"Does it sounds so weird to you?" Sinabayan ang tanong ng pagtaas ng kilay. She really loves getting this kind of reaction from other people whenever she's bitching out. Keeping them off-guard is her specialty. Tumayo siya at sumandig sa mesa nito. "I am a private person. A few weeks ago, aksidente akong nakapasok dito sa club ninyo. I don't wanna tell you the whole story but that's when I first saw this guy named Hercules at the bar. At interesado ako sa kanya."
The woman cleared her throat. Hindi nito matiyak kung mangingiti ba o kung anong pwedeng maging reaksyon sa narinig. "Interesado? I hope it wasn't as serious as I thought it would be. Our employees don't mix up their job with pleasure."
Tumaas ang isang sulok ng labi. "Well, that depends on my preference. Ikaw na rin ang nagsabi, you never say no to a Queen. Kapag hiniling ko ba sa kanyang magkaroon kami ng ugnayan ay tatanggi siya?" No one says no to me.
"I don't think you're being serious about what you are saying."
Tumawa siya. Oh, she really loves her life! Dumiretso siya ng tayo. "About your worry, hindi mo kailangan mag-alala. I am not going to ask your employee to share my bed. I just simply want him to perform in front of me. Ang isang bagay na hindi ko magawa sa harap ng marami."
"What? To watch the stripteasing man with everyone else?"
"Why do I have this idea that you know what my thoughts are?" Hinayaan nakaguhit sa labi ang kapilyuhan.
The woman was obviously pleased. "Tinitiyak ko sayong hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon. But I understand a woman like you, or at least I am trying." Sumandal ito sa kinauupuan at tumingin kay Daneliya ng diretso. "We all have something to protect. At nakikita kong ang babaeng tulad mo ay hindi nagpupunta sa ganitong lugar, tama ba? You are ashamed that someone will know that you're here."
"I will not deny that." Pag-amin niya. "But to tell you honestly, ilan sa mga kasama ko ngayon dito ay mga empleyado ko. So what do you think of that?"
Itinukod ni Aphrodite ang dalawang siko sa magkabilang armrest at tinitigan ang kaharap. The topic is becoming interesting. "Pero hindi mo kayang ipakita na nag-eenjoy ka, because it is not your thing."
"Exactly!"
Tumango-tango ito. "I think I get your point. Well, sad to say hindi kami nag-offer ng ganyang option sa kahit na kaninong guest. Our employees working in this club is very much private. Marahil ay mababa ang tingin mo sa kanila dahil sa ginagawa nila but I assure you Daneliya, they are all respectable. Everyone are working here for a reason."
Gusto niyang pagtakhan ang paraan ng pananalita nito. Bakit ba pakiramdam niya ay may laman ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.
Nagpatuloy ito. "Pero tulad ng sinabi ko kanina. We don't say no to our Queens. Pwede kong isangguni ito sa mas mataas pa. At kapag pumayag si Hercules ay gawin natin ang gusto mo."
"Kapag pumayag? And if he’s not?"
"We respect each other's decision in this small business. Hindi namin siya pwedeng pilitin sa isang bagay na hindi niya gustong gawin hindi ba."
"But as a superior, you can just tell him what to do." I know, I am a businesswoman myself. Wala akong inutos na hindi ako sinunod ng mga empleyado ko.
"Tell me what's on your mind?"
Mariing na-pinid ang labi. The hell if she would tell this stranger what's in her mind. "So wala palang magiging silbi ang pakikipag-usap ko sa iyo ngayon."
"I can always ask Hercules. Isang malaking pabor ang gagawin ko kung sakali."
Tumikwas ang isang kilay. "I am going to pay this club and him. I don't think that's a favor! I am only after him because of the entertainment and not for anything else. Lahat tayo ay makikinabang dito so I don't think you are doing a favor for me."
Si Aphrodite ay labis na ikinabilib ang babaeng nasa harapan. Nang malamang nasa club ang bagong hawak na case ni Hercules ay na-curious na makaharap ito. Ang naturang usapin ay alam din mismo ni Hera at parang kilala nito ang may request. Kaya nga kahit tumanggi na ay pinilit pa rin ang babaeng magpunta sa opisina. At isa lang ang napatunayan, kakaiba nga ito.
"You know what, if this place doesn't offer such service then I think I better leave. Alam kong hindi ako ganun kadaling kausap."
"You amused me."
"What?" Nagsalubong ang kilay ni Daneliya.
Ngumiti si Aphrodite. "Don't get me wrong. Hindi masama ang ibig kong sabihin. Natutuwa ako sa nakikita kong self-confidence mo. Hindi kita personal na kilala but you are giving me this aura that I have to admire you."
Praises! At hindi siya basta-basta nakukuha sa mga ganun.
"Ipatatawag ko si Hercules para tanungin siya." Dinampot nito ang telepono at sandaling nakipag-usap sa kabilang linya. Nag-westra na bumalik siya sa kinauupuan. "Send him to the office now. I need to talk to him." Ibinaba nito ang telepono. "He's on the way," anito.
