Pababa na si Hercules ng Olympus nang makasalubong si Aphrodite at kaagad na nagbago ang timpla ng mukha. He had never felt this mad with anyone from the organization since he joined five years ago. Kagagaling lang sa opisina ni Hera at kinausap siya ng babae tungkol kay Daneliya.
"I think that was a good plan," Hera said in an impressed expression. "Hindi mo na kailangan pahirapan ang sarili mo at ang target na mismo ang nagpapapasok sayo sa kanyang lungga."
Noong una ay hindi makapaniwalang makakausap ang isa sa mga big bosses ng dahil lang sa isang misyon. Pero hindi pa rin kumbinsido suhestyon ng mga ito. He told her the exact same reason why he kept on refusing. At sa labis na pagka-gulat ay isang pala-kaibigang ngiti ang ipinukol ng babae sa kanya.
"Wala kang ibang gagawin kundi ang kumuha ng mga impormasyon sa kanya. Sa bandang huli ay nasa atin pa rin naman ang desisyon kung ibibigay ba natin sa client ang resulta ng gagawin mo."
"Hindi ko maintindihan." Hinayaang ipakita ang totoong damdamin sa pamamagitan ng pagsalubong ng kilay. "Akala ko ba ay urgent ang misyon na ito? And that the client is very much important."
"Pero may pangalan pa rin tayong kailangang protektahan hindi ba. Ang gagawin mong pagpasok sa buhay ni Daneliya ay isang malaking hamon. Hindi natin alam kung sino nga ba ang may masamang motibo. Who knows at biktima rin lang ang target rito. You know when a woman made it to success by herself, kung sino-sino ang susubok na hilain siya pababa. You get what I mean?"
Nakuha ang nais sabihin ng kaharap. Isa sa mga dahilan kung bakit tumagal sa naturang organisasyon ay dahil sa pagiging marangal nito. Hindi porket nagbayad ang client ay ibibigay rito ang lahat ng impormasyon ng ganun nalang. Kapag napansing wala namang katiwaliang ginagawa ang target ay dina-drop ng mga leaders ang misyon. Hindi papayag si Hera na madungisan ang magandang imahe ng kompanya. "I think I got your point."
Lumuwang ang ngiti nito. "Hindi ka mahirap kausap Hercules and I'm so happy na hindi ko na kailangan ng mahabang paliwanagan. I wonder why Aphrodite didn't manage to convince you in the first place."
"Naunahan ako ng galit." Pag-amin ng binata. "Alam ninyong hindi ko gustong sumasayaw."
"Na hindi ko maintindihan kung bakit hindi gayung isa kang magaling na mananayaw."
Yes, he used to dance when he was younger. Hanggang sa makatapos ng kolehiyo ay sobrang aktibo siya sa mga ganung aktibidades lalo na sa eskwelahan. "It's no longer my cup of tea."
Isang malamyos na tawa ang pinakawalan ni Hera. "Well, I think you don't have a choice this time. Subukan mo lang. This is an interesting mission Hercules. May mga makakadaupang palad kang hindi mo aakalaing makikita mo pa at sa tingin ko ay pwedeng magpabago ng takbo ng buhay mo."
"You are talking in riddles."
"Life is like a riddle. Bigla ka nalang sosorpresahin nito kaya dapat ay lagi kang handa."
Hindi na lang sumagot si Hercules at tuluyang tinanggap ang suhestiyon. At doon nagtatapos ang pag-uusap ng dalawa.
At ngayon naman ay pababa na siya. Sinubukang huwag pansinin ang makakasalubong pero ito mismo ang humarang sa daraanan.
"I know that you are disappointed. I'm sorry Hercules. Trabaho lang at walang personalan." She made a sign of peace in her hand.
Isang tipid na tango lang ang naging tugon at nilampasan ito. Pagbaba sa bar ay sandaling dinukot sa bulsa ng suot na trouser ang isang card at binasa.
Daneliya Corcova, CEO of DC Corporation. Nakasulat doon in bold and monotype corsiva kasama ng iba pang pangunahing detalye ng kompanya. DC Corporation. Daneliya Corcova Corporation. Sa puntong yun ay labis na paghanga ang naramdaman para sa babae. Hindi biro ang mga assets na hawak nito. At ang kailangang alamin ay kung saan nanggaling ang pondo nun.
Pagkatapos ng duty ng gabing iyon ay hindi siya mapakali sa bahay habang hawak ang card. Ibinigay sa kanya ni Hera yun at sinabing siya ang kailangan tumawag mismo kay Daneliya at sabihing nagbago na ang isip niya.
"Papa?" Untag ng anim na taong anak na si Lalaine sa kanya.
Hindi ito napansing nasa tabi na. Agad gumuhit ang isang ngiti sa labi. "Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Tita Weng?"
Imbes na sumagot ay tumagilid ang ulo ng anak at tumitig sa kanya. Lalaine is his five years old daughter. Ang nag-iisang regalong siyang nagpapaalala sa namayapang fiancee na si Lara. Hindi napigilang makaramdam ng pait sa dibdib ng maalala ang babae. Her death changed everything. Ang isang magandang planong inihanda niya para sa kanilang dalawa ay parang kastilyong buhanging bigla nalang gumuho.
"You looked sad..." komento nito.
Tumikwas ang kilay. "Do I?" Nangiti pagkatapos. "Come here." Naglakad palapit ang bata at nagpakandong.
"Why are you serious?"
"Where did you learn that phrase?"
"School Dad. I'm five now, I should start talking like an adult."
Pinanlakihan ng mata si Hercules. "Adult? GodFor God sake you are a baby! My baby." Parang may hinala na siya kung sino ang nagtatanim ng ganung kaisipan dito. "Did your Tita Weng tell you about it?" Ang tinutukoy ay ang nakatatandang kapatid na babae. Weng is thirty-five years old widow. Wala itong anak kaya sa tuwina ay naroon ito para bantayan Lalaine. Noong una ay libangan lang nito mula ng mamatay ang asawa. Hanggang sa paalisin na ang tagabantay ng anak ayun na rin sa kagustuhan ng kapatid.
"No longer a baby!" The child made her eyes widened and stuck her pointed finger inside her mouth. Isang trait na namana sa ina. Lara used to do the same thing sa tuwing mayroon itong gusto at tumatanggi siya.
Oh come on James! It's been five years now! Five years! Pero nanatiling nasa puso ang pait dahil sa hindi pagkakaligtas ng taong pinakamahalaga sa kanya. Lara, his heart yearned.
"Dad, sleepy?" Humawak ang maliit na palad ng bata sa pisngi ng ama.
"Just tired. Now go back to your room at may gagawin ako. Let's have an early dinner later." Bumaba ito sa kandungan at walang salitang lumayo habang nakasunod ng tanaw dito. His daughter looked a lot like Lara. At ni wala siyang makitang resemblance nila nito. Pero ni minsan ay hindi pumasok sa isip na hindi ito anak. He loves her at ito ang pinakamahalaga sa kanya hanggang sa kasalukuyan.
Ilang sandali pa ay kusang bumalik ang atensyon sa hawak na card. It's now or never! Sapat ng ipatawag siya sa Olympus para kausapin tungkol sa isang misyon. He has to do it anyway. Nahanap ang sariling nagda-dial. Ilang beses yung nag-ring bago sagutin.
"Thank you for reaching Daneliya Corporation, how may I help you?"
Agad niyang nabosesan ang kapitbahay na si Leah kaya hindi siya agad nakaimik.
"Hello?" Untag ng nasa kabilang linya. "Hello, are you there?"
Damn? Paano niya ipapakikilala ang sarili ng hindi mag-iisip ng kung anupaman ito.
"Can I speak to Daneliya Corcova." Sa wakas ay nagsalita siya. Sinubukang pakaswalin ang tinig at sinadyang ibahin ang timbre ng boses. Hindi pwedeng malaman ni Leah ang tungkol doon. Wala namang kasing ideya ang kapitbahay sa totoong trabaho sa Queen's Men.
"May I know who's on the line please?"
Hindi siya pwedeng magpakilala. Agad pinagana ang isip. "Representative from Queen's Men Association. She is expecting my call."
Sandaling walang tugon. "I'm sorry but you don't have an appointment today. She is currently busy with continuous meetings. But I'll make sure to relay the message. Do you want to leave your contact number?"
"No, thank you. Tatawag na lang ako ulit sa susunod. Kapag hindi na siya busy."
Sandaling katahimikan. Ilang sandali lang ay nagsalita ito. "Sorry to inform you but Ms. Corcova is always busy. Unless mabigyan kayo ng spot para sa meeting ay hindi niyo siya makakausap."
Agad ang pag-ahon ng inis. Bakit ba ang hirap i-reach out ng babae? At hindi rin pwedeng magsabi ng sariling identity. "Pakisabi nalang sa kanya na tatawag nalang ako ukit pagkatapos. Ang tawag na ito ay galing mismo kay Aphrodite ng QMA."
"QMA?" Ulit ng babae sa kabilang linya.
"Pakisabi sa kanya ang mensahe ko. Tatawag ako ulit bukas sa parehong oras. Salamat." Kagyat na ibinaba ang cellphone at nag-alis ng bara sa lalamunan. Sana talaga ay hindi siya mahirapan bukas.
Muli siyang napatitig sa card at pinasadahan ng daliri ang pangalang naka-ingrave doon. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang nakahawak ng ganun kamahal na papel para lang ilagay ang isang pangalan. "You are so interesting. Ano ang pumasok sa isip mo at gusto mong magkaroon ng sariling show sa bahay mo?"
Wala pang balak kung paano ia-approach si Daneliya pero kailangan maipalam dito ang tungkol sa pagpayag. And he will dance while she's watching. Ngayon palang ay parang kinakabahan na siya. Mayroon pa namang ugali ang babae na kapag tumitig ay akala mo parang nanunuot sa balat.
Bukas ay titiyakin niyang makakausap ito.