‘All About Jin’
HANI
“Lalalalala~ Walking on the hallway~ Ang cute cute k—”
Bigla nalang may humila sa akin at dinala ako somewhere. Oh no! r**e! Kidnap! Ay wait--hindi na ako bata. r**e! r**e!
“I will sue you! I did not kill anybody! And also! I am not a pig!! I am a Filipino citizen! I have all the rights to--”
“Yeah! So please be quite!” Huh? I know this guy. Inayos ko ang nagulo kong bangs at tumingin sa kanya. Ang gwapo ni Shawn~ Pero mas gwapo ‘yung seatmate ko para sa akin.
“Hi, Shawn~” Masigla kong bati sa kanya pero hindi siya sumagot at hinila ako papunta sa isang kotse. Naalala ko kaagad ang usap-usapan sa school. Shawn is a p*****t. No!~~
“S-San mo ako dadalhin? Please, Shawn. Mahal ko ang purity k--”
“I’m not gonna r**e you. So shut up.” Okay fine~ Madali akong kausap. Pumasok kami sa kotse pero may nakita akong dalawang lalaki sa loob ng van kaya napaatras kaagad ako.
“Sila ang magrerape sakin?! NO!! HELLLLPP--”
“Let’s go to the coffee shop.” Tumigil ako sa pagngangawa at huminto sabay tingin sa kanya. Kamukha niya ‘yung crush ni Jin na si Cole Sprouse. And.. did this guy just said the word coffee?
“Ano pa hinihintay mo Shawn? Coffee shop daw oh!” Pumasok na kaagad ako sa front seat at kinabit ko ang seat belt tsaka umayos ng upo. Coffee~ Coffee~ Coffee~
“You’re weird.” Sabi nung lalaking nakashades pero tinanggal niya kaagad ito at tinitigan ako. Ay isa pang gwapo~ Puro sila pogi~ Hihihi.
“Hi! I’m Hani. And you are?” Nakangiti kong sabi at inilahad ang cute kong kamay sa kanya.
“Hunter. And this is Rome.” Sabi niya at tinuro ‘yung kamukha ng crush ni Jin. Nakipagshakehands ako sa kanya at bumalik sa pag-upo.
“Shawn. Bakit tayo pupunta sa Coffee Shop. Date natin?” Seryoso kong tanong pero bigla nalang tumingin sa akin si Shawn in a creepy way kaya nagsmile nalang ako. Hehe~
“I don’t date chinitas.” Hmpt! Ang oa nito. Cute ko kaya~ Iirap sana ako pero hindi naman cute ‘yun kaya nag-pout nalang ako. This is cute~ I am cute! Bahala ka!
“But I do!” Sabi kaagad ni Hunter habang nakataas ang kamay niya. Ngumiti ako sa kanya. Oh~ He can by my Hunter~
“Then, tayo nalang magdedate!” Nakita kong ngumisi kaagad siya. I don’t know anything about his guy but he’s cute naman kaya okay na~
“Sure~” His voice sounded sweet.
“Pssh. Crazy people!” Nagsimula nang mag-drive ni Rome pero ang tahimik naman. Tulog kasi ‘yung dalawa kaya pinakialaman ko ‘yung stereo niya.
“Tsk! Don’t touch that!” Isa pa ‘tong oa. Hindi ako nakinig sa kanya at kinonnect ang phone ko sa speaker tsaka nagpaplay ng music. Kpop~
“I don’t listen to kpop! Okay?” Kumunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya. May tao pa palang ayaw sa kpop? I thought kpop took over the music industry.
“Ay sayang~ Kamukha mo pa naman si Cole Sprouse. Crush ni Jin ‘yun. Mahilig si Jin sa kpop eh~” Daldal lang ako nang daldal para hindi niya i-off ‘yung speaker. Nanahimik nalang siya at nag-drive ulit~ Hehe~ Ang cute ko talaga. Coffee shop~ Here I come!
