Chapter 2
Aira's POV
Kinabukasan ay maagang hinatid ni Cristy ang mga kapatid niya kaya naiwan kaming dalawa ni Gelo sa bahay nila. Nandito pa din kami sa resort pero may sarili kasi silang bahay sa isang bahagi nito. Ilang oras lang naman siyang mawawala at babalik din kaya tiniis ko na lang na makasama si Gelo.
Pinatay ko ang stove dahil tapos na akong magluto ng agahan namin ni Gelo. Oo, agahan namin ni Gelo. I closed my eyes and took a deep sigh.
'Be good, even if they're not.'
I smiled when I heard my Mom's voice in my head. Minulat ko ang mga mata ko at huminga ulit ng malalim.
"Aira, be good. Even if he's not." I told to myself. Pupunta na sana ako sa kwartong tinulugan nito nang pumasok siya sa kusina. He looked surprised seeing me. Gulong-gulo pa ang buhok nito at halatang kagigising lamang niya. I flashed my fake smile as he turn his back to me.
"Where are they?" He asked without facing me. I shrugged and walk towards the table.
"They're out. Nauna nang umuwi sina Nadine at Apollo." I answered casually. "May linuto pala akong bicol express. You can have your breakfast now." I politely said.
He just shook his head and didn’t even bother looking at me.
"I'm not hungry." He answered. Nawala ang pekeng ngiti sa labi ko.
"Edi sana sinabi mo para hindi na ako nagluto. Effort men! Effort!" Bulong ko sa sarili ko pero tumikhim siya para ipaalala na narinig niya ang sinabi ko. Nakasimangot akong bumaling rito.
"Who told you to cook? Edi sana din, nagtanong ka." He answered back. Aba? Namumuro na talaga ang isang 'to!
"May pakealam kasi ako sa kasama ko dito sa bahay dahil alam ko namang hindi siya marunong magluto. Edi thank you! Thank you kasi hindi mo sinabi. Thank you kasi hindi ka gutom!" I said with full of sarcasm. I just heard him cursed.
"You're welcome." He said and faked a smile.
Tumaas yata lahat ng dugo sa ulo ko dahil bigla itong uminit. Lalo na nang makita kong lalabas na siya ng bahay. Talagang sinasayang niya ang effort ko?
Damn. Akala ko ba, hindi siya tatanggi sa Bicol Express? I asked myself.
I shook my head and grab my slippers and throws it away. Tumama ito sa likod niya kaya napatigil siya. He slowly turns his back to me.
Oops.
"What's your problem?" He asked me furiously. Gusto ko ulit tumawa sa rekasyon ng mukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang puso ko.
Shet, muscles sa pisngi, behave.
"Ang kapal kasi ng mukha mo! Nagluto pa ako para may kainin tayo! Tapos ngayon, hindi mo man lang ito titikman? Ganyan ka ba talaga?" I asked. He shook his head in disbelief.
"I told you, I'm not hungry. Besides, you don't have to cook. There are a lot of resto here." Napipikon niyang sagot sa’akin. Tumalikod ulit siya pero sinigaw ko ng malakas ang pangalan niya. Tila narindi siya kaya tinakpan niya ang tenga niya at hinarap ulit ako. Pikon na pikon ang mukha nito.
Buti nga!
"f**k! Stop shouting!" He hissed. I am telling you, he looks so cute wearing that pissed off face. Dinuro ko siya at tumigil.
"Alam mo ba kung anong oras akong bumangon para ipaghanda ko ang pagkain na iyon? Oo! Hindi mo ako inutusan pero hindi kaya ng konsensya ko ang gutumin ang kasama ko sa iisang bubong! I put all my efforts to get the perfect taste para wala kang masabi sa luto ko. Tapos ngayon, aalis ka lang? Punyeta naman, Gelo! Kahit sa harapan ng pagkain man lang, magkaayos tayo!" I told him, with a bit feelings. Hindi siya nagsalita pero nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"They told me to cook that dish so you won't have to eat outside. I let my bitchy side cool down so I can prepare it perfectly. Ikaw, kailan mo itatago ang matabas na dila mo para naman sa kahit isang oras man lang, maayos tayong kakain ng agahan?" I asked him. Tapos narealize ko bigla ang mga pinagsasabi ko.
Shit. Aira, ano ka? Girlfriend para magdrama? I asked myself
Seconds after, I left him without any word. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong doon. Kumain ako ng toasted bread kanina kaya hindi naman ako masyadong gutom, kaya ko pa naman. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagse-search online.
Bahala na nga siya diyan! Ilang oras lang naman ito at babalik na ang kaibigan ko!
----
Third Person's POV
Napailing na lang si Gelo matapos siyang iwan ni Aira sa kusina. Akmang lalabas na siya ng bahay ng maisipang silipin ang linuto ng dalaga. Naiwan pa nito ang mga ginamit na ibang pang-kusina. He shook his head again.
Kahit kailan talaga, ang burara ng babaeng iyon. Sabi nito sa sarili.
