Chapter 1
Aira's POV
Bumungad sa’akin ang amoy na niluluto ni Tita Naveen bahay nila. Maaga pa at sinadya ko talagang kumain ng agahan dito. Hindi naman nila ako sinisita at sa katunayan, mas nagugustuhan pa nila dahil may maingay sa bahay nila.
"Good morning tita!" Bati ko sa kanya pagpasok ko sa mismong kusina ng bahay nila. Bumaling siya sa gawi ko at masayang ngumiti.
"Ang aga mo naman. Natutulog pa ang kaibigan mo. Puntahan mo na lang siya kwarto niya pero kung gusto mong tumulong dito ay pwede din." Kumindat siya sa’akin. Ngumuso ako at linagay ay bag ko sa isang silya.
"Mamaya pa po ang usapan naming ni Cristy. Tatlong oras pa." Sagot ko at tumawa. "Namiss ko kasi ang luto niyo kaya inagahan kong pumunta ditto." Paglalambing ko pa. Tumawa lang siya at napailing ulit.
"Binobola mo na naman ako. Sige na, maghugas ka na ng kamay at tulungan mo na lang ako." Nakangiting sabi nito at agad naman akong sumunod.
Magmula kasi ng maging close kami ni Cristy, lagi na akong pumupunta dito sa kanila. Kulang na lang daw ay ayusin nila ang guest room na lagi kong tinutulugan at gawing sarili kong kwarto. Yes, kapag ayokong umuwi sa’amin, dito ako palaging dumidiretso. Lagi din kaming nagluluto ni Tita Naveen at wala namang kaso iyon kay Cristy dahil taga-kain naman talaga siya.
Joke lang.
Nagkwe-kwentuhan kaming dalawa nang biglang pumasok si Tito Fhax at hinalikan si Tita Naveen sa pisngi.
"Good morning wife." He greeted then smiled sweetly. Nabigla pa siya nang makita ako pero ngumiti lamang ako at tinaas ang lalagyan ng asukal na nasa kamay ko.
"Nandito po ulit ako, mas matamis pa po kayo sa asukal na para sa kape ko." Biro ko kaya tumawa silang dalawa.
"Ikaw talagang bata ka puro ka biro. Balang araw ay magiging ganito din kayo ng mapapangasawa mo." Sabi sa’akin ni Tita Naveen kaya napaingos ako. Naghanda ng kape si Tito Fhax at tinuloy namin ang linuluto naming agahan.
"Sus! Kung may kasing loyal ni Tito Fhax! Alam mo naman ngayon tita, uso ang kabit." Sabi ko sa kanya at tumawa ng mahina.
"Si Nathan namin, loyal iyon. Ayaw mo ba sa kanya?" Pagbibida ni Tito Fhax sa panganay nitong lalaki kaya tumawa ako ng malakas.
"Si Nathan? E parang kapatid ko na po siya. Besides, may mahal na po ang anak niyong iyon. At mukhang hindi pa siya nakakamove on kay Dianne. Ayoko po ng gwapo lang, gusto ko mahal niya rin ako." Sagot ko sa kanya. Ngumiti lang si Tita pero tumaas ang sulok ng labi ni Tito.
"Si Angelo. Single pa rin siya hanggang ngayon. Bagay kayong dalawa." Sabi niya ulit kaya mas lalong humaba ang nguso ko.
Eww! Over my dead body!
"Ang galing mo talagang mag-joke,Tito.” Umiiling na sabi ko sa kanya. “Ayoko nga. Kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo, ayoko pa din po. Baka sa halip na maging masaya ako ay maging impyerno pa ho ang buhay ko 'noh!" I disagreed.
Napailing silang dalawa sa sagot ko.
"Mas lalo naman ako. Ayoko ng maingay na kagaya mo. Nakakarindi kaya ang boses mo. Rinig hanggang sa labas ng bahay." Singit ng isang boses at agad nasira ang umaga ko ng bumungad ang pagmumukha ni Gelo. Lumapit ito sa mag-asawa at binati niya ng magandang umaga.
"Mabuti naman at nadalaw ka anak." Tita Naveen hugged him. Yumakap lang pabalik si Gelo rito.
Napatingin ulit siya sa’akin at inismiran ako. Tinaasan ko lang ito ng kilay at itinuoy ang ginagawa ko.
Wala namang problema sa’akin. Pero nakakainis lang kapag nakikita ko ang pagmumukha niya. Ang sarap kasing ingudngud sa semento. Ang presko presko ng dating niya. Masungit siya gaya ni Nathan pero hindi ko feel ang ugali niya.
Mayamaya pa ay bumaba na din si Cristy at sabay sabay na kaming kumain ng aming agahan. Ito ang gusto ko sa bahay ng kaibigan ko, pwedeng-pwede akong tumawa ng malakas kahit pa kaharap ko ang mga magulang nito.