**
Pagdating namin sa mall, pinalubutan kaagad si Hunter ng mga babae. Uy! ‘Yung date ko.
“Hunter~ We have a party tonight. Would you like to c*m?”
“Baby~ Pupunta kami ng Japan. Sama ka? It’ll be fun!”
“Hunter honey~ Ininvite ka ng mga parents ko for dinner.”
“Hunter~ Date me! Pleaseeee!”
Tumigil kaming tatlo at tiningnan si Hunter na hindi tinitigilan ng mga babae.
“Is it always like this?” Tanong ko kay Shawn na nasa tabi ko lang.
“Everywhere he goes. May girlfriend ‘yan.” Napangiwi nalang ako. Ayoko na. Hindi ko na siya date. Kumapit lang ako sa braso ni Shawn.
“Hey~ Let go of me!” Utos niya kaya dun naman ako kay Rome kumapit.
“I don’t like being touched. Shoo!” Ouch! Kung maka-shoo ‘to. Hmpt! Bigla nalang may humila sa akin at inakbayan ako.
“I’m your date. Why are you clinging with them? Halika na nga.” Hindi na ako nacucutan kay Hunter kaya marami siyang girls pero gwapo parin siya kaya okay na for today~ Hihihi.
Pagpasok namin sa coffee shop, inorder ko ang lahat ng gusto ko at umupo sa mesa kung saan nakaupo silang tatlo.
“Oh? Anong gagawin natin dito?” Tanong ko nung makaupo ako sa tabi ni Rome na nagbabasa ng libro. Binaba niya naman kaagad ito at tumignin silang tatlo sa akin. Sumipsip lang ako ng cold coffee.
“Jin.” Sabi ni Rome.
“Jin? Bakit naman si Jin?” Tanong ko at inayos ang buhok ko.
“Tell us all about her.” Sabi ni Hunter na nakatingin sa labas dahil ang daming babaeng nakatitig sa kanya mula doon. Pssh.
Pero nakangisi nalang ako sa sinabi nila. I know what this means. Inayos ko ang sarili ko at tumikhim. Mahaba-haba ‘to.
“Si Jin kasi--teka, bakit niyo kailangang malaman? You’re not planning something are you?” Tanong ko at isa-isa silang tinuro.
“No we’re not. Curious lang kami. Ang ganda kasi ng kaibigan mo.”
“Oo. I think she’s cool.”
Iba’t-ibang klaseng pagpuri kay Jin ang narinig ko pero napapayag lang nila ako dahil sa sinabi ni Hunter.
“You’re cute.” Okay na. Magkukwento na ako.
“Si Jin. Mabait ‘yan. Hindi nga lang halata. Natatabunan kasi ang kabaitan niya sa mukha niya na palagi nalang tiger look.” Ginaya ko pa ‘yung mukha niya pero para lang akong tanga.
“Obvious naman. Parang walang kinikilala.” Sabi ni Shawn habang nakatingin sa mesa. Kinakausap ba siya ng mesa?
“Back in the States, she tried to attend a gang.”
“g**g?” Tanong ni Rome na parang namamangha pa siya kay Jin. Of course! Ang cool ng best friend ko~
“Oo. Jeje siya noon eh. Mabuti nalang at napigilan ko siya. Pero hindi dun nagtatapos ang kagagahan niya, sumali siya sa isang free fight. Kaya ayun, kicked out siya sa Karate Club nila. Jin likes to see people suffering. May pagkademonyo ‘yun.” Tumingin kaagad si Hunter sa akin. Oh?
“Kanina lang sinabi mong mabait siya ngayon naman sinasabi mong may pagkademonyo siya? Ano ba talaga?” Nalilito niyang tanong kaya Napabuntong-hininga nalang ako.
“Ewan ko! She’s not constant. Paiba-iba ang ugali nun.” Mahina silang tumango kaya feeling ko ang galing ko sa story telling.
“Seriously, bakit ganun siya? Bakit alam niya ang billiard, history at math. Ano pa bang ibang alam niya?” Tanong ni Rome kaya napasapo nalang ako sa noo ko.
“Do I have to name all of it?” This is not the first time someone has asked me about Jin. Sana pala gumawa nalang ako ng powerpoint presentation tungkol kay Jin.
“Yup!” Sabi ni Shawn kaya sumimangot nalang ako at huminga ng malalim. Ang dami kayang alam ng babaeng ‘yun. Parang alam na nga niya lahat eh! Mahina kong kinamot ang ulo ko at handa nang sumubok sa laban
“Jin.. is a Black belter in any forms of Martial Arts. She won three consecutive Gold Medals from International Championships. Two Silver Medals won at Tokyo Taekwo at isang bronze sa national tournament. She knows archery. Hindi nga lang niya ginagamit. Dahil sino namang paggagamitan niya nun? Mahilig siyang mangabayo. She loves horses.” Huminto ako saglit nung sumungit si Hunter.
“Oh~ She loves horse rides~” Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang binatukan ni Shawn. Bakit ba? Tama naman eh. She loves horse rides.
“Anyway.. sumasali sa swimming classes. Kaso di ko pa alam kong nakakasali ba siya ng tournament. Mahilig mag bake. Lalo na ang cupcakes. Arts. Magaling mag drawing ‘yan. Racing. Daredevil ‘yan. Pero hindi halata. Feeling ko tomboy ‘yun?” Minsan kasi hindi ko na alam kung tao pa ba ‘yung best friend ko? O baka ilang Jin ba ang nakikita ko? Pinagpatulog ko nalang ang sinasabi ko.
“When she was a kid, tinuruan siya ng Dad niya sa g*n firing. Thirty trophies na napanalunan niya. All in first place. And as mention kanina, magaling siya sa billiard. Ikalawa siya nakasali sa laro. Both wins. Solo. Instrumentalist siya. Alam niya i play lahat ng instruments na common.” Ibinagsak kaagad ni Rome ang librong hawak niya at dun ko lang nalaman na music pala ito. I just curled up my cute lips at sinabi ni Shawn na magpatuloy ako.
“And as you see, matalino siya. At ayaw na ayaw niya na nalalamangan siya.” Sumingit na naman si Hunter.
“Parang si Shawn la--”
“Can you please let her continue?” Itinaas lang ni Hunter ang mga kamay niya kaya nagpatulog na ako. I spent another thirty minutes talking about Jin’s literary achievements.
“At marami pa. Hindi ko lang masabi lahat.” Salamat naman at tapos na ako. Tumingin ako kay Hunter at..
“Dude. You got blood on your nose!” Sabi ni Shawn kaya gumalaw si Hunter. Nakakatawa siya. Hahaha.
“H-Huh?” Kumuha siya ng tissue at pinahid sa ilong niya. Loser~ I know that would happen. Lahat naman ng pinagsasabihan ko ng ganito always ends up with their nose bleeding.
“‘Yun? Hindi ba siya napapagod dun?” Tanong ni Rome matapos niyang punasan ang mga pawis niya.
“Nope. She never gets tired. Parang hindi tao ano? Her stamina is so great!” Tiningnan ko ang wrist watch ko. 8 AM pa pala. May one hour pa kami. Inubos ko na ang coffee ko habang si Hunter... pinapahiran pa ‘yung ilong niya.
“Speaking of the alien.. si Jin ba ‘yun?”
SHAWN
“Si Jin ba ‘yun?” tinanggal ko ang pagkakatingin ko sa cellphone ko at tiningnan ang tinuturo ni Hunter. It is Jin. Bumibili siya ng..?
“A bunny printed apron?” Tumingin naman sa akin ‘tong si Hani at ngumiti.
“And oh! She loves bunnies!” Bunnies?
“Tara! Tara!” Tiningnan naman naming lahat si Rome na hinihila ako patayo. Tss. Parang siya pa ‘yung excited lumapit sa babaeng ‘yun.
