Robbery with assault. Pinasok ng Marco na ito bilang bisita ang tahanan ni Daneliya. Habang kunwaring hinihintay na dumating ang may-ari ay unti-unti na palang nililimas ang mga mamahaling kagamitan sa bahay. Pati na ang vault na nasa library ay sinira para makuha ang lamang cash gamit ang mga tools na isa-isa na palang pinupuslit papasok. Well-planned. Pero lingid sa kaalaman ni Marco ay nanonood ang security team. Sinubukan itong komprontahin at doon naglabas ng balisong at nanlaban dahil marahil sa panic. Sugatan ang tauhan at ganun din mismo ang salarin na parehong tinakbo sa ospital. "Pinakulong mo ba siya?" Tanong ni Hercules ng matapos magkwento si Daneliya. Now he understood her indifference. May dahilan nga talaga ito. "Nasaan na siya ngayon?" "As if I have the audacity to do

