Imbes na sagutin ni Daneliya ang tanong ni Hercules ay tuluyang binuksan ang pinto ng kwarto sa harapan. Nagpatiunang pumasok at naramdaman ang pagsunod nito sa likuran. She was tensed. Sa katunayan ay nag-uumpisa ng magpawis ang palad dahil sa pwedeng makitang reaksyon ng bisita. She didn't overdo everything, did she? Lakas-loob na pumihit paharap rito. "What do you think?" Si Hercules ay walang ma-apuhap na maisagot at sa halip ay ilang beses napakurap ng iginala ang mata sa paligid bago muling bumaling sa dalaga. "Sigurado ka bang hindi mo plinano ito noon pa man?" "W-Why?" Inilahad ang kamay. "This is unbelievable! It's as if you had planned for this since last year." Humakbang palapit sa stage at sinubukang yugyugin. It was made of marble glass and fiberglass na nilatagan ng car