Bigla siyang naging uneasy. Wala sa oras na napahawak sa ulo. Bakit kailangang iharap siya sa lalaki ngayon mismo.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Aphrodite.
"Yeah, I'm fine." Inalis niya ang kamay sa ulo. "I just had a few drinks." "Oh, I hope hindi dahil lasing ka kaya mo naisipan ang bagay na ito."
"I usually do things on my own. I don't enjoy it with a lot of people. Kaya mas gusto kong ginagawa in private ang nakahiligan ko. And this thing caught my attention kaya gusto kong pagbigyan ang sarili ko."
"Thing...” she repeated in an amused tone. “You must be a very exclusive person then."
Hindi siya nakasagot dahil ilang sandali lang ay sunod-sunod na katok ang pumukaw sa kanila.
"Come in."
Bumukas yun at iniluwa ang lalaking kanina lang ay hubad na sumasayaw para sa kaarawan ng kaibigan. Natigilan ito ng makita siya.
"Hercules, join us." Aphrodite invited him.
Inalis ng binanggit ang mata kay Daneliya na ipinukol ang paningin sa harapan. "May problema ba?" Tanong nito sa buong-buong tinig.
Sexy! Agad namang rumihistro sa isip ni Daneliya.
"Wala naman. Pero mayroon tayong guest na may special request." Sagot ni
Aphrodite.
Muling dumako ang mata ni Hercules sa babaeng akala mo ay kung sinong reyna na nakaupo sa trono. "Special request?"
"Gusto mo bang ako ang magsabi sa kanya? Or you can tell him, dear."
Lingid sa kaalaman ni Daneliya ay nagpalitan na ng makahulugang tingin ang dalawang staff.
"I already talked to you. You can just tell him what we spoke about." May pagka-ilang sa tinig.
"Bakit hindi mo sabihin sa akin at nasa harapan mo naman ako?"
Naningkit ang mata ni Daneliya dahil sa walang kakurap-kurap na pagka-usap ng lalaki sa kanya. "I already told her my concern." Nakipag-sukatab ito ng tingin at lihim niyang naikuyom ang mga kamao. Saan kumukuha ng lakas ng loob ang hamak na lalaking ito para gawin you? She took a deep breath and announced her concern. "I want to pay you to entertain me."
Halos mag-isang linya naman ang kilay ni Hercules. "Pay me? May ideya ako sa ibig mong sabihin pero gusto kong i-detalye mo ang gusto mong mangyari. Tulad ba ng kay Leah?" Bumaling ito kay Aphrodite. "Nabanggit mo ba sa kanya na hindi ko ginagawa yun at sa mga okasyon lang na hindi ko mahindian ang kahilingan ng bisita kaya ako pumapayag.”
"So, namimili ka ng request." Hindi itinago ni Daneliya ang sarcasm sa tinig.
"Pwede mong sabihin ang gusto mo. Pero sa mga piling okasyon lang ako sumasayaw."
"She wanted to do the show in her home." Singit ni Aphrodite na tinapunan muli ng makahulugang tingin ang tauhan.
Saka lang nilinga sa nagtatakang tingin ang bisita. "Sa bahay mo?" "I hate repeating myself but I already told Aphrodite my reason."
"She's a private person Hercules." Agap ng binanggit. "Hindi niya na-enjoy ang show ngayon dahil maraming tao sa paligid."
"Kaya gusto niyang dalhin sa bahay niya ang show?" Tinitigan ng binata ang guest at inarok ang katauhan. Hindi napigilang pagak na tumawa ng wala sa oras.
Samantala, kahit sarkastiko ang tono ni Hercules ay hindi napigilan ni Daneliya ang mapatitig rito. Minasdan ang pag-arko ng mata at paglitaw ng pantay-pantay na ngipin na biglang bagpatahip sa puso.
"Hercules!" Suway naman ni Aphrodite.
"Pasensya na. Hindi kasi normal ang hinihiling mo.” Sumeryoso ito. " Gusto mong gawin ko sayo ang ginawa ko sa kaibigan mo kanina? At sa bahay mo?"
Pinamulahan siya ng pisngi. "Hindi ganun ang gusto kong tukuyin. Do you think I like you? I am only looking for entertainment. Tulad ng ginagawa ng mga kasamahan mo sa mga matronang walang alam gawin sa buhay nila.” Nakita ang paggalawan ng muscles sa mukha nito, and she’s satisfied. Wala itong karapatang ipahiya siya.
“So ibig mong sabihin ay wala kang magawa." Then he threw her a smoldering look.
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya nakasagot gayung sa ganung tanong ay lagi siyang may handang counter attack.
Nagpatuloy ito to Daneliya’s disappointment "It's a no, Aphrodite. Hindi ako laruan na pwedeng utusan magbigay aliw sa nalulungkot na babae. Busy sa
baba at baka natambakan na ako ng order sa bar. Mauuna na ako.” Iniwanan ng nag-aarok na tingin ang bisita at dali-daling lumabas ng opisina.
Naiwan ang dalawa. Si Daneliya ay saka lang inilabas ang pigil na paghinga.