Chapter V-Striptease

1658 Words
Palihim niyang iginala ang mata sa paligid partikular sa bar kung saan nakita ang lalaking unang nakakuha ng atensyon. Pero wala ito doon. “Where is he?” Hindi pa rin sumusukong bulong. Naroon ang abnormal na pagpintig ng puso. I want to see him… hindi inaasahang boses sa isipan. My gosh Daneliya! Why are you pampering yourself with that weird feeling of yours? Sita naman ng matinong bahagi ng utak. I am not okay, tanggi naman ng nauna. I'm just curious. Siguradong kapag nakita ko siya ulit ay parang wala lang siya. Na-overwhelmed lang ako nung nakaraan. Itinaas niya ang baba at ginawa ang nakagawing mannerism. Hinaplos ang mahabang buhok na karaniwan na ay nakapusod ng pataas at dinala sa harap sabay taas ng kilay. She was torn with her own emotions at nag-uumpisa na siyang kainisan yun. At isa sa mga empleyado ang aksidenteng nakakita ng ginawa na inakalang nagtataray ang amo. Binulungan nito ang katabing si Leah na itinanggi ang akusasyon. "Hindi niyo lang siya kilala pero laging ganyan yan si Dane. Siguro ay may iniisip lang siya kaya huwag niyo na lang pansinin." Hindi na sumagot ang nagsalita ng aksidenteng bumaling si Daneliya sa mga ito. "It's so quiet tonight," hindi niya napigilang komento. "Excited ka noh." "I just want to end this." Dinampot ang juice at ininom habang patuloy paring iginagala ang mga mata sa paligid. No, I am not looking for him. I just want to scan the area. Truth is that she found the place quite decent. Hindi naman yun tulad ng ilang pipitsuging bar na marumi at mabaho. Sa katunayan ay malayang nasasagap ng ilong ang malinis at filtered na buga ng air conditioner. Partikular siya doon dahil ayaw niya sa masangsang na amoy. Hindi rin masakit sa ilong ang air fresheners na nagsi-circulate sa paligid. Ang ibang mesang katabi nila ay halatang mga de-kaledad din na mga babae base sa mga kasuotan at gamit. May finesse din ang iba. Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang show at kanya-kanyang labasan ang nagkikisigang mga lalaki sa stage kaya napahinto sa pag-obserba sa paligid ng dalaga. At mukhang may theme ang mga ito ngayong gabi at kunwari ay mga pulis na niri-rade ng mga ito ang lugar. Daneliya was alarmed for a moment! Agad hinawakan si Leah at bumulong na umalis na sila. "Sandali lang, hintayin mo kasi." "But-" hindi naituloy ang sasabihin dahil biglang pumailanlang ang malakas na musika! Oh f*ck! Muntik ng matapik ang noo ng ma-realize na isang palabas lang ang lahat. "Told you..." bulong ng katabi at parang gustong umangat ng pwet nito sa excitement. Sa paningin niya ay walang originality ang mga nagpe-perform na ginaya ang naturang performance sa isang sikat na American movie kung saan ang bidang lalaki ay isang strip teaser din. Tuwang-tuwa ang mga kasamahan sa mesa na akala mo'y mga hindi dalaga. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi nalalayo ang mga edad ng mga ito sa kanya pero tuwang-tuwa ang lahat sa napapanood. Tilian ang mga ito tulad ng mga kahilera nilang lamesa lalo na ng mag-umpisang gumiling-giling ang mga lalaki sa stage na akala mo ay mga uod na binudburan ng asin. "Take it off!" Sigaw ng isa na siyang ginaya ng ibang naroon. Pasimple siyang humawak sa noo. It embarrassed her! Lalo na ng magsilapitan na ang mga lalaki sa ibat-ibang lamesa. One of the last men who went out from the stage approached them. At ganun na lang kabilis ang naging pagpintig ng pulso ng tuluyan itong makalapit. "Who is the birthday girl?" Tanong ng makisig na lalaki. Kaiba sa mga nakita sa stage kanina na pang-ibaba nalang ang mga saplot ay fully covered pa ito. Katunayan ay halos kalalabas-labas lang. "Is it you?" He asked in a commanding and manly tone. Wala sa sariling naituro si Leah pero titig na titig siya sa mga mata nito. He was wearing a half mask to cover his face ! Pero pamilyar ang mata nitong titig na titig sa kanya. And she felt like she had seen him before. "Is that you Hercules?" Putol ni Leah sa pagsasalubong ng mga mata ng dalawa. Hindi sumagot ang performer at sa halip ay tumayo sa likod ng celebrant saka nag-umpisang mag-alis ng pang-itaas nito. Olive-tone skin. Yun ang kagyat na rumihistro sa utak ni Daneliya habang titig na titig pa rin sa estranghero. Hindi na nga napansin ang sariling bahagyang nakatigilid na at pinapanood ito. At tama siya ng sapantahang maganda ang built ng katawan ng lalaki lalo na sa may bandang balikat. Hanggang pang-itaas lang ang inalis saka nag-umpisa itong sumayaw. Kung nahihiya siya kanina ngayon naman ay parang siniliban ang pwet sa ginawang pagsayaw nito. He was definitely something! Ito yung hindi mo aakalaing makakasayaw ng ganun dahil sa taas at tindig. Oh well halos ng naroon ay ganun din naman pero iba ang dating sa kanya ng isang ito. He is a performer! Parang maning-mani ang ginagawa nitong paggiling. She was mesmerized! As if she wanted to see that same performance for herself. A