Chapter 33 3rd Person's Point if View "Magkano dito?" tanong ng isang lalaking mamimili sabay hawak sa isang tali ng pechay. "Limang piso po," sagot ni Clarion na abala sa pagtatali ng ilang gulay. "Pilian mo nga ako. 'Yung maganda ang dahon ah." "Sige po." Habang pinipilian ni Clarion ng pechay ang lalaki ay matamang tinitigan siya nito. Patago niyang kinuha ang isang larawan sa kanyang bulsa at lihim na ikinukumpara siya rito. At nanlaki ang mga mata niya ng mapagtantong iisa ang babaeng nasa litrato at ang babaeng nasa harapan niya. "Kuya ito na po." Abot ni Clarion sa lalaki. "Bago ka lang ba dito sa lugar? Ngayon lang kasi kita nakita." sabi niya at tumango naman si Clarion sa kanya. "Opo. Mga pitong buwan pa lang ako dito," sagot ni Clarion sa kanya. "Anong pangalan mo?" "C

