‘Target’
JIN
“Sige Kuya Enzo. Bye~” I just waved at him at umalis na siya nung sinundo na siya ng isang body guard ni Dad. Kuya Enzo’s been kept from the public kaya minsan lang kami nagkikita. Actually, this is the first time I saw him at the mall and not at a diner.
Being a son of the CEO from a random girl must be hard for him. Lalo na’t isa lang waitress sa bar ang Mommy niya. I call his Mom ‘Tita’ and I can say close kami and she treats me like her own daughter ever since my Mom was gone.
Tiningnan ko na si Hani na natwitwinkle na ang mga mata. Lumingon naman ako sa tatlong nag-uusap sa likod.
“Okay. Deal!”
“Ewan ko sa inyo.”
“‘Wag kang kill joy, Shawn ah?”
“Oo na. Oo na.”
Hindi ko nalang sila at pinansin at tiningnan si Hani na nakatunganga parin. Kaya kinalabit ko siya dahilan para lumingon siya sa akin. “H-Huh? May sinabi ka ba?” Tanong niya na nakangisi parin.
“Wala. Ba’t kasama mo ‘tong tatlo?” Tanong ko nalang at sakto namang lumapit sa amin ‘yung tatlo. Naghalukipkip lang ako pero nung naramdaman ko ang kamay ni Hunter sa balikat ko ay tiningnan ko lang siya at tinapik ang kamay niya.
I really don’t like it when people try to touch me without asking permission first. Tiningnan ko lang sila muli tsaka si Hani. Nagpaalam na ako na aalis na ako at may sasabihin pa sana si Hani pero tumalikod na ako at naglakad na palabas ng mall.
✥✥
Nasa school na ako at tiningnan ko ang subjects ko ngayong araw. First subject, International Studies. Pumasok na ako sa classroom ko at biglang uminit ang ulo ko nung nakita ko ang mukha ni Hunter na nakangiti. Classmates na naman kami nito?
Naglakad nalang ako papasok at napansin kong pinagtitinginan ako.
“Siya ba ‘yung Dela Cruz?”
“Oh? Really?”
“Haha! Imported te?”
Palihim akong umirap sa mga naririnig ko. Umupo ako sa upuan na katabi ni Hunter. ‘Yun lang kasi ‘yung upuan na free rito. I don’t know why I’m in a bad mood again. “Uhh.. Jin—”
“Not right now,” sabi ko kay Hunter at hinawakan ang sentido ko. Natahimik naman si Hunter. Parang hindi naman dadating ‘yung prof namin kaya pinikit ko nalang ang mata ko.
“What the—?! Hey b***h!” Tsk! Can someone call the animal control please? May gorilla na nag-iingay sa harap ko. I just looked at her with a blank expression.
“What?! You’re not gonna move?! That’s my chair! b***h! Get out of there!” I don’t know how Dad picks the students in this school. It’s a classy school but what’s with the students’ attitude? And I can tell she’s stupid just by the way she talks.
“And you are?” I asked in a calm voice. Keeping my professionalism.
“Uh! You don’t know me?! You don’t freakin’ know me?! I’m Heather Wilson, you b***h! My father is one of the owners of this school.” I just gave her a smirk kaya napansin ko namang napatayo narin si Hunter. I guess this is one of his girlfriends.
HUNTER
Damn! Sabi pa naman ni Hani kahapon na brutal ‘tong babaeng ‘to. Naku naman! Baka mapaano ba si Heather. Tumayo kaagad ako at inilayo si Heather sa kanya pero ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ‘to at lumapit parin siya kay Jin.
Bakit ko ba naging girlfriend ‘to? Oh, right. Maganda pala siya.
“Don’t stop me, babe! I’ll make this girl taste my wrat—”
“We’re done. Stop calling me babe.” Sinubukan ko siyang ilayo pero nakatingin lang siya sa akin na parang nabigla dahil hiniwalayan ko na siya. “Ganun lang ba kadali sa ‘yo na makipag-break sa akin?!” Bahagya akong napapikit at tumingin lang sa kanya. Ang ganda niya nga pero nakakarindi pala ‘tong boses ng babaeng ‘to.
“You are already informed that I’m Hunter Sebastian, right?” Tanong ko. Maluha-luha siyang tumingin sa akin.
“We’ll talk about that later!” Kinamot ko nalang ang batok ko nung nilapitan na ulit si Jin na nanahimik na sana. It’s your call, Heather. You’re digging your own grave. “At ikaw! Sino ka naman, huh?!” All she does is blabber. I haven’t seen her in action yet.
