Chapter 25 Clarion Gonzales' Point of View "Clarion, sigurado ka bang ligtas kainin ' to?" tanong ng mahal kong boyfriend habang sinusuri ang isang isaw. Sorry naman, proud na proud ako dahil may boyfriend na ako at si Jared Crisostomo pa! "Yup! Masarap 'yan! Kung nakakamatay 'yan eh 'di sana patay na din yung mga kumakain niyan. 'Wag ka na kasi mandiri. Masarap iyan, maniwala ka sa akin," I said at ibinigay sa kanya ang isang stick ng isaw. Wala siyang nagawa at kinuha na ito sa akin. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko. Ayaw ko naman kasing ipahiya itong si Jared. Grabe! Pikit mata pa niyang kinain ang isaw. Iba talaga kapag anak mayaman. "So, ano?" tanong ko nang makita kong nilunok na niya ang isaw. "Well, okay na," sagot niya. Sunod ko siyang dinala sa bentahan ng fishballs.

