Dahil ipinaalam kay Aphrodite ang gagawing pagdalaw sa bahay ni Daneliya bago magtungo doon kaya naman hindi na nagulat si Hercules nang makatanggap ng tawag mula rito habang pauwi. "You don't have to report all your actions to us. Gawin mo ang sarili mong diskarte. Saka ka magpunta sa Queen's Men kapag nagkaroon ka na ng lead kung saan kinuha ni Daneliya Corcova ang kanyang pondo. Nagawa mo ng pasukin ang bahay niya, magiging madali na lang sayo ang manguha ng iba pang impormasyong hinihingi ng client." "Maingat siya." Pagrereport dito. "Sabi ko nga sayo ay nagawa niyang ipakalkal ang tungkol sa akin. Ang inaalala ko ay baka nagpapanggap lang siya pero ang totoo ay alam na pala niya ang pakay ko." "That you don't have to worry." Pagbibigay-assurance ng nasa kabilang linya. "Wala ni i

