"Did he walk out just like that?" Manghang tanong at napatitig sa nilabasang pinto ng lalaki. Hindi siya makapaniwalang aakto ito ng ganuon sa harap ng superior nito. Tipikal bastos at walang modo!
"My apologies Daneliya. Pero ganun lang talaga si Hercules. Hindi niya gusto ang sumasayaw sa harap ng maraming tao at personal niyang ni-request ang madestino sa bar." Hinging paumanhin ng babae. Bakas pa rin ang pagka-aliw sa mata dahil sa mga nangyayari.
"And you are not doing anything to question that act of his? So disrespectful!"
"Was he? Oh, but he has the right to refuse something that he feels is against his will. Hindi mo kailangan mag-aalala, we can always talk to him. Para saan pa at nandito kami."
Gusto niyang manggigil sa inis dahil sa nasaksihang kabastusan ng bartender. Sino ito para umastang kung sino? At kanina pa rin iniignora ang nakikitang amusement sa mata ng kaharap naparang natutuwa ito sa mga nangyayari. Okay, I gave up! "You know what?I think I'm only wasting my time here. I am here to offer something that can benefit both sides, pero rejection lang ang nakukuha ko." Tumayo na siya at tangkang tatalikod ng tawagin siya ni Aphrodite.
"Leave your contact number and I'll make sure that Hercules will get back to you soon." Nasa tinig nito ang katiyakan sa pinapangako.
"Will he?" Tumikwas ang kilay. Oh why the woman looked so confident. And she was challenged. "Gayung kasasabi mo lang na may karapatan siyang tumanggi sa isang bagay na hindi niya nais gawin."
"Sabihin na nating malakas ang loob kong magkakaroon pa tayo ng ugnayan sa hinaharap. At gusto kong gawan ka ng pabor ngayon. Who knows what will happen."
"I assure you that will never happen-"
"Just leave your contact number." Giit nitong hindi nabubura ang ngiti sa labi. "Malay mo..." sadyang binitin ang sasabihin at tinapunan ng makahulugang tingin ang bisita. "I'd like you to be a part of our small family. Laging bukas ang pinto ng Queen's Men Lair sa kahit kanino lalo na sayo."
Hindi siya nag-komento at tuluyang nagma-martsa palabas ng opisina. Dederetso na sana paalis ng naturang club ng harangin siya ni Leah sa malapit sa reception.
"Where have you been Dane? At aalis kana ba?" Namumungay na ang mga mata nito.
Had she been out for long at sandali lang siyang nawala ay parang napabayaang bata ito? "Umuwi kana Leah. Hindi magandang naglalasing ka sa ganitong klaseng lugar." Pangangaral dito sabay ikot ng mata sa paligid. Ang mga iniwang kasama sa mesa kanina ay halatang mga nakainom na rin. "Have you been doing this to yourself lately? God! You turned thirty and not thirteen." Napapailing siya. Tumuwid ito ng tayo at hinawakan siya sa magkabilang-balikat.
"Come on Dane! Loosen up! Mag-enjoy ka naman kahit konti! All works and no play makes you a dull woman! Kahit gaano kadami ang magiging pera mo ay hindi ka lubusang magiging masaya kung mananatili ka dyan sa comfort zone na pinaglalagyan mo sa sarili mo." Pagkasabi ay tumalikod ito at dumiretso sa may bar.
Hindi sana gustong sumunod ni Daneliya dahil naroon si Hercules pero hindi niya pwedeng pabayaan ang empleyado. Napilitan siyang humakabang at inabutan si Leah na nanghihingi pa ng alak.
"Stop it!" Patuloy na suway rito.
"Let's party!" Humagikgik ito pagkatapos ay humarap sa lalaking busy sa paggawa ng inumin. "Hercules! Pst, busy ka?"
"Leah!" Her eyes widened as she gazed at her? Why is she speaking to him with familiarity? Pero hindi siya pinansin nito.
"Sabay na tayong umuwi."
Nagtatanong ang mga mata niyang bumaling sa lalaki na sakto ring dumako ang tingin sa kanya. Sandaling naghinang ang mga paningin at naroon muli ang abnormal na pagsikdo ng puso. Ilang sandali lang ay ito ang unang nagbawi at bumaling kay Leah.
"Bukas na ako makakalabas Le, mabuti pa ay umuwi kana."
Lumabi ang sinabihan. "You are always busy! Dito lang kita nakikita. Kung hindi pa ako nag-pupunta dito ay hindi pa tayo magkikita."
Pinandilatan niya ang sekretarya kahit hindi nakaharap sa kanya dahil sa paraan ng pakikipag-usap nito sa empleyado ng bar. Do they have a special relationship or something?
"Lagi akong panggabi kaya normal na hindi tayo magkita." Doon bumaling si Hercules sa kanya. "Pwede mo ba siyang iuwi?"
"M-Magkakilala kayong dalawa." Hindi yun tanong kundi kumpirmasyon. Kaya ba ito pumayag sa nais ni Leah? Napasinghap ng may maalala. Ito rin ba ang lalaking tinutukoy ng sekretarya na nais makuha ang atensyon?
"Magkapitbahay kami." Kumpirma ni Hercules.
"We know each other five years now. Pero madalang kaming magkita." Segunda ni Leah.
Speechless siya.
"Umuwi ka na Le. Please Ms, pakiuwi na siya dahil hindi ako makakaalis."
"Y-Yeah. Let's go Leah. Marami ka ng naimom, umuwi na tayo."
"No," tinabig ni Leah ang kamay na humawak rito. "I am still enjoying. Bakit hindi mo din yun gawin?" Sabay harap sa amo at sumimangot. Sa namumungay na mata ay nag-litanya. "Alam mo, I really admire you. Nagawa mong paangatin ang sarili mo ng ganun-ganun lang samantalang ako kahit magpaka-alipin ay mananatiling isang tauhan nalang." Nagkaroon ng lambong ang mga mata nito.
Lumambot ang puso niya. She had never seen her like this before. Sa tuwina ay puno ng enerhiya at laging positive lang ang outlook sa buhay. Hindi niya alam na may ganun itong sentiments. "You are a good employee. One of the best. You're drunk, kaya mo nasabi yan. Let's go."
"Just be strict to me like what you do to others."
"Alam mong kahit gustuhin kong gawin ay hindi ko kaya. You are a friend to me." Isang malugod na ngiti ang ibinigay rito.
At hindi yun nakaligtas sa paningin ni Hercules na kanina pa pala lihim na pinagmamasdan ang kasalukuyang target. Hindi alam ng binata na ang makulit na kapitbahay ay nagtatrabaho kay Daneliya Corcova. Kung sana ay nalaman ng maaga, di sana'y agad-agad nakagawa ng plano para sa paglapit sa babae.
Nagambala ang sandaling pagkahulog sa malalim na pag-iisip ng pagtunog ng landline. Sinagot yun at nagulat nang marinig ang tinig ni Aphrodite. Hindi ito ang namamahala sa club kaya nagulat siya ng madatnan ito sa opisina kanina. But still, superior pa rin ito kaya kailangan respetuhin.
"Is this about her?" Inunahan itong magsalita pagbalik ng opisina nang muling ipatawag doon.
"I want to talk to you."
"Busy ang bar-"
"Tumawag na ako ng papalit sayo. Sandali lang ito."
Napilitan siyang iwan ang trabaho at hindi maiwasang hindi padaanan ng tingin ang kaharap na hindi rin pala siya inaalisan ng tingin. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa dahil alam niyang hindi naman tungkol sa pagiging bartender ang nais nitong ipakipag-usap. "So, what is your plan Aphrodite?"
"My plan? Wala akong plano." Pagmamaang-maangan nito.
"You definitely have. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ma-involve kayo sa misyon na ito. Wala ba kayong tiwala sa akin?"
"Of course we do. Sinabi ko na sayo na si Hera mismo ang may gustong ikaw ang humawak nito."
"Then hayaan niyo akong gawin ang misyon na ayun sa plano ko."
"Plano, may plano ka nga ba? It's been weeks Hercules pero ni wala ka pang lead. Hindi na makapaghihintay pa ng mas matagal ang client. I already told you that this mission is urgent. Why don't you just accept Daneliya Corcova's offer. Ng sa gayon ay hindi kana mahirapan mag-isip kung paano mo gagawin yun."
"Are you saying that I should take advantage of her?"
"Make her fall in love with you hanggang sa dumating ang araw na hindi mo na kailangan mag-kalkal ng impormasyon dahil siya mismo ang magbibigay nun sayo."
Biglang napaisip si Hercules. Sa totoo lang ay tempting ang offer. Maswerte na siya kung tutuusin dahil palay na mismo ang lumalapit sa manok. "Give me time to do it on my own."
Umiling ito. "I think we had given you so much time pero hanggang ngayon ay wala kapa ring nagagawa. Bago ka umakyat ay naisangguni ko ito sa taas."
Umangat ang likod sa pagkakasandal sa upuan dahil sa pag-ahon ng galit. Ang pinaka-ayaw sa lahat ay ang pinangungunahan lalo na sa diskarte. "Hindi ko kayang gawin ang ipinapagawa ninyo." Tuluyang tumayo. "Bababa na ako at maraming gawain sa bar. Find someone to do the private show for her. Pero huwag ako!"
Walang nagawa si Aphrodite kundi panoorin ang paglabas ng binata.