Sa unang araw ng pagtatanghal ni Hercules ay lihim na kinakabahan si Daneliya. Both hands were shaking on the way home and she had to be careful while driving. Pinauna na niya ito sa bahay upang makapag-handa at mai-kundisyon ang sarili. Pero hindi inaasahan ang galit na ibubungad nito sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa library dahil may emergency call mula sa Dubai ng pumailanlang ang tinig ng isa sa mga kasambahay sa intercom. Nais daw siyang makausap ng bisita. Hindi na sana sasagutin ng biglang humalili ang ang tinig ni Hercules. Napilitan tuloy siyang harapin ito ng wala sa oras. "Kailangan talagang idaan sa scanner ang mga gamit ko?" Nasa tinig nito ang galit at pagkayamot. "Iwan mo kami." Utos sa katulong bago harapin ang bisita. "Ano ang problema mo? You can't just barge in whe

