"Kung ganun ay pwede mo bang sabihin kung anong nalaman mo tungkol sa akin?" Kahit na sinabihan na ni Aphrodite na walang dapat ipag-alala si Hercules ay kinabahan parin. "There is not much to find out about me. Hindi kasing-interesante ng buhay mo ang buhay ko." "Inamin ko na kung ano ang mga yun hindi ba?" "Pero hindi lahat..." "You had an ex-girlfriend whom you really love and a daughter na kasama mo ngayon." "Ano pa?" Dagdag nito. Nagsalubong ang kilay ng dalaga. "Hindi ko alam kung anong gusto mong marinig, pero wala na akong iba pang natuklasan tungkol sayo kundi mga basic informations lang. Bakit? May dapat ba akong malaman na hindi na-research ng taong inutusan ko? Are you hiding something that you don't want anyone to know?" "We all have a secret to keep. Kahit ikaw ay g