“Jinncy Marthice Cassandra Dela Cruz.” Napanganga kaagad si Heather sa sagod ni Jin. Ewan ko kung bakit.
“J-Jin..” Nauutal niyang sabi at umatras pa kaya bumunggo siya sa akin. Kumunot kaagad ang noo ko dahil sa inaakto niya. Hindi siya pinansin ni Jin at tiningnan lang ni Jin ang cellphone niyang may tumatawag.
“S-Si Tito ba ‘yan?” Nauutal na tanong ni Heather. Tito? Kumunot ang noo ko nung binigyan ni Jin si Heather ng isang nakakalokong ngiti. What the f**k is going on?
“Dad. Can I talk with Mr. Wilson?” Nakatingin lang kami kay Jin. Napapasin ko ring nanginginig na ang kamay ni Heather. I’m confused. Jin set her phone to loud speaker. Kaya lahat ng tao dito sa classroom, rinig na rinig nila.
“Yes. Jin?” Rinig namin sa kabilang linya. Heather was shaking.
“Tito, your daughter just called me a b***h, three times. What shall I do?” Kunot-noo kong tiningnan ang mukha ni Jin. She seems different. Her vibe is different. Parang nag-iiba ang expression niya. I guess ito na ang sinasabi ni Hani na hindi siya constant. Walang iisang ugali.
She has many personalities. Many ‘scary’ ones.
“Please don’t hurt her. C-Can I talk to her?” Binigay ni Jin ang cellphone niya kay Heather na nanginginig naman siya itong kinuha. “D-Dad—”
“Bobita! Pinapahiya mo ako sa boss ko! Come home this instant!” Binigay kaagad ni Heather ang cellphone ni Jin sa kanya. Nagbow muna si Heather kay Jin bago umalis. Well, that’s new. At least wala nang mangungulit sa akin.
Umupo nalang kaming lahat tsaka ko tiningnan si Jin na nakaharap lang sa board.
“Call? Kapag napasabi ko siya na pagod na siya! Akin na lahat ng kotse mo, Rome!”
“Psh! Asa ka naman! Ako ang magpapasabi nun! Kapag ako nanalo, magpakasal ka na!”
“Ewan ko sa inyong dalawa!”
“‘Wag kang KJ, Shawn!”
“Oo na. Oo na!”
“Paano mo siya pasasabihin na pagod na siya?”
“Old school style. Let’s bully her.”
Umangat nalang ang gilid ng labi ko sa pinag-usapan namin kanina. Talaga bang hindi niya pa nasasabi ang katagang ‘yun? That’s just interesting. Well, let’s see kung hanggang ‘san ka lang, Jin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Tito Jaime.
To: Tito J
“Tito. We’re going to do Project: Jinncy.”
Binaba ko muna ang cellphone ko at tiningnan si Jin na nakaheadset na. Maya-maya, nagvibrate na ang phone ko. Ang bilis yata magreply ni Tito ah.
From: Tito J
“Do what you want. Just don’t surpass the limit.”
Alright! This is it. Pumunta ako sa secret page ng school na ‘to. Kasi kapag may pinost ako sa site na ‘to, lahat ng estudyanteng parte ng site na ‘to ay makakaalam. We call them netfreaks.
Simple lang naman ang pinost ko.
“Bully Jin Dela Cruz. Your prize, Me
– Hunter”
Let’s get started.
ROME
Tiningnan ko kaagad ang post ni Hunter sa site. Gago talaga ‘to. May pa-prize prize pa. Binalik ko nalang ang cellphone ko at tiningnan ang relo ko. Lunch na. It’s showtime.
Pumunta na ako sa canteen and as expected, nandun na ‘yung dalawa. Lumapit ako sa kanila at nakita ko si Jin na bumibili ng coke. Tiningnan ni Hunter ang ilang netfreaks na naglalaro ng bola ng baseball. Isang senyas lang..
“Hey! Pakipasa nga lang bola!” Eto na. It’s starting. Malapit na si Jin sa kanila. Itong babaeng ‘to, nakapoker face parin. “Ito oh—oops!” Tatama na ang bola kay Jin. Lahat kami, nakatingin sa kanya. Five more inches—oh shot!
Sinalo niya ‘yung bola. What?! Lahat ng netfreaks ay nabigla sa ginawa niya. Tiningnan ko si Shawn na biglang ngumiti. Ba’t nakangiti pa ‘to?
“Geez. Thanks for the ball.” Umalis na si Jin dala-dala ang bola ng baseball. Nung dumaan siya sa harap namin, huminto siya sa tapat ni Hunter at tinapon ang bola sa kanya.
