Prologue
Prologue
Third Person's POV
"Ang bagal mo." Seryosong pabungad ni Gelo kay Aira ng makapasok siya sa sasakyan nito. Napailing na lang si Aira at isinandal sa bintana ang kanyang ulo.
"Uso kasi maging gentleman minsan, Kuya." Puno ng sarkastiko nitong sabi sa kasama. Katatapos kasi nilang bumili ng mga gamit para sa kanyang condo. Si Cristy dapat ang kasama niya pero ng makita nila si Gelo ay pinakiusapan niya ito. Hindi naman makatanggi ang lalaki sa kanyang pinsan.
"I am.” Gelo answered and glances at her. “But not with a flirt." He smirked. Agad tumaas ang isang kilay ni Aira at hinarap si Gelo.
"So you’re telling, I'm a flirt?" She angrily asked. He just shrugged then continued driving. Huminga na lang ng malalim si Aira at padabog na sinandal ang katawan sa upuan. Bwisit na bwisit talaga ito kay Gelo at kailanman, hindi na sila nagkasundong dalawa.
"Aren't you?" Gelo murmured but enough for her to be heard. Binalingan ulit siya ng dalaga pero inismiran niya lang ito dahilan para mas lalo itong mainis sa kanya.
Aira let out a sigh.
"Alam mo? Good luck na lang sa magiging girlfriend mo! Ang sama ng tabas ng dila mo. Daig mo pa ang babae at para kang tanga sa mga galaw mo. Feeling mo gwapo ka? Gwapo ka nga pero nagmumukha kang gago sa harapan ko." Walang prenong sabi ni Aira.
Gelo chuckled and glances at her. "Feeling mo? Swerte ang lalaking mapapangasawa mo? Ang ingay mo.” He explained and points hisself. “Kami, ayaw na ayaw namin sa mga babaeng malalandi. Hindi pag-ibig ang tawag doon kundi libog." Gelo answered then gave her another gaze.
Tumaas ulit ang kilay ni Aira sa sinabi nito. "Oh? Anong pinaglalaban mo ngayon, Kuya? Matutuwa na ba ako sa'yo? Papalakpak na ba ako sa katalinuhan mo?" Aira asked with full of sarcasm. Tumaas lang ang sulok ng labi ni Gelo.
"My point here is, don't show your flirty side to Lily. Ayokong mahawa siya sa'yo. Ayokong mahawa siya sa ano mang kalandian meron ka. Huwag mong idamay ang pinsan ko. Nakita ko lang kanina kung paano ka makipaglandian sa ibang lalaki, ayokong gawin iyon ni Lily. Mahal namin siya at ayaw namin na may isusumbat ang mapapangasawa niya kapag hindi niya nalimitahan ang sarili niya." Mahabang linya nito at hindi maitanggi ni Aira na nasaktan siya sa mga sinabi ni Gelo sa kanya.
But she didn’t say anything but to sit still and look fierce.
"Bakit ba tuwing kakausapin mo ako? Parang nahihiwalay ang puso sa katawan mo? Hindi ka naman ganito kay Sam." Aira asked instead. Gelo parked the car and looked at her.
"Simple lang naman.” He gav her smile. “Si Sam, palagi niyang pinapakita na may pinag-aralan siya. Ikaw, parang naapakan mo na ang mga tinuro sa'yo sa skwela. Si Sam, she's a good influence to Lily. And you..." He paused and looked directly in her eyes "I don't know..." He added then opened the car door and left.
Walang nagawa si Aira kundi tignan lang ang papalayong pigura ng lalaki. Pumikit siya at nagbilang hanggang lima. Huminga siya ng malalim at hinigpitan ang paghawak sa kanyang kamao.
"Ngiti. Ipakita mo sa kanya na wala kang pakialam sa sinabi niya. Ipakita mo na kayang kaya mo siyang akitin sa iyong ganda. Ipakita mo na sa lahat ng sinabi niya, wala siyang karapatang husgaan ka." Bilin niya at tinapik ang sariling pisngi. Ngumiti ito bago tuluyang lumabas sa sasakyan ni Gelo.