Chapter XXXII: Long night

2555 Words

Ang tangkang pagsita ni Hercules ay hindi naituloy. Gusot ang noong nagsalita. "Nasaan ang mga kasambahay mo?" Napalunok si Daneluya at iginala ang mata sa paligid. Inulit ang pagkalampag sa hawak na bell pero nanatilig tahimik ang paligid. Bumalik ang takot dahil sa pangambang baka may nakapasok na naman sa bahay. Isa pang pagkalembang pero sa pagkakataong ito ay pinanggigilan niya. Doon na siya nilapitan ni Hercules at inagaw ang hawak. "Relax ka lang." "Paano ko gagawin ang sinasabi mo gayung walang lumalapit sa pagtawag ko!" May halong histerya ang pagkakasabi. Tangka siyang hahakbang papunta sa kusina pero pinigilan siya nito. "Hindi ka ba kinakabahan? Mabuti pa ay umalis muna tayo. Hindi natin alam kung sino ang nandito sa loob ng bahay." Umikot ang mata ni Hercules sa paligid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD