Chapter 32 Clarion Gonzales' Point of View "Ate, salamat po! Balik po kayo ulit!" sabi ko at iniabot na sa ale ang mga binili niyang gulay. "Clarion! Hija! Dapat nasa bahay ka na lang. Hindi ka na dapat nagpapagod.Ang laki-laki na ng tiyan mo. Ilang buwan na ba yan?" tanong ni Aling Betty-ang may-ari ng gulayang pinagtratrabahuan ko. "Pito na po. Kailangan ko kasing mag-ipon para sa panganganak ko." Pitong buwan na ang nakalipas ng umalis ako at nagpakalayo-layo. Dito ako napadpad sa probinsya ng Bulacan. Isang buwan simula noon, nalaman kong nagdadalang tao ako. "Bakit 'di mo kasi sabihin sa tatay niyang dinadala mo ang kalagayan mo? Hindi madali ang pagpapalaki ng anak lalo pa't mag-isa ka lang." Malaki ang pagpapasalamat ko kay Aling Betty. Siya ang tumayong ina ko. Siya ang kasa

