She promised herself not to go back in the same place pero hindi matahimik si Daneliya sa itsura ng lalaking bartender sa Queen's Men. Minsan ay bigla na lang itong lumilitaw sa balintataw na parang nagkaroon pa sila ng mahabang interaction bukod sa maikling pag-uusap na yun. His sexy neck haunts her!
“Ano kaya ang pangalan niya?” Isang araw ay biglang tanong sa sarili ng minsang ipahinga ang isip mula sa bakbakang trabaho at pumasok muli ang imahe ng lalaki sa isipan. “Is he married? Or girlfriend kaya?” Nakasubo ang ballpen sa bibig at doon siya napasukan ni Leah.
“A penny for your thoughts?”
Inalis ang nasa bibig at bumalik sa pagkaka-pormal. “Ipinapahinga ko lang ang isip ko.”
Tuluyan itong pumasok at sinabi ang pakay at labis na ikinagulat ni Daneliya kung saan nito nais ganapin ang kaarawan nito. “I’m sure maaliw ka doon,” dagdag nito.
"I-I’m not sure. I think I have a meeting that day." Pagdadahilan niya.
"Na-check ko na ang schedule mo at bakante ka ng araw na yun. Pwede kang dumiretso doon mula dito sa opisina. Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang ako magpipilit na mag-attend ka. Pa-birthday mo na sa akin ang presensya mo, hindi mo ba ako mapagbibigyan?”
"Yun na nga Leah, it is your birthday that we are talking about. Pero bakit sa ganung lugar mo gustong ganapin ang espesyal na araw ng kapanganakan mo? Alam mo ba ang lugar na yun?"
Tumikwas ang kilay nito. "Kung magsalita ka ay parang napuntahan mo na ang lugar. Sa umpisa lang siya parang weird dahil sa pangalan ng lugar pero maniwala ka, matutuwa ka doon." Sinimulan nitong i-describe ang naturang lugar.
And Daneliya will never admit the day she accidentally found herself there. "Hindi ba at pare-pareho lang naman ang ganung lugar?"
"Hindi tayo pupunta doon para mang-hook ng lalaki. Though aaminin ko na hindi na masama kung makabangwit ako ng isa sa kanila."
Umikot pataas ang mata niya habang nakatikwas ang isang kilay. "At talagang gusto mong makabingwit ng isa sa kanila?"
"Come on Dane, don't be a snob!" Sinabayan nito yun ng pag-simangot. "Dapat nga sa ating dalawa ay mas ikaw ang nagko-consider ng ganyan dahil wala ka ng iniisip na pera."
Tumayo siya mula sa swivel chair at paseksing naglakad sa kabila ng executive table kung saan sumandal. "Correction, madami akong iniisip na pera."
"Nag-iisip ka kung saan mo ilalagay o kaya naman ay baka busy kang magbilang!" She too rolled her eyes.
Kung ibang tao lang ito ay baka nasita na kanina pa. Her secretary’s accusation is absurd! Oh well, she can't blame her. May punto ang sinabi nito.
"Allright, ayokong galitin ka sa ganitong topic. I know I went a little far with that comment. But please, please, please." Sinabayan pa ng paawa effect "Magiging masaya yun, promise."
"Sino ang mga kasama?"
Umaliwalas ang mukha nito. "My other group of friends..."
"And?" Boluntaryo niyang dagdag. Alam na hindi nagtatapos dun ang sasabihin nito.
Leah raised both her hands. "Okay, okay. May mga staff ka na makakasama natin. Pero pili lang. Yung mga hindi killjoy at hindi mo kailangan problemahin. They knew your coming."
Pinanlakihan niya ito ng mata. "I am not!" Mataray niyang tanggi. "Bakit mo ako inuunahan sa magiging desisyon ko? Hindi pa ako pumapayag!"
"I can always say na mayroon kang biglaang meeting. Alam nila kung gaano ka ka-workaholic. I just want to prepare them para hindi na sila masyadong magulat kapag malapit na."
Gusto na naman niyang magtaray dahil alam nila pareho na hindi ganun ang tingin ng iba sa kanya. "I am still not going, so please…”
"Hindi ako mag-aaksaya ng oras na kumbinsihin ka kung hindi kita mapapapayag." Leah made a wide-grin. “I know you will never say no to me kaya hindi ako aalis dito hanggat hindi ka pumapayag.”
“Bahala ka.” Matabang na sagot sa naglakad pabalik sa swivel chair. Pero laking gulat niya ng maupo ito sa harapan.
“I’m still waiting…” nangalumbaba ito at pinapungay ang mata.
At hindi maintindihan ni Daneliya kung bakit sa tuwing gagawin ni Leah iyun ay hindi magawang tuluyang magalit o mainis rito.
"Sige na kasi. Promise, wala akong inimbitahan na kinaiinisan mo. Basta chill ka lang doon at huwag maging stiff."
"Do you still talk to me as your boss?"
"I am talking to you as someone you know for quite sometime now. Please, Dane. This is good for you too. Tulad ng sinabi ko noong huli ay nagiging masyado ka ng stiff! And don't dare deny it. Marami ka ng napatunayan. Time to enjoy your life!"
"I am enjoying my life-"
"No, you don't!" Agap nito.
"I am not having this discussion with you Leah!" Pinanlakihan ito ng mata pero tiniyak na hindi tunog galit ang boses.
"Come on, please. I'm already begging here."
"Doesn't like one to me." Humalukipkip siya at pinagkrus ang mga legs. Mahabang katahimikan at ni hindi ito kumikilos kahit anong pagtataboy. "Okay, I'll think about it."