Agad naman niyang nahanap ang linuto nito at hindi nagdalawang-isip na kunin ito mula sa lamesa. At first, he just stared at the food. Nalanghap naman niya ang masarap na pagkakaluto nito kaya napailing siya ulit. Ganitong-ganito din kasi ang luto ni Naveen para sa kanya.
'Did she really cook this food for me?' He silently asked hismelf. Tumingin ulit siya sa kwartong pinasukan ni Aira.
Baka sinabi lang ni Lily sa kanya kaya nagluto siya. Sabi naman ng isang bahagi ng isipan niya.
Inamoy niya ulit ang pagkain nang biglang tumunog ang kanyang sikmura. He looked down to his stomache and shook his head.
Damn. This food makes me hungry. He said. Akmang uupo na ito nang mapatingin ulit siya sa gawi ng kwarto ni Aira.
Kumain na kaya iyon? Tawagin ko kaya? Pero baka bumunganga ulit siya.
Kausap niya ulit ang sarili. Saglit siyang nag-isip pero tumalikod din siya para ayain si Aira.
Fine. She seems like she hasn’t eaten yet. Pangu-ngumbinsi niya sa kanyang sarili.
"Aira." He knocked on her door. Walang nagsalita sa kabilang banda kaya kumunot ang noo niya at kumatok.
"Are you asleep?" He asked again. He shook his head as he realized it was a stupid question.
Sinong sasagot kapag tulog?
"Kung gising ka, may sasabihin lang ako." Sabi niya ulit. He knocked three times but still, hindi siya pinagbuksan nito. He counted one to three. Then he gives up.
Tatalikod na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at nakasimangot na Aira ang nakita nito. She looked annoyed and words suddenly left Gelo.
"Uh, good morning?" He said then faked a smile. Tumaas bigla ang kilay ni Aira. Napamura naman si Gelo ng mahina. Akmang isasara ulit ni Aira ang pinto ng pigilan ito ni Gelo.
"Wait!” Pigil nito. Tinulak ulit ni Aira ang pinto. "Wait! May sasabihin nga kasi ako." Sabi ulit ni Gelo. Napipikong tinignan ni Aira ang lalaki.
"Isa! Alalahanin mong dalawa lang tayong nandito sa bahay kaya umayos ka! Hindi ako natatakot sa'yo at baka mapatay kita!" She warned. Dinuro rin niya ito. Itinaas naman ni Gelo ang dalawang kamay para sa pagsuko.
"Easy." Gelo said as he smiled genuinely. Ngayon lang niya nakita si Aira na namumula sa galit. Kapag nag-aaway kasi sila ay napupunta sa personalan.
"Ano nga?" She asked again. Tinuro ni Gelo ang likuran niya.
"Uh, kumain na tayo?" He asked. Napatawa si Aira ng mahina at napailing. Tinignan niya si Gelo mula ulo hanggang paa, tapos sa mga mata nito.
"Seryoso ka ba?" She asked, tumango lang si Gelo.
Hindi na nagsalita si Aira at nauna ng naglakad papunta sa kusina.
---
Inis na naglakad pabalik sa service van si Aira at hindi binalingan pa si Gelo. Lakad takbo naman ang ginawa ng binata para mahabol ito. Kasalukuyan kasi silang namamasyal kanina nang magyaya ang lalaki papunta sa dagat gamit ang bangka.
"Aira." He called her. She didn't look back and continued walking.
"Hey." He grabbed her wrist. Hingal na hingal pa si Gelo pero pilit nitong iniharap ang dalaga sa kanya. Nabigla siya sa bagong ekspresyon ni Aira sa mukha nito na para bang maiiyak…na nalulungkot. Bigla siyang nakonsensya kaya sumeryoso ang mukha niya.
"I don't know what's wrong riding a boat but I'm sorry, okay?" He said sincerely. Kumunot ang noo ni Aira pero umiling rin ito.
"No. Don't say sorry if later on, you'll do that again. Don't say sorry when you don't mean it. Alam mo? Mas maganda pang huwag ka na lang magsalita kaysa sa hihingi ka ng tawad ngayon at papahiyain mo ulit ako sa harap ng maraming tao bukas." She stated. Biglang nakaramdam si Gelo ng hiya sa katawan niya.
"Minsan kasi Gelo, pwede bang dinggin mo naman ang sinasabi ko? Kahit hindi na bilang Aira. Kahit bilang best friend ng pinsan mo. O kahit bilang babae na lang." She said without blinking. Hindi din nakapagsalita agad si Gelo kasi hindi din niya maintindihan ito. Seconds after, she turns her back again.
Gelo left dumbfounded. He tried moving forward but it seems like his feet were glued on the ground. Nagtataka ulit siyang napatingin sa bangka kung saan sila dapat sasakay.
What's wrong with the boat? He asked hismelf.
"Anong meron sa bangka at ayaw na ayaw niyang sumakay?" He asked again. Wala siyang maisip na dahilan. Wala naman nasasabi si Lily sa kanya.
He left out a sigh and shook his head as he decided to just hang around to kill his time.