“Oh? San tayo?” Tanong ni Hunter na dumudugo pa ang ilong.
“Susundan ‘yun! Tara!” Tumayo nalang kami at sinundan si Jin. Ano bang meron dito?
Pumasok si Jin sa isang clothing branch. Ilang minuto kaming naghintay, at ang nakita lang namin ay bili siya nang bili ng kahit anong gamit na may rabbit na design.
“Ano ba?! Upo nga tayo! Wala naman tayong makukuha diyan eh! Puro lang ‘yan rabbit rabbit rabbit!” Inis kong sabi at umupo sa bench na nasa gilid lang namin.
“Shh. Tumahimik ka nga! Baka makita pa tayo eh!” Tumahimik nalang ako at lumabas na si Jin sa shop na ‘yun tsaka umupo sa isang stall. May tumabi sa kanyang lalaki at kinalabit siya. Oh?
“Hi, Enzo~” Rinig na rinig namin ang usapin nila kasi malapit lang kami. Bakit ang bait nito sa kanya? Oh well, ano bang paki ko?
“Oh! Jin! Long time no see, Baby. How are you?”
“Fine. Just chillin’~”
“Psst! Hani! Sino ‘yung kausap niya?” Kinalabit pa ni Hunter si Hani pero tulala parin siya. Huh?
“Huy!”
“Ang gwapo talaga ni Enzo~” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kahit sinong lalaki ata gwapo para sa kanya. Gwapo ba ‘yung damuhong ‘yun?
“Huh?” Napakamot na si Hunter sa batok niya.
“Ay sorry sorry! Mianhe~ S-Si Enzo ‘yan. He’s Jin’s half-brother.”
“Half-brother?” Tanong ni Rome. Why is he suddenly interested?
“Andaming tanong ah? Oo! Tara! Lapit tayo!” Hinila ni Hani sina Hunter at Rome. But not me. And I prefer staying here.
JIN
“Namili ka nanaman ng bunny stuffs? Hmm?” He checked my shopping bags kaya ngumiti nalang ako.
“Yup~ Kasi maliliit na ‘yung binili mo sakin. Hahaha. Order tay--” Hindi na ako natapos dahil may cute ng monster na sumingit.
“Hi, Jin!” Napatingin kaagad ako kay Hani na nakangiti pa ng malapad sa akin. Tss. Palibhasa nandito si Kuya Enzo.
“What are you doing here? Shouldn’t you be at class?” Tanong ko at inayos ang buhok niyang nagulo.
“Wala ka rin naman sa klase ah!” Giit niya kaya natawa nalang ako. Siya na ang cute.
“This morning is PE Class, Hani. At exempted ako dun.” Ngayon ko lang napansin, kasama niya pala ‘tong dalawa. At bakit niya kasama ‘to?
“Bakit naman?” Tanong niya at binalewala ‘yung dalawang kasama niya.
“I’m already a varsity player.” Diretso kong sagot kaya napatingin kaagad sa akin si Kuya Enzo.
“Anong sports?” Tanong niya.
“Sasabihin ko pa ba lahat?” Mahangin kong tanong. He’s my brother. He knows what I do.
“Nevermind. So, Hani!” Bumalik kaagad si Hani sa tamang pag-iisip. Minmang na naman ‘to.
“H-H-Ha?” Aish! Kapag si Kuya Enzo ang kausap, nawawala sa earth ang kaluluwa. Earth to Hani?
“Hahaha. S-Sino sila?” Hindi na ako nakisali sa usapan nila at ininom ang frappe na hawak ko.
“Ay oo nga pala! Meet Rome-Chinggu at Hunter-Chinngu! Mga classmate namin in different subjects. T-Tsaka.. asan na si Shawn?”
Oh? Shawn is here?
“Shawn? Shawn Mendes?”
Ayan. Ayan kasi Kuya Enzo. Kaya natuturn-off si Hani sa ‘yo kasi ang lame ng mga jokes mo.