Daphne Halos wala akong tulog simula kagabi dahil paputol-putol ito. Sa lahat ng mga naging misyon ko ay ngayon lang ako nahirapan ng ganito. Dati ay wala pang isang linggo ay nalalaman ko na agad ang aking gagawin. Kahit na mahirap ang naibibigay sa akin na misyon noon ay nagagawan ko ng paraan agad at nalalaman ko ang aking gagawin pero ngayon ay wala akong kahit ni isang clue. Ang isa ring bumabagabag sa akin simula kagabi ay iyong sinabi ni Zach. Gusto kong maniwala rin sa sinabi ng aking asawa pero bakit pakiramdam ko ay may alam siya tungkol kay Vladimir. Bakit pakiramdam ko ay hindi siya nagsasabi ng totoo sa akin? Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kanya kaso ayoko na rin namang mag-away kami ulit. Ang sakit ng aking ulo pero ayoko namang umabsent sa aking misyon ngayon lal