"I need an answer now. Madali lang ang sumagot ng yes, It'll be fun, I promise.Natitiyak kong magpapasalamat ka sa akin pagdating ng araw-”
"Okay, okay." Sa wakas ay sagot dahil naririndi na siya kakulitan nito. "Pag-iisipan ko."
"I'll take that as a yes them!" Nagmamadali itong lumabas ng opisina niya.
Napapailing nalang siyang naiwan.
Sa araw ng kaarawan nito ay hindi na siya nakahindi ng siguraduhin ni Leah na wala siyang maidadahilan. Tiniyak ng babae na tapus at maayos ang trabaho ng araw na yun.
"You know what, I actually forgot about it. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pabor. A nightclub full of male strippers? On your birthday?" Tiniyak na exaggerated ang tono habang nagmamaneho.
"Alam ko, pero ginawan ko ng paraan para makasama ka. This is not only about me, but also for you. Alam kong iba ang mundo mo sa akin Dane, and I appreciate all the favors that I asked you and you never said no. Kaya gusto ko rin magkaroon ka ng konting enjoyment sa buhay mo. Baka oras na para buksan mo ang pintuan para sa ibang tao."
"You are talking in riddles, did you know that? Left or right?" Tanong niya sa dalawang daan sa harapan. Hindi na matandaan ang nadaanan ng naligaw siya sa lugar na yun nung nakaraan.
"Take your left please. And don't pretend na hindi mo alam ang sinasabi ko."
Tumawa siya ng may pagka-aliw. "Hindi ko nga alam bakit ba."
Napapailing-iling na lang ang nasa passenger seat. "You should find a boyfriend. Para maiba naman ang rutin ang buhay mo."
"You should have one first." Pagbabalik niya rito. She grinned as they both knew that Leah is a year and a half older than her. "Happy thirtieth dear."
"Oh, please don't remind me." Tumawa rin ito kaya nagkatawanan ang dalawa. Maya-maya'y natigilan. "You should let other people see this side of you. I'm sure mas lalo pang uunlad ang business mo."
"Ganun ba karami ang mga taong naiinis sa akin?" It was a stupid question because she already know the answer. Though wala ni isang nagpapakita sa kanya nun sa takot na mawalan ng trabaho.
"They just don't know you that much, kaya hindi ka nila maintindihan."
"Good answer."
Hanggang makarating ang dalawa sa patutunguhan ay wala ng imikan ang mga ito maliban sa pagbibigay ni Leah ng instruction sa daan. Sa parte ni Daneliya ay napapaisip sa pwedeng maging reaksyon pagdating sa lugar. Natitiyak na hindi na siya makikilala ng lalaking nag-alok sa kanyang pumasok sa loob ng naturang strip club dahil ibang-iba ang itsura niya ngayon sa suot na corporate attire. Sa kabila ng pagtanggi ng utak ay napapaisip rin kung makikilala ba siya ng bartender.
Oh, come on Daneliya!
"They will be surprise to see you." Biglang nagsalita si Leah habang ipinaparada ang niya sasakyan.
"Akala ko ba ay sinabi mo na sa kanila?"
"Pero kaninang umaga ay nagbibigay ako ng hint na hindi ka makakasama. I mean, I'm quite confident when I asked you pero wala naman akong magagawa kapag tumanggi ka sa mismong araw."
"You know I have the same thought until before we left the office. Pero nakikita ko ang effort mo sa trabaho lalo nitong mga nakaraang araw. Hindi ko parin alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga ibang staff kapag nagkaharap kami pero tama ka, gusto kong bigyan ang sarili ko ng chance para kilalanin ang mga taong binabayaran ko."
"You said it in a bad way pero okay na rin. Ano na nga ba yung phrase na madalas sabihin ng iba, it's the thought that count, tama ba?" Tinignan nito ang cellphone ng tumunog yun. "Nasa loob na sila."
"How many?"
Bubuksan na sana nito ang pinto pero nahinto. "What do you mean?"
"Ilan sa staff ko?"
"Don't worry, ilan lang sila. Let's go." Tuluyan nitong binuksan ang pinto at nagpatiunang lumabas.
Sa entrance na ito inabutan. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ang pagtaas ng dugo habang binabagtas ang pasilyong minsan ay dinaanan.
"Excited yet?"
"Stop joking." Pumormal siya.
Humarap ito sa kanya at naglakad patalikod. "This will be the best birthday that I will ever have!"
Tinaasan niya ito ng kilay na hindi na nakita ni Leah dahil tumalikod na itong muli. Ilang sandali lang ay bumungad sa kanya sa ikalawang pagkakataon ang isang tanawin Makinang ang ilaw sa stage pero walang mga lalaki sumasayaw doon..
"Good that they haven't start the show yet. Let's go Dane! And loosen your shoulder." Hinawakan pa ni Leah ang binaggit bago excited na nagpatiuna palapit sa mga kasamahan.
Alanganin siyang sumunod. Inabutan ang halos sampung katao pero mga dalawa lang ang nakilala.
"Good evening ma'am." Magalang na bati ng isa at binigyang daan siyang maupo.
"Ma'am?" Eksaheradang bulalas ni Leah. "We are not at work. Daneliya lang ang itawag ninyo sa kanya. She doesn't mind."
Nagulat ang ilan kaya hindi siya nag-komento pero hindi rin naman nagtaray. Gabi ni Leah yun at hindi niya nais na sirain.