano ka ba 'te? Forget the past okay? Kung ako sayo mautulog na alang muna ako." "Hay nako Reese." at dahil nga sa buntis ako ay nakaramdam ako ng antok. Nagising ako nang may bahagyang tumatampal sa pisngi ko. "Reese?" "Nandito na tayo Ate." she said kaya lumabas na kami. Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa isang burol kami at puro christmas lights ang paligid. Meron d

