Chapter 13 Aira's POV Nakatulala lang ako sa dagat habang nakaupo sa buhangin. Nagpapalipas ng oras bago tuluyang dumilim. Ang daming tumatakbo sa isipan ko ngayon. Ang gulo ng buhay ko. "Mind to share what's going on?" I heard Cristy from behind but I didn't bother looking back. Huminga lang ako ng malalim bago ko naramdamang naupo siya sa tabi ko. She offered me a bottle of beer then raised the plastic bag she's holding telling me we have more. I laughed a bit and nodded my head as I take a sip. "So...what?" Pangunguna nito. Uminom ulit ako ng alak bago ko siya balingan. Tumaas ang dalawang kilay niya na parang inaabangan talaga ang sasabihin ko. "Hindi ko alam kung anong saaabihin ko sa'yo, friend. Ang gulo ng utak ko ngayon." I honestly said then bowed my head. She just tapped my