private strip show! Gusto niyang alisin ang mga mata rito dahil sa pangangapal ng magkabilang-pisngo pero hindi niya magawa. Gustong tumutol ng makitang pinihit nito paharap si Leah na hindi mapagnit ang ngiti sa labi at pinahawak ang sariling katawan. N-No! Tutol ng sariling utak. And that same moment he looked in her direction. Napalunok siya ng maghinang ang mga mata nila. He was doing erotic dance with her employee but his eyes was set on her. Bakit ka ganito tumingin sa akin? Wala pang lalaking nangangahas salubungin ang mata ko. Tiniyak niyang may warning na nakapaloob sa mga mata. "Go Leah! Go Leah!” Sigaw ng mga kasama nila sa mesa. Sunod-sunod na kantiyaw ang naging kasunod hanggang sa napilitan ang babaeng gumanti rin sa pagsayaw. And they danced in rhythm as if they were in bed. That's when Daneliya stood up. Hindi naman napansin ng mga kasama yun dahil nagmukha lang siyang lumayo upang bigyan ng space ang dalawa. Pasimple siyang tumalilis at nagpunta ng banyo. Hindi na napansin ang pagsunod ng tingin ni Hercules na nagsalubong ang kilay pero patuloy pa rin sa pagsayaw. He knew her very well. That moment she first step in Queen’s Men, he immediately recognized her. Daneliya Corcova, and she is his next target. He already accepted the offer days before she even first visited the club. He is not interested with the woman pero napapaisip ang binata sa mga reaksyon nakukuha rito. She was aloof and distant. Pero may iba pang nababanaag rito lalo na kapag nagsasalubong ang mga mata nila. He’s still in the process of planning on how to approach her pero hanggang kanina ay walang maisip na paraan. He couldn't just trespass her house, can he? Recently ay napag-alamang may special security na nangangalaga sa bahay nito. He continued performing as if he really wanted to do what he is currently doing. Sandaling inalis sa isipan ang umalis na dalaga. He was supposed to be off tonight. Nalamang ni-request siya ng kapitbahay na si Leah para gawin ang naturang bagay kaya napa-pasok ng wala sa oras. It was his neighbour’s birthday at napagkatuwaan daw diumano ng magkakaibigan ang magpunta roon. Leah’s friends gifted her with this special dance that he's doing. Yes, they do that in Queen’s Men. Kailangan nilang gawin ang naturang bagay upang maitago ang totoong mga katauhan nila. At night he is Hercules, at lahat ng lalaking nagta-trabaho doon ay ipinangalan sa mga Greek god mythology bilang mga codenames nila. Pero kapag wala sa naturang club ay gumagawa sila ng mga misyon. "Sabihin mo kung nababastusan kana." Wala sa oras na bulong. "H-Hindi naman." Leah became red and suddenly stopped dancing. "We can stop if you want. Sapat na ang entertainment na naibigay natin sa mga kaibigan mo." "It's fine James-Hercules." Mabuti nalang at napigil ni Leah ang sarili sa pagbanggit ng totoong pangalan ng kapitbahay. Ang totoo ay nagsinungaling lang ito na dahil sa mga kaibigan kaya nalaman na nagta-trabaho si James doon. Napag-alaman yun mag-isa dahil sa pansariling interes na ipinupukol sa makisig na binata. At sa halip na ma-disappoint ay tila mas nakadagdag pa sa appeal ng lalaki ang pagtatrabaho sa naturang lugar. Lalo at hindi ito tulad ng ibang staff sa naturang club. He only does bartending, at hindi matiyak kung paano ito napapayag ng management. "Alam mong hindi mo dapat sabihin ang pangalan na yan dito." Paalala ni Hercules. Napaigtad si Leah ng maramdaman ang mainit na paghinga ng kapitbahay malapit sa tenga. At inakala yun ng mga kasamahan na hinahalikan siya roon. Naging pinakamalakas na kantiyawan ang mesa na yun sa buong bulwagan. At yun ang eksenang dinatnan ni Daneliya na hindi na muling lumapit sa mga kasama at nakuntento na lang nanonood mula sa kinaroroonan. The scene annoys her for some reason that she cannot explain. She wanted to watch it alone. Surely she wanted to see it again. Naroon ang paninikip sa dibdib habang tinitikis ang katotohanang iyun kanina pa. The very reason she rushed to the bathroom is to freshen up. And when she finally admitted it, saka lang lumuwag ang dibdib. At kung anong pumasok sa isip niya ay naglakad siya palapit sa may reception. "Can I talk to your manager?" Agaw niya sa atenyson ng babaeng nakatalaga. Nanonood rin kasi ito ng show kaya hindi siya namalayang lumapit. "Regarding what matter ma'am?" Gustong tumaas ng kilay at magtaray pero alam niyang natural na tanungin siya ng ganun lalo kung simpleng empleyado din lang ito. Pina-pormal niya pa ang reaksyon ng mukha. "Sino ang pwede kong kausapin tungkol sa mga dancers dito." "Po?" Tuluyang nawala ang atensyon nito sa pinapanood. Hindi na siya nagdalawang-isip at agad sinabi ang gustong mangyari. "Gusto kong rentahan ang lalaking sumasayaw na yan para sa isang live performance." Itinuro ang bartender na kasalukuyang kasayaw ni Leah. Nanlaki ang mata ng kaharap at sandaling hindi nakasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD