Marcus? Tinawag niya akong Marcus... Napatingin ako sa salamin na nasa aking gilid at doon ko nasaksihan ang aking anyo. Isang anyo na hindi pamilyar sa akin, isang katauhan ng binatilyo na hindi ko kilala na nag ngangalang Marcus.
"Ipangako mo sa akin na hindi mo na uulitin ang ginawa mo. Ilang beses ba namin sasabihin sa iyo na hindi magandang ideya ang pagpapatiwakal"
Napahawak ako sa aking leeg. Ang hapdi sa aking leeg ay hindi dahil sa goma na ginamit sa akin upang ako ay sakalin bagkus ito ay dahil sa taling ginamit ng katauhang ito upang magpatiwakal.
Napapatulala na lang ako sa salamin habang tinitingnan ko ang katawan na ito. Kahit sa anong anggulo ay hindi ko kilala ang taong ito.
"Marcus nakikinig ka ba?"
"Alam kong madami kaming pagkukulang sa iyo pero sana mapatawad mo kami. Sinusubukan ko naman Marcus na maging mabuting kapatid sa iyo"
Siya pala ay kapatid ng lalakeng may ari ng katawan na ito.
"May masakit ba sa iyo?" tanong nito.
"Walang masakit sa akin pero patawad pero hindi kita kilala" banggit ko,
Napatingin siya sa doktor ng marinig niya ang sinabi ko. Mas mapapasama ako kung ipapaliwanag ko sa kanya na hindi ako ang kanyang kapatid at naligaw lamang din ako sa katawan na ito. Hindi naman ako nagsisinungaling sa sinabi ko na hindi ko siya kilala.
"Dok bakit hindi niya ako maalala? Normal lang po ba ito?" tanong niya.
"Sa mga case na naihandle ko, this is the first that the person na sinubukang iligtas from suicide ay nagkaroon ng amnesia. This is a rare case" sabi ng doktor.
"Siguro naguguluhan ka ngayon pero ako si Anthony Villanueva at ikaw si Marcus Ramos. Kapatid mo ako sa ama. We are half brothers pero isa ka sa tinatagong anak sa labas ng aming ama. We are close to each other even if we are just half brothers"
Hindi ko man lang kilala kung sino ang may ari ng katawan na ito at higit sa lahat kailangan kong malaman at mahanap kung nasaan ang aking katawan upang makabalik na ako sa aking dating katawan.
"Kuya pwede ko ba malaman kung anong oras na ngayon?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa kanyang relo at sinabi "1:44 am"
1:44 am pa lang ilang oras pa lang ang nakakaraan ng maganap ang insidente na ako ay nahulog sa gusali.
"Kuya paabot nga ako ng remote" utos ko.
Inabot niya sa akin ang remote ng tv at dali-dali kong binuksan ang tv. Sa aking pagbukas ng Tv ay bumungad agad sa akin ang balita tungkol kay Nathan Santiago.
"Natagpuang nakahandusay at duguan ang katawan ng kilalang milyonaryo na si Nathan Santiago sa labas ng kanyang gusali. Agad na dumating ang tulong ng matagpuan ang binatilyo ngunit ng madala ito sa ospital ay di na tumagal ang paghinga nito at binawian kaagad ng buhay. Nagtapos ang buhay ni Mr. Nathan Santiago sa edad na 27. Napag alaman na ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay suicide"
Patay na ako? Patay na si Nathan Santiago. Bakit nila sinasabi na ang nangyari sa akin ay suicide. Hindi ito suicide. Ito ay isang krimen ng pagpatay.