----
"Kailan ba huling nagbakasyon si Nathan dito?" I heard Gelo asked. Nasa resort kami ngayon at nagpapalipas-oras lang. Kasama naming ngayon ang iba pang mga kapatid ni Cristy na sina Nadine at Apollo.
"Matagal na, Kuya. Kami nga ang dumadalaw doon e. Pero hopefully, this year ay uuwi siya. Konting taon na lang din at feeling ko, kami na ang hahawak sa mga negosyo." Cristy said then let out a sigh.
Noong high school kasi kami, dinala nila si Nathan sa Amerika. Hanggang ngayon ay hindi pa ito umuuwi. Hindi ko lang alam kung bakit gusto nitong manatili doon kahit nandito ang buong pamilya nila.
"Ikaw. Tagal mong nawala." Sabi naman niya sa kanyang pinsan. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Mga tatlong buwan ko din kasing hindi nakita si Gelo.
"Nagpahangin lang ako.” Tipid na sagot nito. “Nga pala, gusto ko sanang libutin ang resort." He informed. Tumango lamang si Cristy at bigla akong tinuro.
"Oo naman! Pero si Aira na ang bahala sa'yo. Nandito si Apollo e." Nakangising sabi niya at magsasalita pa sana ako ng tumaas ang kamay niya at tinakpan ang labi ko.
"Pwede friend? Bukas na kayo mag-away ha?" Sabi niya sa’akin. Inismiran ko si Gelo at umiling.
"Ayoko nga! Pagod rin ako sa biyahe ‘noh. Ano siya? Bata para samahan pa? Tsk." Singit ko. "Parang bakla." Dagdag ko pa pero mahina kaso narinig pala niya.
Sumingkit ang nga mata ni Gelo.
"Sinong bakla?" He asked me seriously. Tinuro ko siya.
"Sino pa ba? Edi ikaw! Alangan naman si Nathan? Ikaw ang sinasabi ko ‘dba? Nandito ba si Nathan?" Pang-aasar ko pa. Mas lalong sumeryoso ang mukha niya.
"Bakla? You've got to be kidding me. Ilang babae na ang napaiyak ko sa tuwa sa kama." Pagmamalaki nito kaya napaingos ulit ako.
"Iyang two inches mo?” Pang-iinsulto ko at tumawa ng mahina. “Buti naman at nasasatisfy mo sila?" Tumawa ako ng malakas at pumalakpak pa. Tumawa din si Nadine kaya mas lalong nalukot ang mukha niya.
"Ganito?" I raised my thumb and laughed again.
"Why? How many inches do you want? How many inches have the longest d**k satisfied you? Masyado na bang maluwag kaya naghahanap ka ng malaki? Huwag kang mag-alala, matangkad ako at tiyak na iiyak ka sa laki ng alaga ko." He seriously told me. Napatigil ako at kumurap nang maintindihan ko ang sinabi nito. Agad akong napatingin kay Cristy.
"Kuya..." He called her cousin but Gelo just chuckled and look at me again.
"Ngayon tahimik ka na? Gusto mo bang sumama sa’akin ngayon gabi para maipakita ko sa'yo kung paano ako maglaro sa kama? Don't worry, I assure you I'll f**k you like it is your first time. Pipikit na lang ako at iisiping ako lang ang nakakita sa katawan mo at hindi ito pinagpiyestahan ng mga dating ka-skwela mo." Puno ng pang-iinsulto niyang sabi sa’akin.
Tumawa lang ako ng mahina at napayuko.
"Kuya Gelo! That's below the belt!" Cristy hissed. Tumayo si Gelo at tinapunan ulit ako ng tingin.
"Minsan kasi, tumingin muna tayo sa sarili natin. Kung malinis ba tayo o naging sawsawan ng bayan na." Sabi nito ulit.
Lalayo na sana ito nang bumuka ang labi ko. "You don't know anything." I almost whispered.
"Really?” He shook his head. “But still, you can't change the fact that you're still a flirt." He answered then turned his back to us. Crsity just squeezed my hand and apologized in his cousin’s behalf.
Bakit ba ang daling maniwala ng mga tao sa chismis? Bakit hindi nila alamin ang nangyari bago sila magsalita?
Nanatili kaming naka-upo doon ng ilang sandal bago ako tumayo at huminga ng malalim.
"Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ni Gelo sa’akin. I can’t even remember what did I do so wrong. He always insults me with his words as if he knew every inch of me. Maybe it’s time…”
"What do you mean?" Her forehead creased.
"I'll let him fall for me, hard and deep. One day, he'll beg for me to stay. He'll be sorry. He'll be crying infront of me. And all I'll be doing is to watch him suffer. Suffer because he hurt me." I said with full of determination.
"Aira…"
"Let me show him how flirt I can be. How I can drive him crazy.” I added. She just sighed then tapped my shoulders.
"Sana lang ay hindi ka magsisi sa gagawin mo. Mahal ko kayo pareho at ayokong may masaktan ni isa sa inyo." Bilin nito at tinapik ang balikat ko.
I just gave her a smile.