Chapter VI-The unexpected plan

1608 Words
"Sino ang pwede kong kausapin tungkol sa mga dancers dito?" Ulit ni Daneliya sa nagtatakang staff. "H-Hindi ko po maintindihan ma'am." "Simpleng Tagalog pero hindi mo maintindihan?" Sa kabila ng dilim ng kinaroroonan ay napansin ang biglang pamumula nito. Pero dahil sanay na sa ganuong reaksyon mula sariling mga staff ay parang wala nalang sa kanya yun. "O-Oo nga po pero hindi ko po maintindihan ang gusto ninyong puntuhin. Tungkol po ang tanong ninyo sa isang special request na gusto ninyong mangyari hindi po ba?" Humalukipkip siya at pilit hinahabaan ang pasensya. Kung sana ay ganun din ang reaksyon ng mukha, but she knew better. "Tell me what you understand." Nag-alis muna ng bara sa lalamuman ito at halatang asiwang-asiwa na. Katunayan ay panay ikot ng mata sa paligid na parang humihingi ng saklolo. "Ang pagka-intindi ko po sa ibig ninyong sabihin ay gusto ninyong mag-set up ng isang sorpresa para sa isang kaibigan tulad ng sa napapanonood po ninyo ngayon." "I want to have the surprise outside this place." "Po?" Tula lalo itong nagulat. “S-Sa labas po?” "You know what, can I just speak to your manager?" "N-Nasa office po siya." "Kaya ako nagtatanong kung nasaan siya hindi ba?" The woman showed uneasiness. At ito ang tipo ng empleyadong hindi gusto ni Daneliya. Yung madaling ma-intimidate ng ibang tao. Malakas ang paniniwalang ka pwedeng maging frontliner kung ganun ka dahil hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo. "Hindi niyo po kailangang magtaas ng boses. N-Nagugulat lang po ako kasi wala sa option ang ganyang klase ng service na binibigay namin. Hindi po pumapayag ang club sa ganyan sa kahit na kaninong guest." Polite parin pero halata na ang pagka-ilang. "That's why I am asking for a manager. I am very much willing to pay any amount." Makuha ko lang ang gusto ko. Pasimpleng nilingon ang pinanggalingan. Kasalukuyan pa ring nagkakatuwaan ang mga iniwan. Si Leah at ang bartender naman ay nag-uusap na halos magdikit na ang mukha. I didn't manage to watch you now, but I'll make sure to have my own entertainment soon! "Ma'am." "The manager, please!" Pinandilatan ito ng mata at lalo pang tinaasan ang tinig upang mangingibabaw yun sa kabila ng malakas na musika. No one says no to Daneliya Corcova. "Tawagin mo ang head o kahit na ang may-ari ng lugar na ito ngayon din!" Mariing utos. "May problema ba Tin-Tin?" Nalingunan niya ang isang lalaking malaki ang katawan na palapit sa kanila. Nakasuot ito ng hapit na t-shirt kung saan bakat na bakat ang malalaking mga muscles nito. A bouncer perhaps! "K-Kasi medyo makulit na ang bisita natin." Sumbong ng tinanong. "Ma'am pasensya na pero busy po ang manager." Gusto niyang i-let go ang pangungulit at bumalik nalang sa kasamahan. But maybe it's because of the wine she had kaya medyo aggressive siya. "I want to talk to the manager!" Giit niya. "Ma'am kapag sinabi po ng host na hindi pwede ay sundin niu nalang po." Galit na hinarap ang lalaki. "I am a guest here! Pinapakinggan niyo dapat ang sinasabi ng mga clients ninyo." "Pero wala na po kayo sa katwiran-" "Nasa katwiran o wala, customers are always right!" Nagkatinginan ang dalawa. Ang host ang nagsalita na bahagyang nilakasan ng loob dahil sa pag-back up ng kasamahan. "Ma'am kaya ko nga po ipinapaliwanag sa inyo na hindi nga kami nagbibigay ng service na gusto ninyo. Bumalik na po kayo sa mga kasama ninyo, please.” Hindi niya nagustuhan ang tono nito. "And who are you to tell me what to do?" Nakita niya ng sensyasan ng mga kaharap at walang kung ano ay sinunggaban siya sa balikat ng bouncer. "Bawal po ang manggulo dito." "Hey, don't touch me!" Pumiksi para mabitiwan siya pero walang kahirap-hirap siyang hinila ng malaking lalaki. "You don't have the right to do this to me!" She became hysterical. "Kinakausap ka ng host ng maayos pero ginagamitan mo siya ng tono na parang pagmamay-ari mo siya o ang lugar na ito. Lahat ng tao dito ay may karapatang igalang dahil pare-pareho tayong tao." Pinanatili niya ang poise habang nagwawala. Ni walang nakapansin sa mga kasamahan sa ginagawa sa kanya hanggang sa makarating sila sa may entrance. Naningkit ang mata niya. Sisiguraduhin niyang pagsisihan ng lalaking ito ang ginagawa sa kanya. "You don't know who I am! I'll make sure that you will lose your job!" "Ma'am, huwag po kayong magwala. Ginagawa ko ito bago pa kayo manggulo sa loob. Kung nakainom na kayo ay mabuti pang umuwi na." Sa kabila ng galit ay napansin parin niya ang pagiging kalmado ng kausap. Sa halip na kaladkarin siya ay naramdaman ang paggiya nito. "This is humiliating!" "Hindi po tayo aabot sa ganito kung hindi niyo po sana inaway ang staff." "Inaaway? I am talking nicely to her." Depensa niya at pilit paring binabawi ang sarili mula rito. “I said let go of me! Kapag hindi mo ginawa ay titiyakin kong makukulong ka sa pangha-harass mo!” "What is happening here?" Sabay pa silang napalingon sa babaeng palapit sa kanila na galing din sa loob. "Ma'am." Parang sundalong inalis ng bouncer ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak kay Daneliya. “Medyo nanggugulo na po kasi ang bisita dahil nakainom na.” "Are you the manager here?" Kagyat niyang tanong. She had never been humiliated like this in her entire life! At yun ang sinabi niya sa inakalang manager. “I can’t believe this place. Wala man lang customer service.” "Hi, I am Aphrodite." Nakangiting pakilala ng babae. "First, what is your name?" "Why are you asking?" Tanong at pinasadahan ang kabuuan nito. Ni hindi man lang kakikitaan ng kahit na anong pagkasindak ito. "So I can call you by your name. And second, I want you to calm down so we can talk." Sinunod niya ang gusto nito tutal ay nagmumukha rin lang siyang nagwawala. All because of the question that she's not supposed to be asking in the first place. "Are we okay now?" Tanong ni Aphrodite pagkuway. "Okay, nabanggit ni Tin-Tin na gusto mo raw makausap ang in-charge? Humihingi siya ng despensa dahil nagulat siya sa tanong mo. I can instantly refuse it but I want to hear it from you. We don't just say no to a queen if we can do the request. Would you like to go to my office?" "We can talk here." Patuloy na pagtataray. "Are you sure?" Tumingin ito sa ilang mga bisitang labas-pasok sa loob na ang iba ay napapatingin sa kanila. "Your staff said you don't offer the requested service so why will I bother talking to you. Papasok lang ako sa loob para magpaalam sa mga kasamahan ko. See, hindi ako nagwawala. I will not raise voice kung efficient ang stafff kapag tinatanong. Besides, normal lang na magtaas ako ng boses para magkarinigan kami dahil sa lakas ng music sa loob. He doesn’t have to drag me out as if I did a crime.” Pinandilatan ng mata ang bouncer. “You should teach them how to handle this kind of situation.” "I'm so sorry if you think of it like that. But I assure you that all the staff here are well-trained. Para naman hindi ka lumabas dito ng masama ang loob ay gusto kong pakinggan ang sasabihin mo. This way please." Nagpatiuna itong pumasok sa loob. Hindi niya gustong sumunod pero magmumukha siyang bastos kapag nag-walk out. Dinala siya sa second floor at humantong sa isang kwarto, typical na isang opisina. Nagpatuloy ang pagiging magalang at kalmado ng babae na lalong ikinakakakunot ng noo. "Now, tell me your request." Nag-alis siya ng bara sa lalamunan. Medyo nahimasmasan na kaya bahagyang tinamaan ng hiya. But it’s too late to turn her back. "Kasama ako sa grupo ng may birthday ngayon at interesado ako sa stripteaser na siyang binayaran ni Leah para mag-perform." "Ah, we call it the request. Yes, we do such thing lalo na kapag loyal guest na namin." "I don't think Leah goes here often?" Ngumiti pa itong lalo. "May mga listahan kami ng mga mahahalagang tao. Pero pinagbibigyan din namin ang mga bago." "You speak in riddles, Aphrodite. I am being frank at gusto ko ding maging ganun ka sa akin." "Tell me your name then?" Halos mag-isang linya ang kilay niya. Bakit ba kanina pa siya nito kinukulit sa pangalan niya. Pero magkagayunman ay sinabi pa rin niya. Hindi lang naman siguro siya ang Daneliya sa mundo. "Call me Daneliya." "And you want the service of Hercules." "Si Leah lang ba ang may birthday ngayong gabi?" Gusto niyang pagtakhan ang pagiging partikular nito sa naturang dancer. "Fortunately Daneliya, yes she is. At nagkataong medyo maingay ang kaarawang ito dahil hindi pumapayag si Hercules na sumayaw maliban na lang kung involved na ang management. As I said, we never say no to a queen." A queen? Does she mean her and all the women entering the club? No, hindi basta-basta ibinibigay ang title na yun sa kung sino lang na babae. And so, mukhang misteryoso nga ang lalaking nakakuha ng atensyon niya. Mukhang hindi ito basta-basta bartender lang. At talagang binubuhay nito ang kuryusidad niya. "Are you celebrating your birthday soon? I guess we can make an arrangement with him. You see, they get insensitive with this kind of thing. Like a bonus kumbaga. Plus nakakapagpasaya at nakakapag-aliw pa sila ng malungkot na babae." Wow, what a word! Hindi siya malungkot pero gusto niyang i-consider ang sinasabi nitong pagbibigay-aliw. "No, gusto ko siyang mag-perform sa bahay ko... in private." Ang ngiting kanina pa nakapaskil sa mukha ng babae ay unti-unting nabura at biglang pumormal ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD