"Madam, nakahain na po ang lahat ng ipinahanda ninyo." Nakayuko ang katulong na nagsabi kay Daneliya bago ito tumalikod at pumasok sa may pinto sa kabilang direksyong pinanggalingan ng dalawa. Ang scenario na yun ay normal na lang sa dalaga pero hindi sa bisita. "Sino ang kasama natin?" Hindi napigilang tanong ni Hercules. "Just the two of us, so feel at home." Hindi na napansin ni Daneliya ang pagsuyod ng tingin ng binata sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Restaurant food ang tawag sa mga ganuong klase ng putahe na walang kanin. "Napakaraming pagkain pero dalawa lang tayong dudulog?" "Yes! So you can eat whatever you want." "At ang matitira?" "Bahala na ang mga katulong." Alanganing naupo si Hercules at sandaling nahulog sa malalim na pag-iisip. He wonders kung anong klase ng pa