“I’m sorry. But I think the ball likes you.” Napahawak nalang si Hunter sa dibdib niya na tinamaan ng bola. Damn. That girl is good. Napansin ko ring nainis si Hunter. Tiningnan ni ang ilang netfreaks.
“Go.” Utos ni Hunter at nagsialisan na sila. Let’s test you, Jin.
✥✥
“Oh? Anong nangyari?” Tanong ko sa mga netfreaks na kararating lang. Pagod na pagod na sila. Oh?
“Grabe! Hindi namin mahuli! Ang bilis!”
“Oo nga! Nawala siya bigla!”
“Aish! Tara na nga!”
Umalis na sila kaya tiningnan ko si Shawn na nakangiti parin. Kanina pa ‘to ah!
“Huy! Anong gagawin mo kay Jin?” Tanong ni Hunter kay Shawn at hinawi pa siya kasi sa ngiti palang niyang ‘yan, alam ko na ang iniisip niya. Paniguradong mahihirapan siya kay Jin.
“Mamaya ko na sasabihin. Una na ako.” Umalis na siya kaya naiwan kaming dalawa ni Hunter na nakatingin sa kanya. “Well, Shawn found a new toy. Tara na.”
JIN
What kind of school is this? Pumasok nalang ako sa next class ko. May mga naka-upo na sa mga upuan at isa lang ‘yung bakante. Sa tabi ni Shawn. Classmate ko na naman ‘to? Napapansin ko lang na sa lahat ng subjects, palagi siyang walang katabi at feel ko rin na natatakot ang mga taong lumapit sa kanya.
Ano bang meron sa lalaking ‘to? Oh right. He’s a p*****t. Umupo nalang ako sa tabi niya kasi natutulog naman siya. As always.
“You know, hindi ka dapat tumatabi sa akin.” Sabi niya nung makaupo ako sa tabi niya.
“Then where should I sit? Outside?” Sarcastic ko tanong at sinalpak ko nalang ang headphones ko at tumingin sa mga sumilip sa pinto. ‘Yung mga nakita kong feeling gangsters dito sa school na ‘to. Sila ang sumilip sa pinto. Nakangiti pa sila habang nakatingin sa akin at kay Shawn.
Pansin ko ring may isang matangkad na lalake sa likuran na matalim ang tingin sa akin. Sa akin ba talaga nakatingin ‘to?
“I told you hindi ka dapat tumatabi sa akin. You just go a death wish.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Shawn. I don’t get it. Tiningnan ko ulit ang mga lalaking nasa pinto. Hinawi sila nung lalaking matangkad at pumasok siya sa room namin tsaka lumapit sa akin.
Sa akin nga ba? Oh right. Sa akin nga.
“Ano ‘to Shawn? New toy?” Tanong niya. Me? A toy? Please.
“Back off, Joshua.” Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang ‘tong Joshua na ‘to. May kinuha siya sa bulsa niya. Biglang tumayo si Shawn at hinila ako palayo sa lalaking ‘to. Bakit ba kasi? Parang malaki ang galit ni Shawn sa lalaking ‘to.
I don’t need to care. It’s their conflict. Not mine.
“Catch you later, Shawn.” Tumalikod na ‘yung Joshua at bago siya umalis ay tumingin ulit siya sakin. Itinaas niya ang bagay na hawak niya. Isang silver coin. May tinanong muna siya sa babaeng katabi niya at tumingin sa akin.
He just smirked at tuluyan nang umalis. Napapansin kong nakahawak parin si Shawn sa kamay ko.
“My hand,” sabi ko sa kanya. He just cursed before letting go of my hand at umupo na.
“I told you not to come near me! s**t!”
SHAWN
“Oh, Shawn? Problema mo?” Tiningnan ako ni Rome habang si Hunter naman, busy sa cellphone niya. Namimingwit na naman ‘to ng hipon. “Jin is Joshua’s new target.” Walang emosyon kong sagot at huminga ng malalim.
“Ano?!” Nabitawan ni Hunter ang cellphone niya at tumingin sa akin. I sighed in annoyance. Sabi ko naman kasi sa babeng ‘yun na wag siyang lalapit sa akin. Ang tigas ng ulo. “It’s okay. I think Jin can handle herself.” Diretsong sabi ni Rome.
“Sana nga. Hindi siya magawa kay—” Hindi na natapos ni Hunter ang sasabihin niya kasi tiningnan ko siya ng masama. Sana nga kaya mo ang sarili mo Jin.