Chapter 26 Jared Crisostomo's Point of View "Mang Tomas, nalinis niyo na po ba ang kotse ko?" tanong ko sa driver ko habang inaayos ang buhok ko. "Opo sir! Pinakintab ko pa yan!" sagot niya. Nakita ko naman na makintab na makintab ang itim na kotse ko. "Salamat Mang Tom!" I said. 'Nako Sir, mukhang may date kayo ngayon ah. Pormadong pormado ka. Sure po kayong ikaw na po ang magda-drive? Hindi niyo po ako kailangan?" sunod-sunod na tanong niya sa akin at ngumiti naman ako sa kanya. "Alam mo Mang Tomas," lumapit ako sa kanya at inakbayan. "Kaya ko na 'to. Siyempre date ko ito. Privacy hindi ba." "Oo nga naman, Sir," sabi niya at napakamot pa sa ulo niya. Dumukot ako ng dalawang libong piso sa bulsa ko ay iniabot ko iyon sa kanya. "O ito Mang Tom, pang-date mo." "Ha? Eh sino naman an

