Kabanata 5

562 Words
Patay na ako? Patay na si Nathan Santiago. Bakit nila sinasabi na ang nangyari sa akin ay suicide. Hindi ito suicide. Ito ay isang krimen ng pagpatay. Kailangan kong umalis at makita ang aking bangkay sa aking dalawang mata. Hindi pwedeng masabi nila na ako ay patay na ng basta basta. Pinilit kong tumayo kahit na hinang-hina pa ang aking buong katawan.  "Marcus, bakit ka tumayo? Saan ka ba pupunta?" "Bumalik ka dito, hindi ka pa pwedeng umalis at gumala. Kailangan mo pang magpahinga" banggit nito. Hinawakan niya ang aking braso upang pigilan ako sa pag alis ngunit sinubukan ko pa din na tanggalin ang kanyang pagkakakapit sa akin. Patawad Marcus na nagiging suwail ka sa mata ng iyong kapatid dahil sa aking desisyon. "Saan ka pupunta? Hayaan mo akong samahan ka. Huwag yung ganito na basta ka na lang magpupumilit na umalis"   Ang aking bangkay ay kasalukuyan na nasa kaparehas na ospital kung nasaan ako ngayon at marahil ang aking katawan ay nasa punerarya ng ospital. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita ang aking katawan na hindi na humihinga at walang buhay. "Gusto ko pumunta sa punerarya ng ospital na ito" Alam kong magmumukha akong tanga pero nais ko lang talaga na makasigurado at kahit sa huling sandali ay masilayan ang aking sarili. Hindi ko pa din kasi matanggap na lumipat ang aking diwa sa katawan ng isang binatilyo na hindi ko naman kilala. "Anong gagawin mo sa punerarya?" tanong niya. "May nais lang akong makita. Pwede mo ba ako pagbigyan kahit ngayon lang kuya?"  Pinayagan niya ako at sa katunayan ay sinamahan at inalalayan niya ako sa paglalakad papuntang punerarya. Sa bawat paghakbang ko ay ang naririnig ko ay iyakan ng mga kapamilya ng mga pasyenteng namatay ngunit ni isa ay walang umiiyak para sa akin. Masyado yata akong naging abala sa paghahanap ng pera at nakalimutan ko ng makipag kaibigan sa iba at magbuo ng sariling pamilya. Ano bang magagawa ko gayung hindi naman kasi ako interesado sa ganung bagay? Pumasok kami sa punerarya at natagpuan ang madaming bangkay na nakahandusay. Lumapit ako sa bangkay ni Nathan Santiago at binuksan ito. Isang kaawa-awang lalake. "Kilala mo ba siya? Di ba siya yung sikat na lalakeng binalita saTV na namatay dahil sa pagtitiwakal? Grabe talaga ang mga mayayaman kahit nasa kanila na ang lahat. Di man lang marunong magpahalaga sa buhay. Ang saya-saya mabuhay tapos bigla na lang nila tatapusin ang buhay nila ng basta basta" Hindi ako nagpakamatay. May nagtangkang pumatay sa akin. Sinakal niya ako, tinakot, at hinulog sa gusali. Mahal ko ang aking buhay kung kaya't nagsikap ako pero... ganito lang ang mangyayari sa aking buhay? Nagsipag ako at nagtiyaga upang maging isang milyonaryo. Tinupad ko ang aking pangarap na tumulong sa mahihirap pero ganito lang ang isusukli sa akin ng mga tao. "Kilala ko siya... Kilalang-kilala ko siya sa kahit na sino" banggit ko "Hindi ko alam na isa ka pala sa tagahanga niya. Mahirap siguro sayo na mabalitaan na ang idolo mo ay nagpakamatay"  Sige Nathan Santiago, tatanggapin ko ang iyong pagkamatay at kung talagang itong katawan na ito ang aking bagong katawan ay wala na akong magagawa kung hindi tanggapin ito at pagbutihin ang pangalawang buhay na ipinagkaloob sa akin ng Maykapal.  Pero pangako, hindi ka mamamatay ng walang hustisya. Hahanapin ko ang mga pumatay sayo at sisiguraduhin kong mananagot sila sa batas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD