Hindi matiyak ni Daneliya kung bakit ginagawa pero literal na binigyan ng oras ang paghahanda sa magiging kwarto ni Hercules. Kung hindi kalabisan at hindi natatakot sa pwedeng sabihin ng ibang empleyado ay hahayaan niyang i-ukopa ng lalaki ang isa sa mga kwarto sa bahay. "I hope this is not too much." Bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasambahay sa pag-aayos. Bukas ng umaga ay maglilipat na ang pansamantalang nagmamay-ari doon. "Mam saan po ito?" Tanong ng isang kasambahay na may hawak na flower vase. "Do you think it will be okay to just place it over there?" Itinuro ang isang maliit na lamesita na nasa tabi ng bintana. "P-Po?" Inalis ang mata sa tinitingnan at dumako sa kausap. She saw the confusion in the maid's eyes and then immediately shifted into fear. Bahagya

